CHAPTER 15

469 7 0
                                    

Nang sumapit ang gabi ramdam  ko parin ang matinding lagnat ko.

Buong araw hindi ako nakaalis sa kuwartong 'to, buong araw akong nakahiga sa kama dahil mahirap naman maglakad.

Naroon si Hugo sa balkonahe may kausap marahil importanteng bagay, mas priority niya talaga ang kausap niya ngayon eh siya lang naman ang dahilan kaya ako inaapoy ng lagnat ngayon.

Napabuntong hininga ako at ramdam ang pagtulo ng luha ko, hindi ako naiiyak lumuluha lang talaga ang mata ko sa tuwing nagkakaroon ako ng lagnat.

Giniginaw ako ng sobra kahit ang kapal ng kumot sa katawan ko.

" Baby? "

Rinig ko ang paglalambing ng boses niya na hindi ko magawang pagtuunan ng atensyon.

Naramdaman ko na lamang ang paglundag ng kama at tinabihan niya ako ng higa.

" S-sh*t alam m-mong nilalagnat ako, h-huwag kang m~magulo."

At nagawa pa niyang patakan ng halik ang leeg ko bago niya ako niyakap.Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay clingy.This fvcking man arghh!

Kung wala lang akong lagnat nabatukan ko na 'to.

" You agreed to take you to the hospital? I'm worried."

" H-hindi na, kasalanan mo 'to ponyeta ka."

" Baby."

" Eww I'm not your baby, Pre."

Napabuntong hininga siya at ramdam ko na nakatingin siya sa'kin.

" You don't want me to take you to the hospital and you don't want to take medicine, what's the reason?"

Mariin akong pumikit at hinigpitan ang kumot na katabon sa katawan ko. Ramdam ko ang kaginhawaan nang maramdaman ko ang palad niya sa buhok ko at hinaplos iyon.

" Huwag mo akong hawakan." Pagtataray ko nagkukunwaring naiinis ako sa paghawak niya.

Mula pagkabata ayaw kong dinadala ako sa hospital kahit nagkakaroon ako ng sakit, bihira lang din akong uminom ng gamot dahil mas naging habit ko ang magtiis na lamang.

" Baby."

" T-tang*na don't you dare to touch me." naging maamo ang mukha niya nang tingnan  ko siya, ngayon ko lang din napansin na napakaclingy pala ng tarantadong 'to akala ko robbot palagi psh!

" Giniginaw ako, patayin mo ang aircon, Hugo."

" Okay." Tumayo siya sa kama at umalis para patayin ang aircon kalaunan ay bumalik din siya  at humiga sa tabi ko.

Huminga ako ng malalim bago ko ipinikit ang mata ko at naramdaman ko pa ang pagyakap niya sa likuran ko bago tuluyang nakatulog.

Isang linggo akong nakakulong sa kuwarto at hindi makaalis, totoo ngang isang linggo akong naging pilay dahil sa nangyaring sagupaan, limang araw akong nilagnat peru ngayon mabuti na ang pakiramdam ko, hindi ako gumaling kaagad dahil ayaw ko naman uminom ng gamot.

----

" Saan si Pareng Hugo? "

" Señorita-"

" Shut up.Call me Pareng Kiks okay? "

" H-huh? "

" Bingi ka ba? Hindi ko alam na may tauhan pala si Hugo na bingi."

" Pftt hahahaha! "

Nagtawanan ang mga kasamahan niya at ang lalaki ay nahihiyang napakamot sa batok niya.

Palinga-linga ako sa paligid para hanapin si Hugo saan nagpunta ang lalaking iyon?

" Nasaan ba si Hugo? "

" Hinahanap mo po si Boss?"

" Ay hindi.Hindi ko hinahanap ang Boss niyo si Hugo ang hinahanap ko! "

Ang slow naman nila.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now