CHAPTER 38

401 10 0
                                    

MY MAFIA'S HUSBAND

PART 38

Nakasampa ako sa kama at nililibang sarili sa online games nang makarinig ako ng katok sa labas.

Hindi ko muna iyon pinansin at tinapos muna ang laro, nakakainis lang game over buwisit.

" Anong kailangan mo? "

Tanong ko nang buksan ko ang pintuan.Sina Balolong ito at ang dalawa nitong kasamahan na nakayuko.

" Nasaan si Boss, Señorita?" Tinaasan ko sila ng kilay.

" Nasa bathroom, anong kailangan niyo sa kaniya? "

Mahina pa itong humagikhik na ikinairita ko.Parang baliw naman 'to. Nagcross arm ako at ginaya ang aura ni Hugo na walang emosyon at parang robbot.

" Señorita matagal pa ba siya? "

" Iwan ko silipin niyo nga." walang emosyong wika ko na ikinangiwi nilang tatlo.Ngumiti si Balolong sa'kin kasabay ng pagbukas ng pinto sa bathroom.

Ang presko at guwapong mukha ni hubby ay kumunot nang makita sina Balolong.

" Hello Boss!"

Bati nila kay Hugo.

Walang emosyong tumingin si Hugo sa akin at sinenyasan akong lumayo na ikinakunot ng noo ko.

Bakit may nakakahawang sakit ba ang mga tauhan niya?

" Why are you here? "

" Hehehe Boss may kailangan kami sa asawa mo- Este sayo."

"What the fvck did you say Balolong? "

Ako ang kinabahan maging sina Balolong at ang dalawa nitong kasama, nang tumingin kay Hugo umiigtang ang kaniyang panga at kinuha ang baril bago ikinasa na ikinaigtad ko.

Tang*na nakakatakot!

" B-boss ano? M-may kailangan kami sayo--AHHHH! " Natawa ako nang mabilis itong kumaripas ng takbo nang muling ikinasa ni Hugo ang baril niya.

Mga siraulo talaga.

Napatigil ako sa pagtawa nang walang emosyo akong tiningnan ni Hugo na ikinataranta ko.Napakaseryuso naman niya tsaka bakit ba iba ang pakikitungo niya sa mga tauhan niya?

Iyong iba kasi kapag si Hugo ang kaharap nila parang maiihi na sila sa takot.

" Stay away from my men, I don't want to see you get close to them."

Napalunok ako at nakakunot ang noo na tumingin sa kaniya.

" Bakit anong masama? "

" I hate that, so do what I want."

Napairap ako sa sinabi niya ngunit katawag-tawag pansin ang maganda niyang katawan na bahagya pang nababasa.Tanging tuwalya lang ang nakatapis sa bewang niya, he's hot at ang abs ack.

Magulo ang buhok niya at basa pa iyon, napalunok ako dahil tila nahihipnotismo ako nito.Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at hindi namalayan ang paglapit niya, amoy ko ang presko niyang katawan.

" Gagawin mo ba ang gusto ko? "

Bahaya siyang yumuko para mapantayan ang mukha ko, nakagat ko ang labi ko at muling lumakas ang tibok ng puso ko na parang nakikipagkarerahan na naman.

" Stay away from them, okay baby?"

" Oum.Bakit? "

Hindi ko alam kung bakit siya napangiti at marahan na hinalikan ang labi ko na ikinapikit ko.

" Cu'z I'm getting jealous."

" Eh hehehe ikaw lang naman ang mahal ko, tsaka sige na nga hindi ako lalapit sa kanila ikaw lang ang lalapitan ko."  I said kaya napangiti siya at binuhat ako na ikinabigla ko.

Kumapit ako sa leeg niya hanggang sa buhatin niya ako sa kama at hinalikan ang noo ko.Napapikit ako sa sobrang bango niya, napakapresko niya talaga.

"I love you baby."

" Okay hubby."

Mahina siyang nagmura na ikinakunot ng noo ko.Problema na naman nito?

Minsan talaga naguguluhan ako sa kaniya, hindi ko siya maintindihan.

" Reply to what I said baby."

" Oh?"

" I love you.Then reply with I love you too."

" Okay.I love you too, hubby." masyadong maarte alam naman niya na mahal na mahal ko na siya.Napangiti siya at sumiksik sa leeg ko bago ako hinalikan.

Pagkatapos niya magbihis ay bumaba na kami at nakita ang mga tauhan niya na kanina pa siya hinihintay.

Nagpaalam ako na pupunta sa kusina dahil alam ko na hindi niya magugustohan na sumama ako sa kaniya.

" Hija, nagugutom kana ba?"

Pagkapasok ko sa malawak na kusina ay agad na lumapit si Manang at tinanong iyon.Ang iilang kasambahay ay abala sa kani-kanilang ginagawa.

" Hindi pa Manang, sabay na kami ni hubby kakain." napangiti ito at tumango.

Hindi talaga ako sanay na hindi dumadaldal, pumunta lang naman ako para makipag-usap at magtsismisan.

Pero hindi naman nila ako kinausap dahil natatakot silang maabutan ni Hugo, strekto pala si Hugo dito sa mansion at bawal din pala akong makipag-usap sa kanila maliban lang kay Manang.

Nagpaalam lang ako sandali kay Manang  para magtungo sa pool, walang katao-tao sa puwestong iyon at ang malinaw na tubig ay tila inaakit ako.

Iginala ko muna ang paningin ko sa paligid at wala naman dito ang mga tauhan ni Hugo.

Naghubad ako at tanging bra at panty lang ang naiwan sa katawan bago ako lumusang sa pool.

Sumisid ako sa ilalim at nag enjoy sa tubig sobrang sarap sa pakiramdam nakakarelax.

Nang biglang....

" Fvck cover you fvcking eyes kung ayaw niyong bulagin ko kayong lahat! "

Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang nandidilim niyang mukha at ang mga iilan niyang kasamahan na tinatakpan ang mga mata.

Patay!

" All of you leave if you don't want me to fvcking shoot you all! "

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa paglangoy at naramdaman ko nalang na umalis na ang lahat niyang tauhan, hindi naman nakita ang dibdib ko nasa ilalim ako ng tubig eh.

Highblood talaga 'to.

" You! " Turo ni hubby sa akin at lumuhod sa harapan ko.

" Yes me, and why? "

" Fvck! "

Kinabahan ako dahil biglang nag-iba ang mukha niya.My goal is to lambingin at harutin siya para hindi magalit.Akala ko kasi hindi sila pupunta dito dahil doon sila nag-usap sa garden place.

" Sorry na.Halika maligo nalang tayo hehehe." Napasuklay ito sa buhok niya pero sh*t ang guwapo kahit tila namumula ang mukha at ang leeg nito.

" I'm already done at ayukong maligo! "

" Eh ba't mo ako sinisigawan?" Napalunok siya dahil sa boses kong nahaluan ng pagtatampo.

Yay!

" I'm not yelling at you fvck I'm sorry."

" No sinigawan mo ako dahil ba nakita nila ang likod ko? You! " tinuro ko ang mukha niya.

" Sa labas ka matutulog mamaya! "

" W-what? "

" Hindi ka matutulog sa tabi ko, bad ka sinigawan mo ako."

Napasabunot siya sa buhok niya.

" Fvcking shit!"

MY MAFIA'S HUSBANDWhere stories live. Discover now