CHAPTER 45

388 7 0
                                    

Iwan ko ba sa sarili ko at bakit ko naisip na dumistasya kay hubby, naaawa ko siyang tiningnan nang makitang nakaupo siya sa dulo ng kama seryuso ang mukha.

Binuhat ko ang bag ko na naglalaman ng damit ko kunti lang naman ang dinala ko.Hala maglalayas na yan Kikay?

" Hubby?"

Napalingon siya sa gawi ko at nakita ang paglambot ng ekspresyon sa mukha niya, ngumiti ako at lumapit sa kaniya kasabay ng pag-upo ko sa kandungan niya at yumakap sa leeg niya.

" Why are you leaving? Did I do something wrong?"

" Wala hubby, bet ko lang hehehe."

" Fvck!"

" I'm sorry I can't understand hubby na ganito iyong gusto ko, pagbibigyan muna lang ako."

" I can't sleep well without you by my side. Are you really leaving?"

Hinaplos ko ang guwapo niyang mukha at tumango bago ako yumakap sa kaniya.Naramdaman ko ang yakap niya pabalik at kinulong ako sa bisig niya.

" I need to go hubby."

Excited akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan niya at kinuha ang bag ko.Masaya ako sa desisyon ko alam mo iyong feeling na gustong gusto mong mangyari tapos nangyari nga.

Weirdo, parang ayaw kong tumabi matulog kay hubby kaya doon muna ako sa mansion ng mga magulang ko matutulog.

Pagkarating sa baba ay dala-dala ng isang tauhan ni hubby ang bag ko at ibinigay kay manong na siyang sumundo sa akin.

Nakapamulsang tumingin si hubby habang nakikita ko ang lungkot at pagkadismaya sa mukha niya.Ang mga tauhan niya ay matyagang nakamasid sa reaksyon niya.

" Boss nilayasan kana ng asawa mo? "

Si Balolong ang nagsalita, napangiwi ako nang tapikin pa nito ang braso ni hubby nako po bad mood pa naman siya ngayon.

" Pftt kawawa pala ang boss natin, iiwan ng baby niya."

" Dámn! "

Napaiktad ako dahil mabilis na kinasa ni hubby ang baril niya at kung hindi tumakbo si Balolong paniguradong sa kabaong ang inabot niya.

" All of you,leave."

Nagbabanta niyang sambit sa mga tauhan niya kaya namumutlang umalis ang mga kalalakihan bago siya napatingin sa'kin.Ang init naman ng ulo.

" Hubby highblood kana naman hehehe."

Siya mismo ang lumapit at niyakap ako na ikinasinghap ko at napakagat na lamang sa aking labi.

" Kailan ka uuwi?"

" Kapag namiss ko ang hubby ko."

Humiwalay ako sa yakap niya at umatras papalayo sa kaniya akmang tatalikod na ako sa kaniya nang higitin niya ako sa bewang at walang pasabing inangkin ang labi ko.

Aba! Ang bastos nito!

Pinigilan ko ang kakaibang emosyon nang halikan niya ako my god ayaw kong halikan niya ako, iwan ko anong pakiramdam 'to pero shít nakakainis ba naman kasi.

" Aalis na ako."

Hawak niya pa ang kamay ko at halos ayaw akong bitawan.Ngumiti lang ako at tuluyang pumasok sa sasakyan.Ang lungkot ng mukha niya pero hindi ako naaawa hehehe sorry hubby.

" Bye hubby."

Nagwave ako ng kamay ko at sinara narin ang binata ng sasakyan.Humilig ako sa backrest ng upuan at ipinikit ang mata ko.

" Hija, bakit hindi mo nalang isinama ang asawa mo?"

" Nako Manong bakit ko pa siya isasama kaya nga ayaw kong matulog doon para makaiwas ako sa kaniya." Hindi makapaniwala si Manong at sinulyapan ako ng tingin.

" Bakit mo siya iiwasan? Parang ayaw ka niyang paalisin kanina Hija, mahal na mahal ka talaga ng asawa mo." Napangiwi ako.

" Umiiwas ako dahil nangangain siya este naiinis ako." Napahimas si Manong sa noo niya.

Pagkarating sa mansion ay hinihintay pala ako ni Mommy sa main door ng mansion habang si Daddy ay nakaupo sa couch.Hindi pa nakakauwi si Kuya sa business trip niya nakakamiss ang lalaking iyon.

" What did you think and why did you leave your husband?"

Tanong ni Daddy nang makaupo ako sa tabi niya, nababagot akong humilig kay Mommy at hinaplos nito ang buhok  ko.

" Sweetheart may problema ba kayo ng asawa mo?"

" Wala naman po, basta bet ko lang dumistasya sa kaniya hehehe." Napailing-iling si Daddy.

" Kumain kana ba?"

" Opo Mommy pero nagutom ulit ako puwede bang lutuan mo ako ng paborito kong karekare?" Ngumingiting tanong ko.

" Sure naman sweetheart." Nagdiwang ako sa tuwa at tumayo na kami ni Mommy para magtungo sa kusina.

Mapapadami na naman ang kain ko nito.

" Sweetheart hindi ba nagalit ang asawa mo sayo no'ng pumunta ka dito?"

Naitanong ni Mommy habang ginigisa ang mga sangkap.Umiling naman ako at uminom ng gatas na si Mommy din ang nagtimpla.

" Nagpaalam naman po ako, pero Mommy mukhang nadismaya ata siya."

" Bakit ba kasi hindi mo nalang isinama sweetheart?"

" Iwan ko ba Mommy gusto kong dumistasya sa kaniya sa pagtulog.Naiinis din po kapag nakayapos siya sa'kin." Nakakunot ang noo ni Mommy nang humarap sa'kin.

"Nako anak baka manlamig ang asawa mo sa ginagawa mo sa kaniya."

" Eh ba't naman siya manlalamig? Sasabihan ko nalang siya na  magsuot ng hoodie para di siya lamigin." Natigilan si Mommy at napatampal sa noo niya.

" Ang ibig kong sabihin sweetheart baka mag-iba ang pakikitungo niya sayo, baka humanap yan ng iba."

" Nako gawin niya lang talaga iyon at gigisahin ko ang mukha ng babae niya.Ang pangalan niya po ay Connieho mukhang unggoy po iyon."

" Ha? May babae ang asawa mo?"

" Mommy nilalandi niya po ang hubby ko.Tapos ang bad ng ugali Mommy sinabihan ba naman akong chaka at jeje daw."

" Aba't ang kapal naman ng mukha niya sweetheart." gigil na gigil si Mommy.

" Kasing kapal ng pader ang pagmumukha niya, ang dapat dyan nilalagyan ng maanghang na labuyo ang makati niyang ano."

" Ang makating hita?"

Napailing-iling si Mommy at ikinatawa ko nang ituro niya ang pinakapribadong parte ng babae, wah! Pwede ba iyon? Mukha good idea din iyon pftt.

" Kaya ikaw umayos ka, mahalin mo ang asawa mo."

" Mahal ko naman po talaga ang hubby ko Mommy medyo naiinis lang ako kapag hinahalikan niya ako."

" Yan ang palatandaan na mahal ka ng asawa mo sweetheart, kapag hinalikan at niyakap ka niya ang tawag do'n nilalambing ka niya." Napaisip ako sa sinabi ni Mommy.

" So kapag hinalikan niya ang Connieho na iyon palatandaan ba din iyon na nilalambing niya at mahal niya ang higad na 'yon, Mommy?"

" Sweetheart,palatandaan na iyon na nangangabit na siya."

Hala tangína!

Loyal ang hubby ko sa'kin.

At ang Connieho na iyon kung hindi siya titigil matitikman niya talaga ang bangis ko.

Matitikman niya ang maanghang na labuyo sa petchay niya.

MY MAFIA'S HUSBANDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz