CHAPTER 47

384 6 0
                                    

Umagang-umaga nanghihina ang katawan ko  ngunit kailangan kong bumangon dahil sa biglaang pagbaliktad ng sikmura ko.

Anong bang nangyayari sa'kin?

May sakit ba ako kaya ako nagkakaganito?

" Are you okay?"

Wow mukha bang okay iyong taong nagsusuka?

Humigpit ang hawak ko sa toilet bowl at ramdam ang palad ni hubby sa likuran ko, saglit ko pa siyang sinulyapan, he's worried.

" Nahihilo ako.T-teka nakahanap kana ba ng mangga na kahawig mo?"

" Do I look mangoes?"

" Humanap ka ng ganon, hindi tayo bati hangga't wala ka pang nahahanap."

Inirapan ko siya at tumayo matapos magmumog.Muntik pa akong bumagsak dahil nag-iikot ang paningin ko.

Tangína naman.

Bunuhat ako ni hubby sa kama at kinumutan ako ng maayos.

" Si Mommy?"

" You need her?"

" Oum, kailangan ko ang Mommy ko at ikaw hanapin mo ang mangga na kamukha mo."

" D-dámn! " Napasabunot siya sa buhok niya halatang stress na.
---

" Sweetheart, nandito na ako gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

" M-mommy alam mong ayuko sa ospital."

Napatango si Mommy at hinaplos ang buhok ko habang hawak ko ang sentido ko sa sobrang sakit ng ulo ko.

"I'm worried."

" O-okay lang po ako."

Ayaw ko silang mag-alala lalo na si Mommy pagdating kasi sa kalagayan ko sobrang naalarma siya.Naalala ko tuloy noong bata pa ako kapag nilalagnat ako.

Eh ayaw ko naman dalhin sa  ospital kahit sobrang taas ng lagnat ko, iwan ko ba kung bakit takot ako sa ospital parang may trauma ata ako.

" Niluto namin ang paborito mo."

Binuhat ni Mommy ang tray na napupuno ng pagkain, unang bungad ko sa kare-kare at adobo ay naramdaman ko kaagad ang pag baaliktad ng sikmura ko.

Tinakbo ko ang bathroom at muling sumuka, nakakapanghina naman.

" Sweetheart?"

Nagmumug ako at hinarap si Mommy na bahagyang nakaawang ang labi at nanlaki ang mata na parang gustong ngumiti.

" May hinala ako sweetheart."

" Na ano po Mommy? Baka kinulam ako kaya ako nagkakaganito?"

Huhuhu huwag naman sana.

Hindi na nagsalita si Mommy pero nakikita ko na masaya siya at todo aruga sa mga oras na wala parin si hubby.

" Saan ba nagpunta ang asawa mo?"

" Pinahanap ko po siya ng mangga na kahawig niya- "

" ANO?"

Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy at tinampal ang noo niya.

" Eh kasi Mommy I want to eat na hilaw na mangga na medyo kahawig ni hubby."

" Sweetheart naman paano makakahanap ang asawa mo ng ganong mangga?"

" Eh di problema na niya iyon, basta hindi kami bati hangga't wala siyang dinadala ditong mangga na kahawig niya."

" You are really preg- Ahm ang arte mo sweetheart."

Ang gulo ni Mommy magsalita.Napahikab na lamang ako at humiga, si Mommy ay inayos ang kumot sa katawan ko at sinusuri akong tiningnan.

" Sleep ka muna at may bibilhin lang ako sa pharmacy mamaya." Tumango ako kay Mommy at tuluyan na ngang nakatulog.
----

Gabi na at hindi parin nakakauwi si hubby marahil nahirapan sa paghanap ng mangga na kahawig niya, hays naiinis ako kasi gusto ko ng kumain ng hilaw na mangga.

Ang binili kasi ni Mommy is hinog na mangga.

" Sweetheart?"

" Yes po Mommy?"

" Come here try mo 'tong gawin, dali gusto ko ng malaman na may laman na yan." Kumunot ang noo ko at walang naintindihan bagkos sumampa lang ako sa kama.

" Sweetheart get up, try this."

" Eh ano ba yan? Wala akong ganang bumangon Mommy."

Nagtalukbong ako ng kumot at nababagot na ako dahil wala pa si hubby ko.

" Sweetheart."

" Mommy ayuko nga! "

Hinila ni Mommy ang kumot at hinila ako ng sapilitan para bumangon.Sa sobrang lakas ni Mommy napaupo ako sa kama.

" Subukan mo 'to."

Kumunot ang noo ko nang makita ang white na medyo maliit.Wow ano 'to?

Ang cute tingnan.

" Mommy a-ano po 'to hehehe ang a cute po parang toilet bowl na maliit."

Napangiwi si Mommy at pinigilang matawa.

Sure nga parang toilet bowl ang ganda kaso maliit di kasya ang tae ng isang tao wahahaa.

" Sweertheart pregnancy test 'to."

" Ah, okay anong pregnancy test, Mommy?" Napahimas si Mommy sa sentido niya at umiling-iling.

" Basta umihi ka dito."

" Pftt Mommy dyan ako iihi? Di kasya."

" What I mean sweetheart lagyan mo ng kunting urine."

" Mommy ayuko gusto kong matulog."

" No, kailangan mo 'to sweetheart para malaman kung nagdadalang tao ka."

Napahinto ako sa sinabi niya.Malalaman na nagdadalang tao ako?

Sa huli wala akong nagawa at si Mommy mismo ang gumawa ng proseso.Tiningnan ko si Mommy habang hinihintay ang kalalabasan eh wala naman talaga akong alam.

" M-mommy paano po kung buntis ako?"

" Siyempre masaya iyon sweetheart, sana nga buntis kana.I really want na magkaroon ng apo."

Masayang wika ni Mommy mukhang hindi siya mapakali na malaman ang resulta.Samantala ako kinakabahan ako.

" Bakit ka namumutla?"

Naitanong ni Mommy at hinawakan ang mukha ko.Ang kamay ko ay sobrang lamig at hinawakan iyon ni Mommy.

" N-natatakot ako."

" Why? I can understand sweetheart dahil first time mo."

" Niregla ka ba?"

" H-hindi po Mommy."

" Oh my God! Excited na ako malakas ang kutob ko na buntis ka magkakaapo na ako I can't believe."

Natutuwa akong niyakap ni Mommy pero kinakabahan ako, sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Hindi naman sa ayaw kong magkaanak kaya lang di ko parin maiwasang kabahan huhuhu.

" Tingnan na natin, naeexcite ako sweetheart." Tumango ako at si Mommy na ang sumilip.

" Oh m-my G-god! "

" Anong po ang r-resulta Mommy-"

" MOMMY! "

Sigaw ko nang mawalan ng malay si Mommy.Ano ba ang nakita niya sa loob ng pregnancy test?

Baka may multo sa loob?

Hala tangína!

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now