Chapter 8 - Macario vs. Mr. Abuyen

280 12 0
                                    

Minulat ni Tommy ang kanyang mga mata. Nagising nalang siya bigla sa higaan niya sa kanilang dorm. Parang hirap sa kanyang alalahanin kung ano ba ang bagay na nangyari sa kanya kagabi sa kung paano siya napunta dito. Naalala niya lang na umiiyak pa siya habang palihim at tahimik na pumapasok sa kuwarto. Naabutan niya pa kagabi ang lalim ng tulog ni Macario at Armand.

Speaking of Macario, nang mapalingon sa paligid si Tommy, di niya ito nakita. Nakatupi na ng maayos ang kumot nito at ang mga unan niya ay maayos rin ang pagkakapuwesto. Baligtad naman ito kay Armand na hanggang ngayon ay mukhang nagbabiyahe parin sa mundo ng mga panaginip. Sarap na sarap pa siya sa tulog at nakapuwesto siya ayon sa paborito niyang puwesto, ang nakanganga. Tumayo si Tommy at nag-unat. Palabas palang siya ng kuwarto nang mapansin niya ang bedside table ni Macario na punong-puno ng diyaryo. 

Sa mga nakalipas na araw, matagal ng napapansin ni Tommy ang mga diyaryo sa bedside table ni Macario. Di niya ito pinapansin dahil wala naman siyang interes magbasa o makinig ng balita. Ngayon, di lang basta diyaryo ang nakalagay dito. Sandamakmak na. Anong balak niya dito? Gamitin sa pagbebenta niya ng tuyo?  Sabi nalang ni Tommy sa isipan. Lumabas nalang siya at gusto niyang pakiramdaman ang sarap ng hangin.

Linggo ngayon at ito na ang huling araw para magsaya ang mga estudyante dahil walang pasok. Ito rin ang araw kung saan binabalak ni Tommy na kausapin na sila Orli, Armand at Pierre tungkol sa totoong nangyayari sa kanya. Gusto niya naring ipaliwanag sa mga kaibigan na wala siyang galit sa mga ito at tanging kay Macario lang. Di niya narin kasi kaya ang mag-isa at gusto niya ng karamay. Pero lahat ng mga plano niyang ito ay malabo niyang magawa. Katulad kahapon, akala niyang wala na si Macario yun pala ay nandito parin sa eskuwelahan. Ngayon, di kaya nandito pa ulit siya? Kailangan niya munang makasiguro. Bumaba muna siya papunta ng canteen para mag-almusal.

Wala ng masyadong estudyante sa buong campus. Ibig sabihin, wala ng masyadong mga estudyante ang pag-uusapan siya mismo sa harap niya patungkol sa isyu. Mababawasan ang mga taong kinaaayawan niya, tatahimik pa ang buhay niya kahit na isang araw lang. Kailangan niyang lubusin ito bago sila magsibalikan mamayanag hapon.

Habang naglalakad, may napansin siyang lalaki na nakatayo sa harap ng bulletin board at mukhang abala sa pagbabasa ng announcement dito. Nilapitan ito ni Tommy at nakita niya si Ferdinand Malimba. Mag-isa lang siya at  magkasalubong ang mga kilay niya dahil siguro sa nababasa. 

“Ferdinand,” napalingon naman si Malimba kay Tommy (“Hoy! Kamusta ka na?” tanong ni Ferdinand)

“Ito ayos lang... anong binabasa mo?” tanong ni Tommy.

Biglang tinuro ni Ferdinand ang isang announcement na kanina niya pang binabasa. Tumingin si Tommy dito at nakita niyang nakaturo ito sa isang announcement patungkol sa nalalapit nilang K.A.T.

“Di pa nga ako nakakapagreview tapos dalawang linggo nalang? Paano kapag bumagsak ako? Baka sa kangkungan ako pulutin nito?” pag-aalala ni Ferdinand.

“Di yan. Basta think positive lang,” motivation ni Tommy.

Nagkaroon ng kaunting katahimikan. Medyo naiilang pa silang dalawa sa isa’t-isa dahil di naman sila masyadong close. Kailangan lang naman sila nagkausap ng maayos. 

“Uhmm... may tanong ako,” singit ni Ferdinand.

“Ano?”

“Wag kang magagalit ah pero.... totoo ba yung—yung balita na bigla ka raw sumigaw sa classroom niyo? Kalat na kalat na kasi—sa buong school eh,” naiilang na tanong ni Ferdinand.

“Oo... nakakahiya no?” sagot ni Tommy.

“Di naman. Depende nalang kung may dahilan kung bakit sumigaw—kung ano man yun. Ok lang kahit di mo sabihin sa akin,” sabi ni Ferdinand.

TropaWhere stories live. Discover now