Chapter 23 - Stepdad

140 9 2
                                    

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

“Anak, tignan mo nga kung sinong kumakatok sa gate. Naghuhugas pa kasi ang ng plato eh,” paki-usap ni Aling Merly sa kusina.

“Opo ma!” magalang na sagot ni Macario habang nanonood ng telebisyon at nasa isang gilid naman si Ben at naglalaro ng kanyang mga laruan.

Tumayo si Macario at pumunta sa harap ng kanilang gate. Dahan-dahan niya itong binuksan. Nang makita niya kung sino ito....

 Sa kusina naman, matapos ang ilang minutong paghuhugas ni Aling Merly ay pinunasan niya ang kamay niya mula sa apron na suot niya. Gusto niyang makita kung sino nga ba ang taong kumatok dahil ni hindi man lang siya tinawag pabalik ni Macario.

Nang makalabas siya ng pintuan at makibalita kay Macario ay bigla nalang siyang napahinto sa kanyang kinatatayuan dahil sa puntong ito, isang di kilalang babaeng medyo pinabata lang sa edad niya ang nakayakap sa anak.

Kitang-kita naman, kahit sa kinatatayuan ni Aling Merly, ang lumuluhang mata ni Macario...

 “Nung araw na yun, di ko alam kung anong gagawin ko. Di ko alam kung makakaramdam ba ako ng tuwa o selos—di ko alam,” kuwento ni Aling Merly habang nakaupo sa tabi ng nakaratay na si Macario at umiiyak pa.

Patuloy naman siyang pinakinggan ng malungkot na si Tommy pati narin ni Ben.

“Pero dapat matuwa ako dahil sa wakas ay nakita na ni Macario ang tunay niyang ina pero, nakakaramdam rin ako ng takot at selos na baka kunin sa amin si Macario. Di ko kaya... Pero naisip ko na baka masyado lang akong makasarili kaya naiisip ko ‘yun,” umiiyak pang pagpapaliwanang ni Aling Merly.

“Kailan pa po nangyari to? Kailan pa po nagpakita ang nanay ni Macario?” tanong ni Tommy.

“Grade 10 palang kayo nun. Bakasyon... dun siya unang nagpakita sa amin,” sabi ni Aling Merly.

“HA? Grade 10 pa kami nun? Eh, tagal na pala eh? Bakit di niya po sinabi sa amin? Bakit niya kailangang itago?” pag-aalala ni Tommy.

“Katulad ng sinabi ko kanina Tommy, kinakatakot ko na sa pagdating ng tunay na ina ni Macario, baka kunin siya sa amin. At di nga ako nagkamali....nangyari na ang dapat mangyari,”

“Di ko po kayo maintindihan,” gulong isip na tanong ni Tommy.

“Kilala mo ang kaibigan mo Tommy. Matalino siyang tao. Mapagsakripisyo rin siya. Ang dami niyang tinago sa inyo dahil alam niyang mas makakabuti yun sa inyo,”

“Pero nung huling araw ng klase namin nung Grade 10 kami, pinangako niya sa akin—sa amin, na di siya magsisinungaling sa amin. Pero bakit niya ginawa to?”

“Di siya nagsinungaling sa inyo Tommy. Tinago niya lang ang katotohanan na ito sa inyo,” iyak pa ni Aling Merly.

“Pero bakit nga po Aling Merly? Bakit po niya itinago ‘yun?!” tanong pa ni Tommy.

Di na makasagot pa ang ginang. Di na nito kasi mapigilang umagos pa ang kanyang luha (walang ideya si Tommy kung bakit), pero naisip niya na baka ito na ang sagot sa tanong niya kung anong nangyari noon sa kaibigan at bigla itong nawala at kung bakit siya nandito sa hospital at tungkol sa pasa...

“Kasi yun ang sabi ng stepdad niya,” biglang sabat ni Ben.

Napalingon sa kanya si Tommy at tuluyan ng naguguluhan at nawawala sa kuwento.

“STEPDAD??!”

“Oo kuya Tommy. Di ka nagkakamali sa mga narinig mo. Yun ang sabi sa kanya ng walang kuwentang stepdad niya,” sabi ni Ben na may halong galit sa kanyang tono.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon