Epilogue - Tropa

252 11 2
                                    

BUZZ! BUZZ! BUZZ!

“Waaaahhh!” biglang napasigaw si Tommy sa lakas ng kanyang alarm. Dahil sa kanyang pagkabulabog ay bigla siyang nalaglag sa kanyang kama na ikinauntog naman ng kanyang ulo.

“Awwwww!” sigaw niya pa.

Maya-maya ay tumayo siya—umagang-umaga ay nakasimangot siya dahil sa sunod-sunod na kamalasang nangyari sa kanya. Ilang sandali pa’y pumunta siya sa harapan ng salamin upang tignan kung nagkabukol ba siya dahil sa lakas ng kanyang pagkauntog.

Doon, sa harap ng salamin ay nakatayo ang isang Tommy na nasa kalagitnaan na ng edad na trenta; kita sa baba niya ang balbas na halatang kakahait niya lang. May mga parte na sa mukha niya ang medyo kulubot lalo na sa bandang noo. May mga puti-puti naring mga buhok ang nagtatago sa dulo ng kanyang anit—hinding-hindi na niya matatago pa ang kanyang edad.

Pagdating sa katawan ay masasabi mong malaki na ang pagbabago ni Tommy. Kahit na nakasuot siya ng puting damit ngayon at pajama, kitang-kita mo sa braso niya na may oras siyang magpalaki ng katawan at pumunta sa gym. Lubos na ngang matured ang itsura ni Tommy lalo pa’t ama na siya ng dalawang makukulit ngunit naggagandahang at nagguwaguwapuhang mga tsikiting. Ngunit sa likod ng malalaking pagbabago na ito, di parin nawawala rito ang karisma at kaguwapuhan na minsan ng kinabaliwan ng mga kababaihan dati sa Don Diego’s Academy. Bagkus pa nga’y mas lalo siyang naging kaapeal-appeal sa ganito niyang edad.

Lumingon si Tommy upang silipin ang asawa. Labis siyang nagtaka dahil kanina pa pala ito wala sa kama. Napamewang si Tommy at inisip kung saan nagpunta si Raisa. Pumunta tuloy siya ng banyo para silipin kung nandito nga ito, ngunit wala rin siya rito.

“Honey! Ano yung narinig kong kalabog?” isang pamilyar na boses ang narinig niya na mukhang galing sa kusina, si Raisa. Napangiti naman si Tommy nang sa wakas ay narinig niya ito.

“Wala naman honey!” sigaw niya pabalik. “Nauntog lang ako,” bulong niya naman sa sarili.

Dala ng excitement ay lumabas siya ng kuwarto at tumakbo pababa ng dining hall. Agad niya namang nakita ang anim na taong anak niyang lalaki na abalang-abala kumain sa bandang dulo ng lamesa. Binuhat niya ito at pinaulanan ng halik sa mukha (tawa naman ang bata dahil sa nakikiliti ito) habang paulit-ulit na sinasabing, “Good Morning.”

“Good morning din, Dad!” cute na sabi ng bata.

Isang taon matapos ang libing ni Macario ay napagdesisyunan na ni Raisa at ni Tommy ang magkaroon ng anak. Masuwerte naman sila dahil nabibiyayaan agad sila ng isang munting anghel.

Hawig ni Tommy ang panganay niyang lalaki. Guwapo rin ito at maganda ang mata na kung saan ay namana niya sa kanyang ina na si Raisa. Iba rin ang karisma ng batang ito dahil narin siguro sa parehas pinagpala ng magandang itsura ang parehas na magulang niya. Pagkatapos naman ng kulitan nila ni Tommy, ay pinagpatuloy niya ang pagkain niya ng almusal.

Sa kusina naman, abala rin na naghahanda pa ng almusal si Raisa nang biglang niyang naramdaman na may kung anong humawak sa baywang niya. Pinigil niya ang hiyaw niya sapagkat iniingatan niyang magising naman ang mahimbing na natutulog sa dibdib niyang isang taong anak na babaeng bitbit niya gamit ang sling.

“Good morning, honey,” bulong ni Tommy sa tenga ni Raisa habang nakayakap siya sa asawa.

“Good morning rin,” malambing namang sagot nito sabay hinalikan ang asawa sa labi.

Si Raisa, pagkaliipas ng pitong taon ay nanatili paring maganda at kaakit-akit. Makikita mo sa kanya na kahit na dalawa na ang anak niya kay Tommy, di parin nawala ang ganda at hubog ng kanyang katawan. Di rin bakas sa mukha niya ang stress at pagod at malimit na makita kung kinukulubot na ba ang kutis niya o wala.

TropaWhere stories live. Discover now