Chapter 14 - THE S.W.A.G TEAM

168 9 2
                                    

Lumipas na ang isang linggo matapos pumasok ni Maylin sa Don Diego’s Academy. Sa paglipas rin ng panahon, marami na ang nagbago at naganap na ngayon niya lang inasahan. Ito ang nagresulta para mas lalo niyang makilala ang eskuwelahan at ang mga estudyanteng nag-aaral dito.

Katulad sa mga pangyayaring kanyang natunghayan ay ang tungkol sa walang katapusang bangayan at sagutan sa pagitan nila Macario at Mr. Abuyen. Di parin kasi tumitigil ang guro na laging ipahiya sa klase niya si Macario. Si Maylin bilang ngayon niya lang ito nakita ay nagsimula narin siyang mainis kay Mr. Abuyen. Ngayon, naintindihan na niya ang gustong sabihin sa kanya ni Macario tungkol sa gurong ito.

Isa pa sa mga natunghayan niya ay ang tungkol rin kay Joey. Tugmang-tugma nga ang mga deskripsyon na binigay ni Macario kay Maylin dahil maski ang bully na ito ay di na tumigil sa pag-announce at pag-declare sa buong eskuwelahan kung gaano nga ba naging karumal-dumal na magnanakaw si Macario.

“Macario, the Theftboy!” ay isa sa mga salitang madalas isigaw ni Joey.

Di lang yun. Sa loob rin ng isang linggo pagkatapos magsimula ang unang araw ng klase ay pinagyayabang narin ni Joey ang pagiging First Honor niya at kung paano niya natalo si Macario. Kapag may nakakaaway siya, lagi niyang sinasabi sa mga ito na, “Di mo ba ako kilala? Ako ang First Honor dito kaya galangin mo ako ah!” 

Sa paglipas rin ng panahon, mas lalo ring naging close si Macario at si Maylin. Di na sila katulad dati ng medyo nagkakahiyaan pa sa isa’t-isa at minsanan lang mag-usap. Ngayon kasi, mas lalong naging madalas ang usapan nila, nagkakakulitan rin minsan, at madalas narin silang maglibrehan sa isa’t-isa. Nagsimula narin naman magselos sila Armand, Orli at Pierre na hindi naman nagpapatalo dahil pagdating sa librehan, mas malaki at mas marami ang binibigay nila kay Maylin. 

Sa mas lalong pagiging close ng pinsan sa kaibigan, nagsimula naring magtaka si Tommy tungkol sa dalawa. Nang makahanap siya ng tiyempo para makausap si Maylin, dali-dali siyang nagtanong, “May gusto ka ba kay Macario?” 

Si Maylin naman na mabilis mamula ang pisngi kapag tinatanong ng pinsan ay dali-daling nagdadahilan, “Wala! Wala no! Talagang close lang kami...yun lang.” Pero kapag iniwan na siya ni Tommy mag-isa, dali-daling ngumingiti si Maylin na akala mo’y nasa langit siya.

Kapag pinag-usapan naman ang pagbabago sa tropa, makikitaan mo naman ng improvement si Pierre. Di naman sa masasabing napeperfect niya ang kanyang mga quiz kung hindi dahil sa pagiging hardworking niya ulit sa mga nakalipas na araw. Kaya kapag sinabing may quiz kinabukasan, dali-dali naman siya agad na nagrereview. Kapag nagpa-assignment ang kanilang guro, ginagawa niya lahat ng makakaya niya ng sagutan ito ng mag-isa. Saka lang siya hihingi ng tulong kapag nahirapan na siya. Si Macario na lubos ang pagtataka sa pagbabago ni Pierre, ay tanong ng tanong kung ano nga ba ang dahilan nito. Akala niya ay dahil para ito kay Maylin pero kapag sinasagot siya ng kaibigan, ang kanyang lumang dahilan parin ang kanyang sinasabi, 

“Ayaw ko na kasing maasar pa ulit ni Joey. Gusto ko ipakita sa kanya na sa susunod na pagtitripan niya pa ulit ako, may maiisasagot na ako sa guro.” Natutuwa naman ang tropa para sa kanya.

Mas lalo rin namang tumibay sa linggong ito ang closeness sa pagitan naman nila Tommy at Raisa. Resulta ito dahil narin sa kagagawan nila Armand, Orli, Pierre at Macario. Tuwing kakain kasi sila sa canteen, iisang tao lang ang laging kausap ng apat, si Maylin. Si Macario, kausap si Maylin dahil narin sa pagiging close nila habang ang tatlo ay katulad parin ng dati, ang manlibre. Napansin nila Raisa at Tommy na parang hangin lang sila sa paligid kung kaya’t sila na mismo ang gumawa ng paraan para maramdaman nila ang presensiya ng isa’t-isa. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa buhay nila, at kung ano-anong mga bagay-bagay. Minsan rin ay nagtatawanan sila ng pagkalakas-lakas.

TropaWhere stories live. Discover now