CHAPTER 54

170 4 0
                                    

Bawat segundong lumilipas, minuto at oras ay palaging nariyan si hubby, ni walang araw na hindi naipaparamdam ni hubby kung gaano ako kahalaga, kung gaano niya ako kamahal.

Ang suwerte ko.

Maraming beses ko ng sinabi 'to pero gusto ko paring ipagsigawan sa mundo kung gaano ako kasuwerte kay hubby.

Naalala ko noon na ayaw ko sa kaniya, tangína muntik ko ng sayangin ang isang tulad niya huhuhu.

Maikli lang kasi ang pasensiya ni hubby pero nagagawa niyang pahabain pagdating sa akin kahit minsan sobrang kulit ko at minsan inaaway ko.

" Ah hubby ang kulit ng anak mo ayaw tumigil sa kakasipa."

Puro ako reklamo.

Siyam buwan narin ang lumipas at ngayon ay kabuwanan ko na hala kunting tiis na lang magsisilang na ako.Makikita na namin ang baby namin ni hubby.

Napangiti si hubby at lumapit sa puwesto ko habang nakahiga ako sa kama hawak ang malaki kong tiyan.Actually pahirapan ako sa paggalaw.

" That means our child is healthy."

Sumampa siya sa kama at hinalikan ang tiyan ko.Napapikit ako nang haplusin niya ang tiyan ko tila pinapakiramdaman ang bawat paggalaw ng anak namin.

Hinaplos ko ang buhok niya at hindi mapigilang ngumiti.

" Don't be mad."

" Huh?"

" I need to leave."

Tiningnan niya ako dahilan kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.Bakit ngayon pa siya aalis?

" S-saan ka pupunta?"

" In another country."

Umiling kaagad ako at masama siyang tiningnan.

" Ngayon mo naisipang umalis kung kailan kabuwanan ko na? K-kung kailan malapit na natin makita ang anak natin?" Sumama bigla ang loob ko.

" Pftt kidding."

" Siraulo ka!"

Mangiyak-ngiyak ko siyang sinabunutan pero tumawa siya at hinalikan ako kaya inis ko siyang hinampas.

" I love you, baby."

" Iwan ko sayo."

Napanguso ako ng paulit-ulit niyang hinalikan ang labi ko kaya nanghihina ako at nanlalambot sa halik niya.

Lalaking 'to sarap kurutin sa singit.

----

" Hubby umuwi ka kaagad kapag nagpa-late ka sa labas ka matutulog mamaya."

Mahinang natawa ang mga tauhan niya na naka black suit.Si hubby ay pinagtaasan ako ng kilay kaya mataray ko din siyang tinaasan ng kilay.

May lakad kasi siya ngayon kasama sina Balolong pero mananatili dito ang iilan niyang mga tauhan.Mamaya bibisita si Mommy at si Kuya.

" I'll be back bye I love you."

" I love you more hubby." nakangiting sigaw ko habang hawak ang tyan ko.

Nang tuluyan na silang umalis ay inalalayan na ako ng isang kasambahay para pumasok sa living room.

Maingat akong umupo at nanood ng telebisyon habang hinahaplos ko parin ang tiyan ko.

Ang pangit ng mga pinapalabas ngayon kaya pinatay ko na lamang ang TV.

Tumayo na lamang ako couch na inuupuan ko at hinanap ang mga kasambahay dahil hindi ko na sila mahagilap.

Mukhang busy seguro sa kusina?

Naglakad ako at kumunot ang noo dahil hindi ko narin makita ang bantay sa labas na tauhan ni hubby.

Nasaan sila?

Pinagtataguan ba nila ako?

" M-manang?! "

Tinawag ko si Manang pero walang responde, gusto ko sanang umakyat sa taas pero hindi ko kayang umakyat sa hagdan nahihirapan ako dahil sa bigat kay ng tyan ko.

Natigilan ako nang makita ang lalaking nakamaskara at tanging mata lang ang nakalabas.

" Pstt! Kuya tulungan mo naman ako umakyat sa taas."

Bakit ba siya nakamaskara?

Naglalaro ba ang mga tauhan ni hubby? Pftt isip bata din.

" Ikaw ba si Mrs.Villamonte?"

" Wow Kuya nabagok ka ba at hindi mo maalala ang asawa ng Boss mo? Tara na nga ihatid mo ako sa kuwarto."natigilan ito hanggang sa lumabas pa ang isang Kuya na nakamaskara din.

Wow ano ba ang nilalaro nila?

" So ikaw nga? Sumama ka sa amin."

" Mga tarantado kayo anong sasama? Gusto niyong isumbong ko kayo kay Hubby ha? Alam niyo naman ang Boss niyo maikli lang ang pasensiya-"

"Tumahimik ka!" Napapitlag ako sa sigaw nito.

Aba!

Ponyeta sinigawan ba naman ako.

" Kunin ang babaeng yan." utos ng lalaki sa mga kasamahan niya at  hinawakan nito ang magkabilang braso ko.

" Teka ano bang kalokohan 'to mga gonggong?"

" Hindi ba halata na kikidnapin ka namin?"

Umikot ang eyesballs ko.

" Wee kidnap?"

" May saltik pala sa utak ang asawa ng Hugo na iyon?"

Ako may saltik?

" Hoy tarantado ka-"

" Dalhin na yan sa kotse."

" Ano ba gusto niyo bang malintikan kay hubby ha? " Akala ko nagbibiro lang sila ngunit nangdalhin nila ako sa labas ng mansion doon ay nakita ko  ang walang malay na tauhan ni hubby.

" Ano gets muna ba na kikidnapin ka namin?Atat na atat ka ng makita ng Boss namin, segurado akong magwawala ang asawa mo no?"

" Hoy lalaki bitawan mo ako, ang baho ng bunganga mo! Anong ginawa mo sa mga tauhan ni hubby?"

" Pinatulog ko."

" Bitawan niyo ako, buntis ako maawa kayo sa anak ko." mangiyak ngiyak kong sigaw.Nagpapaawa.

" Wala kaming pakialam sa ipinagbubuntis mo.Isakay na yan! "

" Tangína bitawan niyo ako ang baho niyo naman!" sigaw ko at tinakpan ang ilong ko.

" Mapanglait kang babae ka!"

" Seguro mga pangit kayo, no?" I uttered.

Naalarma ako at nagpumiglas ngunit tinakpan nila ang ilong ko at doon ako nawalan ng malay.

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now