CHAPTER 55

190 3 0
                                    

Nagising ako at agad na bumungad ang maduming kuwarto at mahahalata na sira din ito.Sinubukan kong gumalaw subalit nakatali ang kamay ko.

Naalala ko na nakidnap pala ako tangína!

Nasaan na ba ang hubby ko? Sana mahanap niya ako.

" Gising kana pala."

" Eh hindi ba halata dilat na dilat ang mata ko." Napaasik ako sa lalaki.

" Eh Boss pilosopo pala 'to." Nanlaki ang mata ko dahil ito pala ang Boss nila?

Kaedad lang ni hubby medyo guwapo pero mas guwapo ang hubby ko.

" Ano bang kailangan mo sa'kin? Pakawalan niyo na ako!" sigaw ko pero hiningal ako kaaagd ano bayan!

" May atraso sa amin ang asawa mo, I'm sure nagwawala na iyon sa galit." ngumisi ito ng kakaiba at lumapit sa gawi ko.

" How nice dinadala mo ang anak niya, tamang-tama dalawang importanteng buhay  ang mawawala sa kaniya."

" Don't fvcking touch me asshòle!"

Inilayo ko ang legs ko dahil sa paghaplos niya, yuck nakakadiri siya! Mas lalo itong ngumisi at hinaplos ang pisngi ko na hindi ko magawang umiwas.

" Ang ganda mo pala sa personal.What if makinabang ako sa katawan mo magagawa ko iyon kahit buntis ka."

" Ahh! "

Napadaing ako nang lumandas ang kamay niya sa buhok ko at sinabunutan ako kaya napatingala ang ulo ko.

Pinilit kong maging matapang pero hindi ko magawa nakakawala ng angas napaiyak ako bigla sa takot at kaba.

" H-hayop!"

Nagtawanan ang mga tauhan niya at ang Boss nilang nakakatakot ay parang demonyo sa harapan ko.

Madiin ang pagpikit ko pinakiramdaman ang pagsabunot niya ng sobrang higpit.

" Sobrang laki ng kasalanan ng asawa mo sa'kin." ang isang kamay ay hinaplos ang hita ko." Do you think darating ang asawa mo, ha?!"

" Oo! Darating siya at mauubos kayong lahat-Ah!" mas lalo ako nitong sinabunutan kasabay ng pagtawa niya ng mala-demonyo.

Sobrang nakakatakot.

Ililigtas ako ni hubby, inaasahan ko iyon.

Nanginig ako sa kaba nang biglang sumakit ang tiyan ko, nako po huwag naman sana ngayon.Hindi ako puwedeng manganak dito.

" Pakawalan m-mo ako! " sigaw ko nang umalis ang Boss nila at ang tatlong tauhan ay nagpaiwan at may kung anong pinasuot sa leeg ko.

" H-huwag! A-alisin niyo 'to!"

" Handa kana bang magkawatak-watak ang laman at katawan mo?  Damay pa 'yang anak mo." nagpumiglas ako sa pagkakatali sa kamay ko.

Nanginginig kong tiningnan ang bomba na nakasabit sa leeg ko.Diyos ko kailan pa ba darating si hubby?

Okay lang sana kung mag-isa lang ako dito kaso may bata sa isinapupunan ko.

" Mga d-demonyo kayo,palabasin niyo ako! " Desperada akong sumigaw,luhaan.

Nanginginig sa takot dahil buong buhay ko ngayon lang 'to nangyari.

Kung hindi talaga dumating ang lalaking iyon sa labas ko siya patutulugin.Natigilan ako ng ilang sandali.

Paano pa nga ba kami magtatabi sa iisang kama kung mawawala lang din ako.Tangína naman!

Hindi dapat ako nag-iisip ng puro negatibo, nakakanis.

" Ahhh! "

Malakas ang naging daing ko dahil sa sobrang pamimilipit ng tyan ko.Manganganak na ba ako?

Bakit ngayon pa?

Nanginginig ang hita ko nang may makita akong tubig na dumaloy sa hita ko hanggang sa dugo na ang umaagos doon.

" Ahhh!!"

Sobrang sakit.Kumakalat ang sakit sa buong katawan ko.

* Bang!*

*Bang!*

*Bang!*

Napapitlag ako nang sunod-sunod ang putukan ng baril sa labas nandito na kaya si hubby? Kahit papaano ay nabuhayan ako ng loob.

Puro daing ang nagawa ko at hindi magawang indahin ang sakit ng tiyan ko."Baby hindi ka puwedeng lumabas ah!" naikuyom ko ang daliri sa paa ko.

Napatingin ako sa time ng bomba na patuloy na gumagana at habang tumutunog pa ito.Sobrang dami ng putukan sa labas parang umulan narin ng bala.

Sana okay lang ang hubby ko.

Ilang minuto ako sa paghihintay na dumating si Hugo ngunit hindi siya sumulpot.

Pawis na pawis ako at iniiyak ang sakit ng tiyan ko,idagdag pa ang kaba dahil sa bomba na nakasuot sa leeg ko.Diyos ko.

" Ahhh! "

*Blagg!*

Biglang nasira ang pintuan dahil sa sobrang lakas ng pagsipa hanggang sa bumungad si hubby na may hawak na baril.

" Baby d-dámn! "

Bahagyang umiigting ang panga niya at mabilis akong nilapitan, sa likuran niya ay naroon ang lima niyang tauhan ng naka black attire.

" H-hubby ang akala ko hindi ka dadating."

Nanghihinang sabi ko pero umiling siya at nanlambot ang ekspresyon ng mukha kasabay non ay hinubad ang bomba na nakasabit sa leeg ko.

Mabilis ang pagbukas niya ng bintana dahil ilang minuto na lang ay sasabog na iyon.Kasabay ng paghagis niya ay doon na tuluyang sumabog ang bomba.

" Baby are you okay I'm sorry ngayon lang ako dumating- "

" AAHH! Hubby manganganak na ako!"

" What the fvck! "

Marahil ngayon lang niya nakita ang dugo sa hita ko, nagmadali niya akong binuhat at inutusan ang mga tauhan niya na sunugin ang abandonadong building.

" Ang m-mga kalaban?"

" They are gone, I killed them all baby." Pinatakan niya ng halik ang labi ko habang buhat ako papalabas.

" S-sweetheart, diyos ko anong nangyari sayo?" umiiyak si Mommy natataranta, at si Kuya na parang batang umiiyak si Daddy din ngayon ko lang nakitang umiyak ng sobra.

Hindi ako nakangiwi sa sakit, bagkos nakangiwi ako kung papaano sila umiyak.

Jusme!

Ang OA din.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now