CHAPTER 10

500 11 0
                                    

Isang mahigpit na yakap ang iginawad nina Mommy and Daddy habang nasa airport na kami. " Ang drama tsk." Mahinang bulong ko peru alam kong narinig nila iyon.

" Mamimiss namin ang Unika Hija namin."

" Uuwi din naman po kami kaagad." Natigilan ako at nilingon ang walang emosyon na si Hugo.

" Pre kailan nga pala ang uwi natin? "

" Maybe 3 weeks."

" Ba't ang tagal naman? Sa loob ng three Weeks  honeymoon lang ang gagawin natin? Eh mas lalo akong mabubusog sa honeymoon kung aabot ng 3 weeks." Humarap ako kay Mommy na nakangiwi.

" Sweetheart what did you say?" naitanong ni Mommy, inayos ko muna ang suot kong cap at inakbayan si Hugo.

" Mommy ngayon ko lang po kasi nalaman na nakakabusog pala ang honeymoon.Nakakain pala iyon, goods diba?"

" Huh?" Napatanga sina Mommy and Daddy si Kuya naman ay mahinang tumawa kaya binatukan ko dahil malapit lang naman siya sa'kin.

" Mommy totoo bang masarap ang honeymoon? Baka kasi nagsisinungaling ang kapri na 'to."

" KIKAY! " Masama akong tiningnan ni Daddy dahil seguro sa pagtawag ko kay Hugo ng kapri.Eh kapri naman talaga siya.

" Sweetheart ano bang pinagsasabi mo?" Nang tumingin si Mommy sa kasatabi ko ay umiwas lang ng tingin si Hugo.Tutal naikasal naman sina Mommy and Daddy kaya sure ako na dumaan din sila sa honeymoon nasarapan din seguro sila?

" Mommy, diba nag honeymoon kayo ni Daddy so nasarapan po ba kayo? " Nang dahil sa tanong ko napamura si Daddy at si Mommy naman ay namula ang mukha.

" Kung anu-ano ang pinagsasabi mo anak.Hugo can we talk? " Tanong ni Daddy na agad na tinanguan ni Hugo at bahagyang umalis sa tabi namin ni Mommy. Nang lumingon ako kay Kuya ay kausap niya ang iilang mga tauhan ni Hugo nakiki-tsismis seguro?

" Sweetheart, bakit mo tinatanong iyon? " Hinawakan ni Mommy ang kamay ko.Masama bang magtanong? Nacucurious lang ako kung gaano kasarap baka kasi maadik ako.

" Mommy kasi--"

" Dapat aware ka sa mangyayari sweetheart."

" So totoo pong masarap?" Namumula parin ang mukha niya at hinaplos ang buhok ko.

" Oum yeah m-masarap nga.Peru sa una dapat ihanda mo ang sarili mo it's...Ahm sweetheart." Huminga ng malalim si Mommy at mariin pumikit.

" Mommy? "

Pagmulat niya ay bahagya siyang ngumiti at niyakap ako saglit. " Ang dalaga kong anak may asawa na." Masama kong tiningnan si Mommy.

Psh hindi ako dalaga.

" Ready your self sweetheart b-because..
Because you will be hurt first. It hurts at first but the pain will go away."

" Kakain lang naman po kami, Mommy bakit ako masasaktan?"

Hindi na nasagot ni Mommy ang tanong ko dahil tinawag narin ako ni Hugo at kailangan na naming umalis.Napaluha pa si Mommy nang muli niya akong yakapin.

" Kikay bunso, mamimiss kita."

" Hala ang pangit umiyak."

Tinawanan ko si Kuya, mamimiss ko din sila teka ba't sila umiiyak hindi pa naman katapusan ng buhay ko.Maghohoneymoon lang naman kami ni Hugo.

Magpapakabusog lang kami.

" Bye! Mamimiss ko kayo." Huling sambit ko bago kami tuluyang pumasok sa private plane ni Hugo.

" Hoy huwag mo akong hawakan! "

Sigaw ko sa tauhan ni Hugo nang hawakan ako nito para alalayan, parang ginawa naman niya akong bata na hindi pa marunong maglakad.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now