CHAPTER 23

443 6 0
                                    

Nasa loob ako ng banyo nang bigla kong maalala na wala pala akong damit na maisusuot kasi naman buong akala ko uuwi din kami kaagad ni Pareng Hugo.

" P-paano na 'to? "

Napahimas ako sa sentido ko, grabe uliyanin na talaga ako bakit ngayon ko lang naalala na wala pala akong maisusuot na damit tapos naligo pa talaga ako, ano iyon isusuot ko ulit ang dress na suot ko kanina?

Tsaka kinailangan kong maligo dahil sa sobrang lagkit ng katawan ko, pagkatapos ang nangyari kanina parang nahihiya talaga akong lumabas sa banyo.Nahihiya ako sa lalaking iyon.

" Pareng Kiks naman, wala na. Hindi kana astig inungol mo ba naman ang name niya huhuhu" Para akong baliw na kinakausap ang repleksiyon ko sa salamin.Nakakahiya.

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang tuwalya na nakatapis sa hubad kong katawan.Kailangan kong lumabas tsaka kaya ko 'to. Tatanungin ko lang siya kung may damit ba akong maisusuot?

Huminga ako ng malalim at nang makalapit ako sa pintuan ng bathroom, hinawakan ko ang seradura at huminga ulit ng malalim bago ko pinihit para mabuksan.

Kinagat ko ang labi ko at inilabas ang ulo habang ang kalahating katawan ko ay nasa loob parin.

Sinilip ko siya at nataranta nang makitang nakatingin pala ang walang emosyon niyang mga mata.

" What are you doing? "

" Ahmm heheheh.." ngumiti ako at nahihiyang lumabas habang tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko.

Nakita ko ang pagkinang ng kaniyang mata at ipinagtiklop ang mga kamay bago ginawang unan sa kaniyang ulo.

Nailang ako bigla dahil sa gray niyang eyes na parang nahuhubaran ako gamit ang titig niya.

Nako po parang hindi ko alam kung saan ako pupunta parang hindi ako marunong gumalaw.

" So hot and sexy baby."

Luhh.

Naiilang akong naglakad kagat ang aking labi na pakiramdam ko ay nasusugatan na dahil sa madiin kong pagkagat.

Ngumisi ito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, tutusukin ko talaga ang mata mo, tang*na ang lagkit makatitig.

" Ahmmm Pareng Hugo kailangan ko ng damit."

Yes! Hindi ako nautal dahil nilakasan ko talaga ang loob ko.Yes! Yes! Yes!

" Ohh, dress? Huwag ka ng magdamit undress your self, just like that." Nanlaki ang mata ko at masama siyang tiningnan.Ang kapal mo naman Pare.

" No, kailangan ko magdamit."

Napangisi siya at itinuro ang paper bag sa tabi niya. Tinaas ko ang kamay ko para sana ipasa niya, nasa tabi naman niya.

" Pakikuha."

" Wala ka bang kamay? "

" M-meron peru nasa tabi mo naman kaya pakipasa sa'kin." ngumiti ako para maging good mood siya.

" Who will wear it? Aren't you? So you should take it." Naikuyom ko ang kamao ko at inis na tinaasan siya ng kamao ngunit ngumisi lang siya ulit na para bang inaasar ako.

Kailangan talaga ako pa ang kumuha? Hirap na hirap na nga akong gumalaw dahil sobrang naiilang na ako.

" Ponyeta ka talaga! "

Bulyaw ko at walang magawa kundi maglakad at nagtungo banda sa tabi niya.

Ramdam ko ang malagkit niyang titig na para bang hinuhubaran ako at nang yumuko ako para kunin ang paper bag ay siyang pag-iling-iling niya kaya mas lalo akong naasar.

Mabilis kong kinuha ang paper bag at muling pumasok sa bathroom para doon magbihis.

Naiinis kong binuksan ang paper bag hanggang sa manlaki ang mata ko at napaawang na lamang ang aking labi.

" What? Wala na ibang susuotin?"

Hinalungkat ko ang paper bag peru potang*na night dress na sobrang nipis tapos tanging strap lang.

Ito ba talaga ang susuotin ko? As in puro lahat ganito ka-reavealing at ang nipis pa.

Buwisit!

Ilang minuto ako sa loob nagmumura at nagdadalawang isip kung susuotin ko ba ang night dress peru sa huli no choice parin si Pareng Kiks, kaysa naman wala akong saplot no.Bumuntong hininga ako.

Muli akong sumilip sa pintuan ng bathroom at nakitang may binabasa siyang libro kaya nagmadali na akong lumabas at tumakbo.

Hindi ako tumingin sa kaniya at inagaw ang kumot bago ko ibinalot sa katawan ko.

" Good night."

Hindi ko pinansin ang sinabi nito dahil nagkunwari kaagad akong tulog.Narinig ko na lamang ang matunog na paglapag niya sa libro.

" Baby..."

Pwee hindi mo ako baby!

Pinakiramdaman ko siya sa likod ko at ramdam na inayos niya ang kumot sa katawan ko.

Hindi ko magawang igalaw ang katawan ko nang biglang pumulupot ang malaking braso niya sa bewang ko.

" Hmm matutulog na ako.Huwag kang magulo." Mahina lang ang boses ko at sinubukang tampalin ang braso niya peru ikinasinghap ko dahil mas lalo niya akong kinulong sa bisig niya.Clingy.

Nakiliti ako ng maramdaman ang halik niya sa batok ko na ikinapikit ko ng madiin.Jusme.Mahirap magtimpi.

Isa pa talaga uupakan ko na 'to.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now