CHAPTER 56

222 5 0
                                    

" Hubby ano ang ipapangalan natin sa anak natin?"

Masayang naitanong ko kay hubby, lalaki ang anak namin at masaya ako na nailuwal ko siya ng maayos, hindi naman nagkaroon ng problema sa panganganak ko.

Aminado ako na mahirap nga lang.Ang hirap manganak pero kinaya ko parin nasa tabi ko si hubbby sa oras ng panganganak ko.

" I will think of a good name."

" Dapat iyong pinaghalo ang name natin.Ano kaya ang maganda? Ahah! "

Napangiti ako at napatingin kay hubby nang may maisip ako.

" What?"

" Ang ipapangalan natin sa anak natin ay HUKAY."

" What the fvck!?"

Nakita ko na naging iba ang aura ni hubby anong masama sa sinabi ko? Ang ganda kaya ng name.

" Are you serious?"

" Oo hubby, 'Hukay' kasi Hu-Hugo+Kay-Kikay=Hukay hehee ang galing ko no?"

" Damn! Ayuko niyan! "

" Eh maganda kaya hubby." ngumuso ako at tumingin sa baby namin na kamukha niya.

" Ang daming unique name tapos Hukay ang ipapangalan mo fvck! Mukha bang hukay ang anak natin?"

" Hindi, kinuha ko lang sa pangalan natin, ano bang masama?" Namumula ang buong mukha at napasabunot sa buhok niya.

" Ito na lang amm... Kaygo."

" No"

Ano pa ba?

" Gugokay."

" Dàmn! No."

" Kayho?"

" It's a no."

" Kigo."

" Shít!"

" Kugo"

" Kayhurogo."

Napahawak ako sa baba ko habang nag-iisip ano ba dapat ang arte naman ni hubby kainis.

" Let's sleep."

Hindi na ako nakapagsalita nang hilahin niya ako pahiga habang kinakalma niya ang sarili.Hinalikan ko muna ang anak namin bago tumayo si hubby at binuhat ang anak namin sa crib na nasa tabi ko lang din.

" Bawal ba siyang matulog dito sa taas ng kama? "

" No, kaya lang malikot ka matulog."

Oo nga pala hehehe, okay narin sa crib si baby medyo may kalakihan naman iyon at komportable siya sa loob.Kinukuha naman namin siya kapag umiiyak para pasusuhin.

Si hubby naman ang palaging nagpapalit ng diaper at madalas siya ang nagpapatulog sa anak namin, late na nga siyang natutulog kapag matagal matulog ang anak namin.

" Good night baby."

" Ahm, huwag muna akong tawaging baby nahiya naman ang anak natin sayo hehehe." mahina siyang natawa at hinalikan ako sa labi ng malalim.

" Good night hubby."

Matamis na ngiti ang gumuhit sa labi niya at mahigpit akong niyakap kaya isinubsob ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib.
----

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko.Pakurap-kurap ako at hinawi ang buhok ko na nasa mukha ko.

Dumapo ang tingin ko sa banda sa terrace, hindi ko masyadong maaninag ang bulto ng lalaki pero alam ko kung sino iyon.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now