CHAPTER 3

538 5 0
                                    

Nakanguso ako sa salamin habang sinusukat ko ang wedding gown, hindi talaga bagay sa katulad kong guwapo.Ang badoy ng suot ko ngayon ang badoy-badoy.

" Ay Ma'am huwag niyong punitin baka mapagalitan ako ng Mommy at Daddy ninyo!" Pagpigil ng babae dahil hawak ko na talaga ang gunting para sirain ang suot kong wedding gown.

" Perfect bagay na bagay sa katawan niyo Ma'am."

" Anong bagay? Ang pangit-pangit nito! "

" Ma'am ang ganda niyo po, promise- "

" Shut up! Hindi ako maganda huwag mong sabihing maganda ako." Naitikom ng babae ang bibig niya at yumuko.

Sa lahat ng ayaw ko ay sinasabihan akong maganda, okay sana kung sinabing ' Whaoh ang guwapo niyo.'

Mula pagkabata hindi talaga ako mahilig sa mga kasuotang pambabae.Tinatawag pa nila akong Princess kaya iniiyakan ko iyon noong bata pa ako.Basta gamit pambabae hindi ako mahilig kasi nga lalaki ako amp.

" Can we see our Unika Hija? "

' Arghh Unika Hija that fvcking words sh*t! '

" Yes Ma'am ang ganda-"

Napatigil ang babae sa sasabihin niya nang itaas ko ang kamao ko.Hindi nga ako maganda the fvck!

" Ma'am gusto kanang makita ng Mommy and Daddy mo." Inalalayan ako ng dalawang babae sa paglalakad dahil baka matumba ako.

" Puwede ko bang hubarin 'to?"

" Ay Ma'am bawal."

" Pot*ngina masakit kasi!" Hindi ko na talaga napigilang magmura nang bigla akong natapilok.Anong klasing takong 'to sobrang taas naman.Hindi pa naman ako sanay.

" Ma'am bawal talagang alisin at dapat masanay ka kasi bukas isusuot mo ang high heels na yan."Turo ng babae sa suot kong mataas ang takong.

" Eh ba't naman kasi ganito nababali ang buto ko sa paa ." Reklamo ko at talagang malakas ang boses ko kaya napasilip na si Mommy.

" What happened-? " Tanong ni Mama peru natulala nang makita ako, hindi siya makapaniwala habang aktong nakatakip ang kamay niya sa bibig niya.

" My Unika Hija..." Napairap ako.

" Y-your beautiful.Oh my god ang ganda-ganda ng anak ko." Mabilis akong niyakap ni Mommy at napaikot nalang ang eyeballs ko.Mommy hindi nga ako maganda psh.

" I'm sure magagandahan si Mr.Villamonte sayo lalo na sa araw ng kasal niyo." May gumuhit bigla sa puso ko nang sabihin iyon ni Mommy.Tomorrow, I'm not ready for our wedding day.

" Wow is that you Kikay?"

" Hindi Kuya, hindi ako 'to." Sumama ang tingin ni Kuya sa'kin dahil sa pamimilosopo ko.Si Daddy ay nagmadaling lumapit na may masayang ngiti.Kayo lang ang masaya, ede congrats.

" You are beautiful, a beautiful bride."

" Kung sana naging guwapong groom ako" Mahinang sambit ko peru mukhang hindi nakatakas kay Daddy iyon.

" Don't say that again. Babae ang anak ko."

' Lalaki po ako Daddy.' Sa isip ko.

" Huwag ka ngang ngumuso hindi bagay sayo." Suway ni Kuya nang makitang naging malapad ang nguso ko.

Itong suot ko, hindi bagay sa'kin.

" Ang ganda ng suot mo bagay na bagay sayo, sweetheart." Papuri ni Mommy kaya walang emosyon kong tiningnan ang sarili ko .

" No hindi bagay Mommy, nagmumukha akong babae sa suot ko."

" Eh babae ka naman talaga."

" Daddy I'm your son too." I said dahilan kaya frustration na napahilamos si Daddy sa mukha niya.

" KIKAY TUMIGIL KANA! YOU'RE A GIRL. A WOMAN WALA KANG TALONG AT DALAWANG ITLOG! "

Ouch!

MY MAFIA'S HUSBANDМесто, где живут истории. Откройте их для себя