Chapter 7 - Ang Hinagpis ni Tommy

268 7 0
                                    

Lubusang naguguluhan si Tommy sa mga nakita niya. Ito ba ang laging ginagawa ng kaibigan niya at ni Raisa tuwing magkikita sila gabi-gabi? Ang magyakapan? Di alam ni Tommy ang sagot sa mga katanungan na ito. Ang tanging alam niya lang, may parte sa puso niya na nasaktan ng todo. Pakiramdam niya, gusto niyang sugurin sa puntong ito ang kaibigan. Gusto niyang saktan si Macario sa pagtataksil na ginawa nito.

Isa pa niyan, bakit umiiyak si Raisa? Anong dapat niyang kaiyakan? Bakit sa pag-iyak niya, kailangan niyang yakapin si Macario? Di kaya totoo ang isyu na may lihim na relasyon ang dalawa? Pero paanong nangyari yun? Ilang linggo palang naman silang naging close ni Raisa tapos aabot na agad sa ganitong sitwasyon? Katulad parin ng mga naunang tanong ni Tommy, di niya ulit alam ang sagot. Imbes na sagutin niya ang mga tanong na ito, parehas parin ng intensiyon ang gusto niyang gawin ngayon kay Macario— ang suntukin ito.

Alam ni Tommy na kapag gumawa siya ng eskandalo sa kainang ito, di lang siya mapapahiya. Mapapahiya rin siya sa harap ni Raisa at pati ang eskuwelahan nila ay madadamay. Kapag nangyari yun, baka tanggalin siya at kapag natanggal siya, magagalit na naman sa kanya ang nanay niya. Papagalitan siya at ipapamukha ulit sa kanya ang dati pang pinapamukha ng nanay niya sa kanya: Ikaw na nga lang ang nasa top, ikaw pa tong barumbado!

“Salamat Macario... salamat talaga... di ko alam ang gagawin ko kung wala ka... salamat,” paulit-ulit na sabi ni Raisa habang yakap-yakap parin si Macario.

“Walang anuman,” sagot naman ni Macario.

Tumalikod si Tommy. Di niya makayanan pang makita ito. Halos mangiyak-ngiyak na siya dahil kinakain na ang emosyon niya ng sobrang matinding selos. Lumabas siya ng karinderya. Gusto niyang sumigaw pero wala siyang magawa. Gusto niya maghanap ng comfort pero wala siyang makita. 

Tumakbo pa ng tumakbo si Tommy hanggang sa makarating siya sa school gate. Binati pa siya ng guard pero di niya ito pinansin. Gusto niyang bumalik na sa dorm pero ayaw niya namang makita siya ng mga kaibigan niyang lugmok ang itsura kung kaya’t imbes na sa dorm siya pumunta ay dumaretso siya sa main school building na kung saan ay wala nang tao at sobrang dilim na ng mga hallway.

Di pa tumigil si Tommy sa pagtakbo. Di rin siya natatakot kahit na siya nalang ang mag-isa sa building na ito. Tumakbo pa siya hanggang sa nakarating siya sa 4th floor. Bumagal narin ang takbo niya at napagdesisyunan niyang umupo muna sa hagdan.

Sobrang dilim na ngayon rito. Sobrang nakakatakot na kung iisipin dahil di mo alam kung anong puwedeng lumabas sa dilim. Tanging ang tunog nalang ng mga ibon at hangin ang maririnig mo dahil sa sobrang tahimik. Imbes na matakot, naging kuntento na si Tommy sa lugar na ito. Perpekto kasi ito para makapag-isa siya at makapag isip-isip tungkol sa nakita niya kanina. Puwede niya naring ilabas ang nararamdaman niya dito kahit suntukin niya pa ang pader dahil wala namang makakakita sa kanya.

 At yun na nga. Umiyak na si Tommy sa wakas...

“Tommy, Tommy....” 

Dahan-dahang dinilat ni Tommy ang mata niya. Nahihirapan pa nga siya dahil magang-maga ang mga mata niya sa kakaiyak.

“Tommy, gumising ka na diyan,” sabi pa ng boses.

Napatitig si Tommy dito. Malabo pa ang imahe dahil bagong gising lang siya. Agad niyang pinunasan ang mata niya para agad luminaw ang kanyang paningin. Ilang sandali pa, natanaw na niya ang liwanag. 

“Umaga na?” tinatamad na boses ni Tommy.

“Umaga na—” ulit pa ni Tommy. “—umaga...”  ulit niya pa ng isang beses... “...uma...” sabi niya pa. “...UMAGA NA!” gulat ni Tommy. Bigla siyang napaupo sa hinihigaan niya. Napansin niyang nasa hagdanan parin siya kung saan siya pumunta kagabi. Napatitig ulit siya sa taong gumising sa kanya at nakita niyang si Manong Phelps ito na may hawak pang walis.

TropaWhere stories live. Discover now