Chapter 2 - Macario Sandoval

771 18 5
                                    

Napatigil ang mundo nila. Blanko na ang tumatakbo sa kanilang isipan. Dali-dali nilang pinaandar ang kanilang mga sasakyan dahil sa sobrang pag-aalala. Di mapakali si Tommy ng sumakay siya sa kanyang sasakyan kasama si Orli at Raisa habang si Pierre naman at Armand ay sumunod sa kanila.

Ang mga mata ni Tommy ay napatigil at di makaiyak. Pinipigilan kasi ng puso niya ang pag-iyak ng todo dahil sa narinig na balita mula sa nanay ni Macario. Umalis sila agad at tumungo sa hospital. Di na nila initindi pa ang ibang mga sasakyang dumaraan at ginagawa nila ang lahat makarating lang ng mabilis sa kaibigan.

 Di na sila nagpakupad-kupad pa ng makarating sila sa kanilang pupuntahan. Dali-dali silang tumakbo papunta sa counter at tinanong kung saang room makikita si Macario. Unti-unting bumabagal ang takbo ng paligid nila lalo na ni Tommy. Ang gusto niya lang mangyari ngayon, makita ulit ang kaibigan. Kahit na may mga tao na silang nababangga, di nila ito pinapakialaman.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso nilang lahat ng malapit na sila sa kuwarto ni Macario. Mabuti nalang ay may isang malaking salamin na kung saan ay puwedeng makita ang mga tao sa loob ng kuwarto. Tumingin sila dito at nakita nila ang kaibigang kanina pa nila hinahanap --- si Macario Sandoval, nakaratay na sa higaan, may kung ano-anong tubo ang nakatusok sa kamay niya, sa ilong pati sa bunganga. Nasa tabi niya naman si Aling Merly na hawak-hawak ang kamay ni Macario. Malungkot ang mukha nito habang tinitignan ang anak.

Napaiyak na lalo si Tommy ng makita niya si Macario. Naninibago siya na makita ang kaibigan niyang nanghihina at walang malay. Kung dati ay napakasigla nito at malayang kumilos, ngayon ay di na makagalaw, makapag-salita o maibuklat ang mata. Naawa silang lahat sa sitwasyon ng kaibigan.

☺☺☺

Marami tayong nakikilalang kaibigan sa pag-ikot ng ating gulong ng buhay. Habang tumatagal, dumadami pa ito ng dumadami at lumalaki ng lumalaki. Di rin naman maiiwasan ang mga umaalis at mayroon rin namang mga bumabalik.

May mga kaibigan ding nagtatagal at pansamantala lang. Halimbawa, saglit ka lang mananatili sa isang lugar. May mga tao kang nakakausap doon at nakakasama. Sila ang mga kaibigang pansamantala. Yung mga permanente, yun yung mga katrabaho mo, kamag-aral, mga tambay lang na nakilala mo diyan, mga nanay na nakikipagtsimisan habang nagkakamot ng kili-kili at kababata mo na kasama mo sa kalokohan. Yung tipong alam na alam na niya ang oras ng pagligo mo, paggising mo, pati nga bahay at family history niyo. Yung mga tipong nagkacrush ka, aasarin ka buong magdamag. Pero ang pinakamalupit, yung aasarin ang pagkatao mo – kulay, height, weight, kulay ng ngipin, amoy, bilang ng buhok sa ilong, ilang beses mangulangot, libag mo o kahit alipunga mo sa paa.

Sa lahat ng kaibigan mayroon tayo, may mga masasabi parin tayong peke at totoo. Kapag pinag-usapan ka kapag nakatalikod ka, tinatraydor ka o pilit lang makisama sayo, sila ang mga pekeng kaibigan. Yung mga taong halos ubusin ang lahat ng oras para makasama ka lang, o yung mga taong di nauubusan naman ng oras na alaskahin ka, silang ang mga tunay na kaibigan.

Kung gusto mo pa ng paliwanag ng kaibigan, ito yun: kapag kinawayan ka kapag nakita ka, kaibigan yan. Kapag kinamusta ka, kaibigan rin yun, Kapag humingi ng baon mo, sinabihan ka ng maganda/guwapo, pinuri ka, tinulungan kang tumayo pag nadapa ka, tinulungan ka sa assignments, projects at kung ano-ano pa, masarap kausap, matinong kausap, tumatawa sa karamihan ng jokes mo, nakikinig sa mga kuwento mo, nagbibigay sa’yo ng pagkain, pinapalakpakan ka kapag nakakuha ka ng awards, pinapatigil ka kapag umiiyak ka at dinadamayan ka sa kalokohan, tunay na kaibigan rin yan. Pero kapag kinawayan ka at sinuntok ka sa mukha, kapag kinamusta ka at pinaalala ang malalagim na nangyari sa buhay mo, kapag kumukuha ng baon mo ng walang paalam, nilalait ka araw-araw kung gaano ka kapangit at kung gaano ka naging karumal-dumal na tao, inasar ka, pinagtawan ka at kinuhanan ka pa ng litrato kapag nadapa ka, hinahayaan kang bumagsak sa assignments, projects at kung ano-ano pa, walang kuwentang kausap, binabara at hinahampas ka kapag corny ang joke mo, natutulog kapag nagkukuwento ka, pinagdadamutan ka ng pagkain (kahit sa’yo yun), sinasabihan kang “madaya!” kapag nakakakuha o nananalo ka ng awards, tinatawanan ka habang umiiyak, iniiwan ka sa ere kapag may nagawa kayong kalokohan at pinagsisigawan sa lahat ng tao ang pangit sa’yo, wag ka ng magtaka, BESTFRIEND mo yan. 

TropaWhere stories live. Discover now