Chapter 1 - Mga Tao sa Litrato

2.5K 30 9
                                    

Kayganda ng umaga. Panibagong araw na naman para kay Tommy Acas. Isang mayamang negosyante na nagmamay-ari ng isa sa mga pinakamalaking pabrika ng tsinelas sa buong Pilipinas. Siya ay may tangkad na 5”7 para sa edad na 28. Matangos rin ang kanyang ilong, katamtaman ang kulay ng balat at laki ng katawan, guwapo, artistahin ang itsura at may malakas na tindig. Mayroon siyang isang napakaganda at sobrang bait na asawa na si Raisa Acas. Wala pa silang anak dahil bago palang silang ikinasal.

Pagkagising niya, nagulat siya dahil wala ang asawa niya sa kama. Isa na ang ibig sabihin nun, bumaba ito at nagluto ng almusal. Sa gutom, dali-daling bumangon si Tommy sa higaan, inaayos ang kanyang pinaghigaan, sinuot ang kanyang salamin at bumaba na papunta sa kusina. Doon, nakita niya si Raisa na nag-aayos na ng lamesa habang nilalapag ang paborito niyang pagkain, ang laing.

“O kain na!” ngiting sagot ni Raisa.

Si Raisa Acas ay dating Raisa Diaz sa pagkadalaga noong nasa highschool pa siya. Parehas rin sila ng pinanggalingang eskuwelahan ni Tommy, ang Don Diego’s Academy. Noon pa man, may gusto na si Tommy kay Raisa dahil bukod sa maganda na at morena, napakabait pa at sobrang malambing. Dati na niya itong kursinada at minsan pa ay humihingi na siya ng tulong sa mga kaibigan upang ligawan ito. Torpe siya kaya di niya magawa kung kaya’t hanggang ngayon, di parin siya makapaniwalang naging silang dalawa ni Raisa sa huli.

“Oh, bakit ka nakatayo lang diyan? Ang sabi ko kumain ka na!” sabi pa ni Raisa.

“Wala lang. Natutulala lang ako sa ganda mo eh,” 

“Ang aga pa ng pambobola mo! Kumain ka nalang, gutom lang yan,” sagot ni Raisa sa kanya habang nakataas ng kilay.

Natawa nalang si Tommy sa reaksyon ng asawa. 

Nagkaroon ng kaunting tawanan ang mag-asawa habang kumakain. Napagkuwentuhan nila ang tungkol sa nangyari sa kanilang trabaho, ang mga nakakatawang ala-ala noong sila ay nasa highschool pa at tungkol sa masungit nilang administrator noon na si Mrs. Aniag. Kalagitnaan, napansin ni Tommy ang isang magasin sa tabi ng kanyang upuan. Isang lalaking maitim, di masyadong kaguwapuhan ang nasa cover page nito.

“So hanggang ngayon, busy ka parin magbasa tungkol diyan sa paborito mong singer na si Armand?” tanong ni Tommy.

“Just like the old times,” sagot ni Raisa.

“Hay nako. Sobrang bilis ng panahon. Paano kaya naging sikat yang kumag na yan? Parang siya lang ang taong nakukuhanan ko ng balita sa kanila ah. Paano ba naman lagi siyang hinahabol ng paparazzi araw-araw,”

“Kasi nga, kaibigan mo siya,” sagot ni Raisa pabalik.

Pagkatapos kumain ay tinulungan ni Tommy ang asawa na maghugas ng plato. Naisipan pa nilang maglaro ng sabon nang matapos na ang kanilang gawain. Nagwisikan rin sila ng tubig hanggang sa mabasa na ang kanilang buong damit. Ang mga ganitong gawain ay di na bago sa kanila dahil madalas nilang ginagawa ito noon sa kanilang eskuwelahan kasama ang mga kaibigan nila. Kumuha sila ng tubig sa isang malaking fountain na matatagpuan sa harap ng kanilang dorm building. 

Umakyat na si Tommy upang ihanda ang sarili. Kailangan niya na kasing maligo at magbihis para pumasok sa trabaho. Dinalhan pa siya ni Raisa ng mga damit na gagamitin niya, isang longsleeve na polo, necktie, itim na pantalon at maski ang sapatos ay dinala niya narin. Nang matapos nang makaligo at makabihis si Tommy ay sumakay na siya sa kanyang sasakyan. Hinalikan niya muna ang asawa bago umalis.

“Mag-ingat ka,” sabi ni Raisa.

“Kailan ba ako di mag-iingat para sa’yo?” ngiti ni Tommy. Pagkatapos nito ay pinaandar  na niya ang kanyang kotse.

Dumaan si Tommy sa isang bakeshop at namili. Dito kasi siya laging pumupunta tuwing umaga kaya kilala na siya ng mga tindero dito. Katunayan nga niyan, ang tawag sa kanya ng isang tindero dito ay “suki”. Ito rin ang bakeshop na dati niya naring pinupuntahan pati na ng mga kaibigan niya kaya sobrang mahalaga sa memorya niya ang lugar na ito. Napatingin rin siya sa telebisyon dito. Nakita niyang ang pinapanood nila ay isang t.v. show kung saan ang guest ay si Armand. Napangiti naman agad si Tommy. Inilagay niya sa likod ng sasakyan ang mga tinapay na binili niya at pagkatapos ay nagpatuloy na siyang umalis.

TropaWhere stories live. Discover now