Chapter 19 - Ang Lihim ni Ferdinand

177 8 1
                                    

“Armand?!” gulat na tanong ni Tommy. “Anong nangyari sa’yo?  Bakit ka umiiyak?”

Walang naisagot si Armand. Patuloy parin kasi sa pagtulo ng luha ang kanyang mga mata.

“Hoy, Armand!” sabi ni Pierre.

Sa ilang sandali lang, biglang tumayo si Armand. Mas lalo pa nilang ikinagulat ang nangyari ng biglang lumapit ito kay Macario at niyakap ito.

“Armand?” tanong ni Macario habang patuloy na umiiyak si Armand sa kanyang bisig.

“Macario,” sabi sa wakas ni Armand habang mas lumalakas ang kanyang pag-iyak. Sa ngayon, mas lalo itong naging emosyonal at mukhang may pinaghuhugutan. Sila Tommy, Orli, Pierre at Macario na kanina pa nagtataka sa pag-iyak ng kaibigan ay unti-unti nang naapektuhan. Ngayon lang nila nakitang naging ganito kalungkot si Armand.

“Macario, di ko na kaya...bakit k-kailangan nila akong asarin? Bakit kailangan nilang bumulong sa likod ko? Bakit di pa nila sinabi s-sa akin ng harapan? Macario, ang sakit eh,” sabi pa ni Armand.

“Ano bang pinagsasabi mo?” tanong ni Macario.

Huminga muna ng malalim si Armand. “Ang THE S.W.A.G TEAM, nalaman kong pinagkakaisahan nila ako...nalaman kong di pala nila ako gusto noong una palang...nalaman ko rin na kung ano-ano pala ang pinagsasabi nila sa akin sa likod ko—na baduy daw ako, na pangit daw ako, na sinali lang daw nila ako para pagtawanan ako. Ayos lang sana kung asarin nila akong pangit, pero bakit kailangan nila akong pagbulunan at pagtawanan? Masakit Macario, masakit!”

“Sabi ko naman sa’yo Armand eh! Bakit mo kasi kailangang—”

“Pierre!” sigaw ni Macario. Agad namang natahimik si Pierre. “Armand, naintindihan kita...pero di mo kailangan yang ikaiyak. Di pa yan katapusan ng mundo mo...at ano bang kailangan naming intindihin sa THE S.W.A.G TEAM na yan?” dagdag niya.

Agad bumitaw sa pagkayap si Armand. Ang malungkot niyang mukha kanina, napalitan ng galit at pagkadismaya.

“Anong ibig mong sabihing ‘kailangan mong intindihin sa THE S.W.A.G TEAM’? Hinintay ko kayo buong magdamagmag dito para may kasama at mailabas ko ang nararamdaman ko, pero mukhang wala kayong pakialam! Akala ko pa naman, dadamayan niyo ako pero parang hindi! Alam ko namang ayaw niyo palang sa umpisa na sumali ako dun eh, kaya kapag nagkaroon ako ng problema sa kanila, di niyo na ako tutulungan! Akala ko pa naman, kaibigan ko kayo! Akala ko pa naman, matutulungan niyo ako...pero hindi!”

“Ano bang pinagsasabi mo Ar—”

Pero bago matapos ang sasabihin ni Macario, agad tumakbo papalayo si Armand. Sumigaw man si Tommy para tawagin ulit ang kaibigan ay ni isang beses ay di na ito lumingon sa kanila. Nagpatuloy nalang siyang lumayo hanggang sa mawala ito sa kanilang paningin....

Kinabukasan, dalawang linggo bago ang Final exam, ay nabigo sila na kausapin muli si Armand. Di na nila ito nakakasama sa lunch, sa recess o kahit sa uwian. Minsan, iniisip ng tropa kung ano nga ba ang nagawa o nasabi nilang mali. Masyado atang minasama agad ni Armand ang gusto nilang sabihin. At kahit na ilang beses na pinapaulit-ulit ito nila Tommy, Orli, Pierre at Raisa (na kakarinig lang ng balita), lagi sinasabi sa kanila ni Macario,

 “Initindihin niyo nalang si Armand. Sadyang nasaktan lang siya noong araw na yun kaya maski yung mga sinasabi natin, minasama niya rin....”

Sa paglipas rin ng araw na ito, napansin rin ng tropa ang pasa sa pisngi ni Macario. Labis silang nag-alala dahil sa ngayon lang nila ito nakita. Inisip tuloy nila na baka nakipag-away siya o baka naman ay napagtripan. Pero kahit na anong kulit ng mga kaibigan, di parin sinasabi ni Macario ang katotohanan. Na ang katotohanan ay dahil sa nalaman niya ang totoo tungkol sa tunay na buhay ni Joey. Na siya ay sinasaktan ng kanyang tita at alila ang kanyang ina.

TropaWhere stories live. Discover now