CHAPTER 18

461 8 0
                                    

" Do I really need to dress up and dress like this?"

UGH shit!

Binulyawan ko ang dalawang babae at gusto ko pa sanang pagalitan ng tudo kaya lang ang hirap mag English minsan sumasagot pa sila na hindi ko magawang replyan.

Ba naman!

"Ma'am, your husband said that we will make you more beautiful."

Fvck! Beautiful?

" Your husband also said that you should look sexy and feminine." Masama ko silang tiningnan peru no choice na naman ako.Pinaka-ayaw ko na inaayusan ako.

" Bakit ba kasi kailangan pang mag date?"

" What did you say Ma'am? "

" Wala hindi niyo naman maiintindihan. "

" What? "

Mariin akong pumikit sinusubukang kumalma.

" Nothing." I said kaya tumango-tango sila.Nahihirapan na ako mag English help.

Habang inaayusan ay nakanguso ako hanggang sa isuot nila ang maganda at fitted dress na mismo sila ang pumili.

" We will make sure that your husband will fall in love with you even more. He will be obsessed with your beauty Ma'am." Ngiting sambit ng isang babae.

" Do you know that I am a homosexual? Do you think I will like my husband?" Pagmamataray ko sa kanila.

Whoah taray ni Pareng Kiks.

" Ay sayang naman po ang kagandahan mo Ma'am."

Gulat kong nilingon ang isang babae at hindi makapaniwala na kaya niyang magsalita ng Tagalog Language.

" Letchee!! Magaling ka mag tagalog? "

" Ahm hehehe yes po Ma'am kababayan mo ako." Muntik ko siyang batuhin ng makeup mabuti na lamang nakapagtimpi ako.

Kanina pa ako nahihirapan mag English eh kung nag-Tagalog na lang siya kanina para hindi na ako naghirapan pa. Jusmee!

" But Ma'am, you are really beautiful especially when you are being groomed, please be a straight girl." Itong babae na ito ang Englishera hindi ko nalang papansinin.

Nang matapos na ang lahat ay mabuti na lamang hindi gaano kataas ang suot kong takong dahil kaya kong maglakad ng maayos.

" You are gorgeous Ma'am."

Papuri ng dalawa peru umikot lang ang eyeballs ko at ngumuso sa salamin.Nagmumukha na talaga akong babae.Huhu.

Nagpalakpakan ang dalawa matapos ang pag-aayos hanggang sa kailangan ko naring bumaba dahil paniguradong naiinip na si Pareng Hugo.

Nasa hagdanan pa lamang ako nang makita si Pareng Hugo na parang Haring nakaupo sa couch, nakacrus ang legs niya at bahagyang nakasilip sa watch niya.

He looks manly, he's elegant and handsome sa suot niyang italian formal attire.

" Boss nariyan na si Señorita." Kumulo kaagad ang dugo ko nang sabihin iyon ni Balolong.

Ang tauhan ni Hugo na madalas ay leader sa lahat ng mga tauhan niya.

Nag-init ang pisngi ko at napangiwi nang dumapo ang walang emosyon na mga mata ni Hugo, his gray eyes ay halatang na amazed.

Tumikhim ako at naglakad sa hagdanan na naiilang kasi naman hindi ako makagalaw ng maayos sa suot ko.

Nakatitig ang gray niyang mata na tila sinusuri ang buong katawan ko, dahan-dahan ang pagtayo niya sa couch at at may diin na nakatingin sa direksyon ko.

Naiilang na ngumiti na lamang ako at nang makalapit sa kaniya ay doon ako natapilok g*gii mabuti mabilis si Hugo at nahawakn niya ang bewang ko.

Hindi ko mapigilang mapatitig dahil sa guwapo niyang itsura.Kahit sinong babae maiinlove sa kaniya.

Humigpit ang hawak ko sa braso niya at inayos ang tayo hanggang sa mapatingin ako sa mga tauhan niyang tulalang nakatingin sa'kin.

" G*gii guwapo ba? "

Naitanong ko kaya mapusok akong tiningnan ni Hugo bago tumingin sa mga tauhan niyang nakatitig parin sa puwesto ko.

Biglang umiba ang aura niya sa nakita.

" Damn it! Don't fvcking look at my wife! "

At bigla siyang bumunot ng baril sabay ikinasa.Nahawakan ko ang dibdib ko sa pagkabigla sa ginawa niya.

" Bubulagin ko kayo! Fvck! "He angrily shouted.

Kumaripas ng takbo ang mga tauhan niya except kay Balolong na tumatawa ng malakas sa tabi ni Hugo.

Maging ako ay sumabay narin sa pagtawa dahil sa reaksyon nilang lahat at kay Hugo, at nang humarap ang nandidilim na mukha ni Hugo ay doon na ako huminto.

Nakakatakot siya.

" PFFTTT BWAHAHAHA! " Napangiwi ako kay Balolong nang lumakas ang tawa niya habang tinuturo ang mukha ng Boss niya.Patay ka ngayon.

" WHAT'S THE FVCKING FUNNY?!"

" I-ikaw Boss wahahaha! "

Nako po.

" Fvck! "

* BANGGGG! *

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now