Chapter 25 - Mr. Rogers and Peppers

118 10 0
                                    

Humarurot ang kotse na pinagmamanehunan ng ina ni Tommy. Simula pa kanina, patuloy paring nakanuot ang noo nito habang patuloy na pinapaandar ang kotse. Ang mga kamay naman ng ginang ay nanginginig sa galit habang hawak ang manubela. Mas lalo tuloy nagiging halata ang mga kulubot sa kanyang balat.

Sa kabilang banda nama’y malungkot na nakatulala si Tommy sa bintana. Pinagmamasdan niya ang mga nadadaanan nilang mga damo, poste at tao. Wari’y nananaginip siya ng gising. Si Henry naman na kanyang nakakatandang kapatid ay pinagmamasdan si Tommy. Awang-awa ito habang hawak-hawak parin sa kaliwang braso niya ang inimpakeng gamit kanina ng kapatid.

Ilang oras lang ng mahaba at tahimik na biyahe, ay sa wakas ay nakarating na sila sa kanilang tahanan. Nagboluntaryong bumaba ng kotse si Henry para buksan ang gate para makapasok ang sasakyan. Habang naghihintay naman sa loob ng sasakyan, biglang napatingin ang nanay ni Tommy sa front mirror at pinagmasdan ang anak. Matapos nito ay pinaandar na niya ulit ang kotse at pinasok na sa loob ng garahe.

Binuksan ni Henry ang pintuan ng kotse para makababa si Tommy kasabay ng pagbaba ng kanilang ina. Tahimik habang nakatitig ang binata sa kanyang nakakatandang kapatid ng tuluyan na nitong mailapag ang mga paa sa garahe. Nanatili nalang si Henry sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan din ang kapatid na malungkot na pumasok sa pinto. Maya-maya, sumunod na siya. At saktong pagpasok niya’y nagsimulang magsalita ulit ang kanilang ina.

“Maupo ka,” medyo naiinis na tono ng kanilang ina kay Tommy habang tinuturo ang sofa sa sala.

Sumunod nalang si Tommy at naupo. Huminga siya ng malalim, signos na handa na siyang makinig ulit sa sermon at sigaw ng ina.

“Tommy,” naiinis na parang naiiyak naman na sabi ng ina. “Ang sakit ng ulo ko sa’yo bakit ba ganyan ka?”

Di sumagot ang binata. Tinapik naman ni Henry ang balikat ng ina sabay palit ng tingin kay Tommy.

“Ano bang ginawa kong pagpapalaking mali sayo?” mas lalo pang naiiyak na tono ng ina. “At ngayon, balak mo pa ako saktan?” bigla namang bumalik sa ala-ala ni Tommy ang ginawa niya kanina.

“TOMMY!” sigaw na ng ina na may kasama ng luha.

Nabigla si Tommy at bumilis ang tibok ng puso. Ganun rin naman si Henry at hinaplos ang likod ng ina.

Bigla namang nanggigil ulit ang mga kamao ng ina ni Tommy. Napapadyak pa ito sa inis at napasipa naman sa kabilang sofa. Pero di na tinuloy ng ginang ang kanyang gustong sabihin. Agad nalang itong tumalikod, naglakad at umakyat ng kanyang kuwarto.

Si Tommy nama’y nagsimula narin tumulo ang luha. Bigla rin siyang nakaramdam na tila’y nalulusaw siya sa kanyang kinauupuan. Ang kanyang mga luha’y dahilan ng halo-halo niyang mga emosyon—galit at awa sa ina.

Para patahanin ang kapatid, nilapitan ni Henry si Tommy pero sa bigla niyang paglapit nama’y tumayo agad si Tommy habang pinupunasan ng braso ang mga mata saba’y umakyat papunta rin sa kanyang kuwarto.

Wala ng maisip na paaran si Henry kung paano pa maayos ang kaguluhang ito. Parehas niyang naintindihan ang dalawang panig ngunit di naman niya kayang kampihan ni isa sa kanila. Parehas kasing mayroong tama at mga mali sa ginawa nila. Bagkus dahil sa desperado na siyang makahanap ng sagot, napaupo nalang rin si Henry sa parehas na upuang inupan ni Tommy, lumuhod at tinakpan ng palad ang kanyang mga mukha.

  

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

Dahan-dahang minulat ni Tommy ang kanyang mga mata at nagising nalang siya sa kanyang lumang kuwartong punong-puno ng mga design ng anime. Sa bedside table niya naman ay nakalagay ang fish bowl na binigay sa kanya ni Macario kasama narin ang mga luma niyang comic books.

TropaWhere stories live. Discover now