Chapter 31 - Ang Aking Mahal

171 9 1
                                    

Sa paglalim pa ng gabi, nagsimula ng mag-alisan ang mga bisita at nakikiburol. May iba namang nagpatagal muna upang sulyapan pa muli si Macario bago tuluyang umalis.

May iba namang dahil sa natuwa sa mensahe ni Tommy kay Macario ay lumapit sa kanya upang maghandog ng pakikiramay sa pagkawala ng matalik niyang kaibigan. May ibang kinawayan siya, may iba namang hinalikan siya sa pisngi. Mayroon din namang ibang nayakap siya at  tinapik sa likuran.

Isa na nga dito ay si Joey. Kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki ay inabot niya ang pakikiramay kay Tommy sa pamamagitan ng yakap at halik naman kay Aling Merly. Ito ay dahil sa inaamin niya, siya ang may pinakamalaking atraso sa namayapang si Macario.

“Ano ka ba? Matagal ka ng pinatawad ni Macario. Tsaka, alam kong di siya nagdamdam ng galit sa’yo pagkatapos.. As in, wala na ang lahat,” sabi naman ni Tommy.

“Yun nga eh. Bigla ko lang naalala. Kung puwede ko nga lang sanang ibalik ang panahon at bumawi sa mga, alam mo na, mga ginawa ko sa kanyang masama. Di lang talaga ako makapaniwala na sa tinagal-tagal ng panahon na di kami nagkita, ngayon makikita ko na ulit siya kaso nasa loob na ng kabaong,”

“Buti nga nasa loob ng kabaong dahil matakot ka kung biglang bumangon ‘yan at kausapin ka,” dagdag ni Tommy.

“Wag ka namang ganyan!” biro ni Joey habang nagtatawanan silang lahat. “Oh paano, mauna na kami. Maaga nalang kaming babalik bukas para sa libing,” dagdag niya.

“’O sige brad. Ingat ha,”

“Sige. Salamat ha—Raisa, Aling Merly, alis na po kami,” sabi niya pa. Tinaas naman ni Aling Merly ang palad niya ng may kasamang ngiti, simbolo na nagpapaalam rin siya.

“Say bye-bye na,” sabi naman ni Joey sa kanyang mga anak.

“Bye-bye!” sabi naman ng bunsong anak niya na may kasamang kaway.

Nang makaalis na si Joey, siya parin ang naging paksa ng usapan lalong-lalo na nila Tommy at Raisa.

“Ang laki talaga ng pagbabago niya, nakakatuwa,” sabi ni Raisa habang naka crossed arms ito.

“Oo nga eh. Grabe talaga. Di parin nga ako makapaniwala na kaibigan na natin siya eh halos kamuhian ko na siya buong buhay ko noon eh,” sagot naman ni Tommy sabay akbay sa asawa. Hinampas naman siya ni Raisa sa braso.

“Aray?! Para saan ‘yun?” tanong ni Tommy nang nakasimangot.

“Maka kamuhian ka naman! Grabe to,” sabi ni Raisa sabay lagay ng mga kamay sa bewang.

“Bakit?” tanong ni Tommy. “Totoo naman ah. Talaga namang grabe ko siyang kamuhian nun, tanong mo pa kay Macario eh,”

“O sige, matatanong ko,” simangot naman ni Raisa na may halong kapilosopohan.

“Ito naman ang sungit. Pahalik nga sa asawa ko,” at pinisil ni Tommy ang mga pisngi ni Raisa at sabay hinalikan ito sa labi. “Hmmm, bango-bango,” dagdag niya. “Cute, cute pa.”

Si Aling Merly, na nasa likod lamang ni Raisa ay pinagmamasdan lang sila habang nakangiti. Si Tommy naman na mukhang nakalimutang kasama nila ang ginang kanina pa ay siya paring unang nakapansin dito.

“Ay, Nay Merly pasensiya na ha. Muntik ko pang nakalimutang nandiyan kayo,” paumanhin niya.

“Ano ka ba ayos lang!” sabi naman ni Aling Merly. “Nakakatuwa nga kayo tignan eh, ang sweet niyo. Naiingit lang ako,” dagdag niya.

“Bakit nay? Gusto niyo rin bang halikan ko kayo?” biro ni Tommy.

“Okay lang sa akin nay,” sabat naman ni Raisa.

TropaWhere stories live. Discover now