CHAPTER 59

187 5 0
                                    

" Sweetheart.." naidilat ko ang mata ko." Okay na ba ang pakiramdam mo?"hindi ko nasagot ang tanong ni Mommy.

" S-si hubby." nabalingkwas ako ng bngon."M-mommy iyong asawa ko." Nag-init ang sulok ng mata ko at ramdam ang hapdi do'n bago ako tuluyang napahikbi.

Naalala ko na nawalan ako ng malay dahil sa natanggap na balita.

" S-sweetheart."

"Mommy nagbibiro lang ang nurse na iyon." tumayo ako sa kama." Baka nandito na siya Mommy, puntahan ko lang sa baba." pinahid ko ang luha ko at nagtungo nga ako sa baba.

Nakasunod si Mommy sa akin sabi kasi ni hubby susunduin niya kami ng anak niya.

Naghanap na ako sa kabuuan ng mansion ngunit hindi ko siya makita, mga kasambahay lang at tauhan dito sa mansion na malungkot ang mukha.

" Sweetheart."

Umiling-iling ako.

Mga ilang minuto ay may sumundo sa'kin mga tauhan ni hubby, umiiyak ako dahil sa balitang iyon.Hindi ako magawang kausapin para akong nawawala sa katinuan.

" Señorita! "

Si Balolong ang agad na lumapit sa akin.Nanginginig ako, itinuro nito ang morgue pero nanghihina ako parang ayaw kong pumasok.Totoo ba talaga 'to wala na si hubby?

Hinawakan ni Mommy at Daddy ang kamay ko.Nakasuporta sila para hindi ako bumagsak habang tinatahak ang daan papasok sa morgue.

Wala dito ang anak naming si Klay, nalaman niya din ang nangyari sa Daddy niya kaya iyak ito ng iyak.

" Buksan muna anak." utos ni Daddy sa kulay puting tela na nakabalot sa katawan ni hubby.Nanginginig ang kamay ko, lumuluha nang buksan ko iyon.

" Tangína!"

Napamura ako nang makita hindi naman ito ang hubby ko.

" Hindi naman 'to si hubby.Ang pangit nito."

Bahagya pa akong kinurot ni Mommy sa tagiliran dahil kakapasok pa lang ng mga pamilya ng lalaking namatay.

" Patay na nga iyong asawa ko nagawa mo pang manglait."

Singhal ng babae sa'kin, ang mga myembro ng pamilya ay masamang nakatingin sa'kin.I'm just saying the truth pangit naman talaga.

Teka nasaan ang katawan ng hubby ko?

Isa-isa kong binuksan ang puting tela na nakatabon sa mga taong nandirito sa loob ng morgue  pero wala dito ang hubby ko.

" Nako Señorita, may mali."

" Ano?"

Hinihingal pa si Balolong, sina Daddy at Mommy ay napatingin sa isa't isa.

" Señorita nandon si Boss sa  labas, mali ang impormasyon ng nurse.Magka-apelyido lang sila ng lalaki." nanlaki ang mata ko at napatakbo papalabas ng morgue.

" H-hubby, my God! "

Hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita ito at nakita pa ang sugat niya sa noo.Napamura pa ito at tinakbo ako kasabay ng mahigpit niyang yakap.

" A-akala ko patay kana."

Naluluha ako.Humagulgol hindi sa lungkot kundi sa saya dahil buhay siya.

" Fvck! That won't happen." Humigpit ang yakap niya at hinalikan ang ulo ko."I mean I can't be easily killed by enemies." Umiling siya.

Hinawakan ko ang mukha niya at mabilis na sinunggaban ng halik na agad niyang tinugunan.Ngunit naluluha parin ako pagkatapos ng eksenang iyon.

Sobra akong natakot.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now