Chapter 24 - Ang Desisyon ng Ina

147 10 1
                                    

Marami na ang dumaan sa aming buhay. Marami na kaming pinagdaanang pagsubok pero ito parin kami, matibay parin ang relasyon naming magkakaibigan sa isa’t-isa.

Umalis man si Maylin at bumalik ng probinsiya, sumusulat naman siya sa amin dahil masaya naman siya. Isa pa, may boyfriend na raw siya. Masaya naman ng marinig ‘to ni Macario pero sa tingin ko, nasasaktan siya dahil alam ko namang may gusto siya sa pinsan ko no!

Si Joey naman, nagbagong buhay na talaga. Iba man ang eskuwelahan niya, nagkakaroon parin kami ng komunikasyon sa pamamagitan rin ng sulat. Ngayon, working student na siya. Labis silang nagtutulungan ng nanay niya para mairaos ang kanilang pang araw-araw. Natutuwa naman ako dahil sobrang sipag niya. Medyo mahihirapan daw siyang bumisita sa school dahil nga sa abala rin siya sa gawain niya.

 Pero sa lahat ng mga nangyari sa amin, isa lang namang ang gusto ko. Ang pagbabalik ng magandang imahe ni Macario sa lahat. Lagi na siyang kinakausap ng ibang mga estudyante, humihingi sa kanya ng tulong at siyempre ang mga nagkakagusto sa kanya. Siguro nga, namatay na ang isyu ng nakawan. Maski sila Ferdinand at Hubert, wala narin sa eskuwelahan.

Pero sandali, di ibig sabihin na ayos na si Macario sa iba, ay ayos na talaga ang lahat. Ang ugali kasi niya, di niya parin binabago kaya di maiiwasang mainis parin sa kanya ang ibang mga guro....lalo na, sino pa? Edi si Mr. Abuyen...

Akalain mo, huling taon na pala namin sa pagiging highschool?

 

BURP!

Agad namang tumawa ng malakas si Raisa kay Armand.

“Ano ka ba Armand! Kadiri ka naman eh! Puwede bang pag nabubusog ka, takip takip ka rin ng bibig mo? Baho shets!” reklamo naman ni Pierre.

Tatlong buwan na ang nakalipas pagkatapos magsimula nitong bagong taon na ito. Ang taon kung saan Grade 12 na sila Tommy, Orli, Pierre, Armand, Raisa at Macario. Ito na ang huling taon bago pa sila tumungtong ng kolehiyo. Ngayon, nandito sila sa paborito nilang kainan, ang RESTAWRANT.

Kakatapos lang ng klase kung kaya’t napagdesisyunan nila munang kumain dahil sa libre naman ito ni Macario.

“Makapagreklamo ka naman Pierre!” inis naman ni Armand.

“Teka, teka, bago mauwi sa suntukan ang lahat—Macario, tuloy ba tayo bukas sa bahay-ampunan?” tanong naman ni Tommy habang abalang kumain ng laing.

“Oo naman! Isang linggo rin nating di nakita yung mga batang yun no! Alam niyo naman yung mga yun, nung isang linggo na di tayo nakapunta, nagtampo sila diba?” sabi ni Macario.

“Sabagay,” sabi naman ni Tommy. “Eh tanong ko naman, nasagutan niyo na ba yung assignment na pinapagawa ni Mr. Abuyen?”

“Aysus! Di na kailangan no! Nandiyan naman si Macario para gawin ang assignment natin diba?” sabi ni Orli sabay higop ng coke.

“Kapal ng mukha mo! Namimihasa ka na ah! Paano ka matututo niyan kung lahat nalang, sa akin mo na pinapagawa?” tanong ni Macario.

“Tsaka di niyo ba napansin? Ang dami niyang pinagawang assignment. Halatang lahat ng galit niya sa estudyante, lalo na sa atin siyempre, dinaan niya sa gabundok na homeworks! Sa totoo lang, iniisip ko, kailan kaya magbabago yung teacher na yun?” tanong ni Armand.

“Teacher siya, pero ganun ugali niya? Sa tingin mo kaya Macario, katulad siya ni Joey? Na siguro kaya ganyan ugali niya eh kasi may pinagdadaanan siya?” tanong ni Orli.

TropaWhere stories live. Discover now