CHAPTER 48

392 6 0
                                    

Nag-alala talaga ako sa kalagayan ni Mommy kung bakit ba kasi bumili pa siya ng maliit na toilet bowl tapos mahihimatay din pala siya.

Curious nga ako kung ano ang nakita niya, hinilot ko ang sentido ko dahil sa sobrang sakit hanggang sa magising si Mommy at biglang napaluha .

Kumunot ang noo ko at ganon din si Manang na walang alam kung ano ang dahilan kaya nawalan ng malay si Mommy.

Hindi ko din kasi sinabi sa kaniya na may nakita si Mommy sa maliit na toilet bowl hehehe.

" Sweetheart..."

" Mommy okay na ba ang pakiramdam mo? Tsaka bakit ka umiiyak naalala mo na naman ba ang nakita mong multo?"

" Nasaan ang multo?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Manang, si Mommy na umiiyak ay natigilan at mabilis na bumangon.

" Sweetheart walang multo.Oh my gosh I'm very happy na makita ang dalawang pulang linya." Sobrang higpit nang yumakap si Mommy.

Eh pulang dalawang linya?

" Bakit naman po ganon? Pulang linya lang mahihimatay kayo ang akala ko talaga baka may multo sa loob o baka duwende-"

" Sweetheart ang inosente mo naman."

Lumayo si Mommy at kalaunan ay napangiti ng sobrang saya.

" Teka nga Madam ano ang nakita mong pulang linya?"

Pati si Manang naguguluhan, ako nga din Manang eh.

" AHHHH! Finally magkakaapo na ako.Sweetheart you are PREGNANT! "

Napatakip ako sa tainga ko sa sobrang ingay ni Mommy at muli akong niyakap.

Iyon lang-WHAT?

G-god!

" Mommy ano p-po?"

" Sweetheart." Hinawakan ni Mommy ang tiyan ko at hindi namalayan ang luha sa pisngi niya.

" Sa loob nito may buhay ng bata na biyaya galing sa Diyos.May bata sa loob ng isinapupunan mo at magiging Lola na ako." Napatakip ako sa bibig ko dahil sa paliwanag ni Mommy.

B-bata? Sa loob ng tyan ko?

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko pero kinabahan din ako no.Si Manang ay napangiti sa nalaman habang si Mommy ay napapunas sa luha niya na bakas ang saya.

Mga ilang minuto akong natauhan dahil natulala pala ako kanina, ito din naman ang gusto ng hubby ko teka nasaan na ba ang lalaking iyon?

----
Hawak ni Mommy ang pregnancy test at muling ibinigay sa akin.

" I'm sure your husband will be happy when he finds out you're pregnant. Sweetheart, thank you because I'm going to have a grandchild." Ngumiti ako, kay sarap sa pakiramdam na makitang masaya si Mommy.

Muli kong tiningnan ang pregnancy test.

Grabe kapag pala dalawang pulang linya possitive at buntis, ang galing din no?

Pumikit ako at tuluyang ibinagsak ang katawan sa kama.Kung kanina si Mommy ang nakahiga sa malambot niyang kama ngayon ako naman ang nakahiga sa kama ko at si Mommy ang nagbabantay sa'kin.

Wala dito si Daddy marahil uuwi na rin iyon mamaya.

" Anong gusto mong kainin?"

" Iyong maasim sana ang gusto ko Mommy."

" Tinulang manok with sampalok, you want sweetheart?" Ngumiti ako at tumango, napaalam narin si Mommy na aalis siya at ilang minuto kong hinintay ay may kumatok sa pintuan.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now