CHAPTER 32

432 8 0
                                    

Inis na inis ang babae at susugurin sana ako puwis hindi ako magpapatalo tsk!

Uupakan ko talaga siya, kung dati hindi ako pumapatol sa babae ngayon oo pumapatol na ako nakakainis naman kasi.

" Teka! Kaano-ano mo si Connieho?"

" She's nothing."

Patuloy siya sa paglakad habang hinahatak ako papalayo sa babaeng iyon.

Anong nothing?

Hangin lang ba iyon?

" Teka sandali nga lang." Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at tiningnan ang walang emosyon niyang mata.

" Girlfriend mo iyon no?" Hindi siya sumagot na ikinainis ng ko.

" So girlfriend mo talaga iyon.Bakit mo pa ako pinakasalan kung may girlfriend ka naman? Kung sana si Connieho na lang ang pinakasalan mo."

" Wife.."

" Wife mo iyong mukha mo! "

" Are you jealous? " He smirked na ikinairap ko.No, bakit naman ako magseselos? Tsk! Naiinis lang ako dahil may girlfriend pala siya, naisip ko na babaero siya.

" We don't have a relationship okay? She is one of the desperate women chasing after me."

" Wee? "

" I'm saying the truth."

" Wee? "

" D*mn! "

" Oo nga nagsasabi ka ng totoo hehehe." I just said.

Bahagya niyang sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri kasabay ng pagdila niya sa labi niya, naakit tuloy ako ang guwapo talaga sh*t.

" Tara pumunta tayo do'n."

Hinatak ko ang kamay niya patungo sa mga maraming tao.Masaya kong pinapanood ang mga bata na nagrirides at bahagyang nilingon si Hugo na may kausap sa cellphone niya.Anong klaseng date ba 'to kung nasa iba lang naman ang atensyon niya?

Hays ang boring naman.Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at sumali magrides sa mga bata, happy naman no? Nagmumukha lang akong bata hehehe.

Tsaka free kahit matanda may mga matanda naman na nag-eenjoy sa pagrirides.

" Hey."

" Hey too." Napangiti ang lalaki kaya biglang lumitaw ang dimple niya.Aww ang cute naman.

Nasa tabi ko siya and he looks so rich base kasi sa suot niya.Mukhang masayahin siya at bahagya pa akong tinitigan.

Luhh?

" May tae ba ako sa mukha? "

" Huh? What?"

" Hehehe.Nakatitig ka kasi." Mahina siyang tumawa pero maging sa pag-tawa ay may kakaiba na parang maakit ka.Wait maaakit? Babae na talaga ako huhuhu.

" You're beautiful."

" Ayieee, ang galing mong magsinungaling kaloka ka." Bahagya siya napangiwi sa sinabi ko peru kalaunan ay tumawa.

" I'm serious, you're beautiful."

" Guwapo lang, hindi maganda hehehe." Biro ko.

" You're so funny." Nagkibit balikat lang ako.Nalibang ako na kasama siya para nga kaming bata na umaaktong nakipagkarerahan.

" Pustahan tayo ako ang mananalo." Pagmamayabang ko.

" Okay." maikli niyang sagot pero hindi nawala ang ngiti niya hanggang sa mahagip ng mata ko si Hugo na hindi na maipinta ang mukha.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now