Chapter 3 - New Day Begins

580 14 0
                                    

KNOCK. KNOCK. KNOCK.

“Tommy, may gusto sana akong sabihin sa’yo, matagal na…,” sabi ni Raisa.

“Ano yun?”

Lumapit pa si Raisa palapit kay Tommy. Nakalagay ang mga kamay nito sa likod niya habang kinakabahang maglakad. Lubusan naman ditong nagtaka si Tommy dahil wala siyang ideya sa mga pinapakita ni Raisa.

“Gusto ko lang sana sabihin na… mahal na mahal kita!” sabi ni Raisa.

Bumilis ang tibok ng puso ni Tommy. Di narin siya mapakali. Iiyak ba siya o tatalon sa tuwa? Di niya maipaliwanag.

“Mahal rin kita Raisa! MAHAL NA MAHAL KITA!!”

“Mahal na mahal rin kita Raisa. Sobra! Matagal na matagal na… torpe lang ako kaya di ko nasasabi sa’yo, pero maniwala kang mahal na mahal rin kita,” sabi ni Tommy.

“Di mo na kailangang magpaliwanag Tommy. Ramdam ko. Ramdam ko rin sa buong puso na mahal na mahal mo ako,”

KNOCK. KNOCK. KNOCK.

Papalapit na ang mga labi nila sa isa’t-isa. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Tommy. Ngayon lang siya makakahalik sa labi ng babae bukod sa nanay niya.

KNOCK. KNOCK. KNOCK.

Naamoy ni Tommy ang cherry flavor mula sa mga labi ni Raisa. Mas lalo tuloy siyang naatat na halikan ang dalaga. 

KNOCK. KNOCK. KNOCK. Tommy!

Malapit na. Malapit na malapit na… kaunting-kaunti nalang at mahahalikan na ni Tommy si Raisa. Kaunti pa… sobrang kaunti….

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

Malapit na… mga 1 cm nalang siguro. Pero sobrang lapit na… ayan na… wait lang… yan, sobrang lapit na….

KNOCK!! KNOCK!! KNOCK!!  Tommy!!

Nagising si Tommy. Doon niya lang napagtanto sa mga oras na iyon na panaginip lang pala ang lahat. Nagising nalang siya at nakita niyang hinahalikan niya ang unan niya. Kanina pa kasing may kumakalabog sa pintuan ng kuwarto nila pero mukhang siya lang ang nakarinig. Sobrang himbing pa kasi ng tulog ni Macario at ni Armand.

“Sino yan?” matamlay na tanong ni Tommy. Tinigan niya ang orasan niya; 6:30 palang ng umaga at mamaya pa ang klase. Inayos niya muna ang unan niya nang may sumagot sa kanya. 

“Si Pierre to! Bilisan mo at buksan mo ang pintuan niyo! Basta wag mo lang gigisingin si Macario!” 

Nanlaki ang mata ni Tommy. Tumayo siya at binuksan niya ang pintuan. Nakita niya si Pierre na hingal na hingal at naghahabol ng hininga. Mukhang tumakbo ito galing sa malayong lugar. 

“Paanong di magigising si Macario? Ang ingay mo kaya! Di bale—bakit parang hinabol ka ata ng aso?” tanong ni Tommy.

Huminga muna ng malalim si Pierre bago siya sumagot. 

“Kasi… kasi… kasi,” 

“Puwede bang huminahon ka muna? Magkakalabuan tayo niyan kung ganyan ka makipag-usap sa akin eh,” sabi ni Tommy.

Huminto nga ng saglit si Pierre. Pinagmasadn siya ni Tommy. Sinigurado niya munang nasa mabuti na siyang kalagayan bago sabihin ang bagay na mukhang kanina niya pang gusto sabihin.

“Kasi… kanina, bumili lang kami ni Orli ng almusal. Siyempre, sobrang gutom na ako kaya di ko kayo mahintay. Mukhang napasarap ata tulog niyo kaya di na namin kayo ginising. Di rin naman kasi kami nakatulog ng mahimbing kasi ang lakas ng hilik ni Ferdinand. Tapos nung nasa canteen kami, nag-order ako ng hotdog. Nakakatawa lang tong si Pierre kasi dinamihan niya yung ketchup! HAHAHAH! Para siyang baliw.  Pagkatapos naming kumain---”

TropaWhere stories live. Discover now