Chapter 5 - Advance Gifts

316 12 0
                                    

"Ma, medal ko nga pala. Nanalo kasi ako sa math contest”

“Puwede ba Tommy, mamaya na yan, kita mo namang may ginagawa ako diba?” sagot ni Mrs. Acas, ang kanyang ina.

“Pero ma, wala namang ganito si kuya diba? Tsaka alam mo ba, tuwang-tuwa sa akin yung mga teacher ko kasi ang galing ko daw! Akalain mo yun, sa dinami-raming mga estudyante sa ibang school, natalo ko sila!” tuwang sabi pa ni Tommy.

“Ilan kaming contestant dun pero mabuti nalang at medyo magaling ako kaya natalo ko silang lahat ma… Tara, sabit natin sa sala!” dagdag ni Tommy.

Di siya pinansin ng kanyang nanay.

“Ma, ayaw mo ba to? Ang ganda kaya, kulay gold!”

Biglang nagdabog si Mrs. Acas dahil narin sa pagkairita sa pangungulit ni Tommy. Tumingin pa ito ng masama sa anak pagkatapos.

“Umalis ka na nga dito bago pa kita mahampas! Bilis!” 

“Ma?” pagtataka ni Tommy.

“Bilisan mo!”

“Pero ma, ayaw mo bang isabit to?” 

“Ang kulit mong bata ka! Diba sinabi ko na sa’yong umalis ka muna dito dahil may ginagawa ako? Di mo ba nakikitang may importante akong ginagawa?” sabi pa ni Mrs. Acas.

“Ma…. Ma,” maluha ng sabi ni Tommy.

“Bilis….”

“Bil…..”

“B…….”

Biglang binuklat ni Tommy ang mata niya. Natulala siya at natahimik. Di man niya maalala lahat ng mga nangyari sa panaginip na ito ng buo, pero may parte parin sa loob niya na parang nasaktan siya at nainsulto. Huli narin ng napansin niyang may luha na ang mga mata niya. Pinunasan niya agad ito ng kanyang kumot.

Tumingin siya sa orasan, alas-Diyes na pala ng umaga. Walang pasok ngayon dahil Sabado. Ito na ang oras para makapag-pahinga pa ng mas matagal at maayos. Nilibot niya rin ang mata niya sa paligid. Nakaayos na ang higaan ni Armand at ni Macario. Nawalan na tuloy siya ng antok kaya tumayo na siya at tinupi na ang kumot at inayos narin ang kama at ang unan. 

Papalabas palang sana ng kuwarto si Tommy ng mapansin niya ang sandamakmak na diyaryo sa bedside table ni Macario. Minsan niya ng makitang may diyaryo dito pero ngayon lang ito naging sobrang dami. Di na siya nagdalawang isip at nilapitan niya ang mga ito. Ilang saglit lang ay may pumasok sa kuwarto – si Armand.

“Oy, Tommy, tara na kain na tayo!”

Nalipat ang atensiyon ni Tommy kay Armand. “Ah,sige. Sunod nalang ako sa baba mamaya,” sabi ni Tommy.

“Sige, hintayin kita ah… bilisan mo lang,” sabi ni Armand.

“Uhmmm, nasan nga pala si Macario?” 

“Di ko nga alam eh. Pagkagising ko kaninang umaga, wala na siya. Siguro pumunta na naman yun sa sikretong niyang lugar. Basta bilisan mo ah, kumukulo na kasi tiyan ko eh. Nandun narin sila Orli at Pierre,”

Lumabas na ng kuwarto si Tommy. Naramdam niya agad ang sarap ng simoy ng hangin. May nakita rin siyang mga taong nakabihis pang-alis habang nakasuot ng backpack. Ito ay ang mga estudyanteng umuuwi sa kanilang mga magulang tuwing weekends. 

Baligtad na baligtad ang mga estudyanteng ito kay Tommy dahil walang araw na dumadalaw siya sa mga magulang niya at sa pamilya niya. Ni hindi rin siya tumatawag, nagtetext o kahit sumusulat man lang. Isa itong tinuturing niyang paraan para malayo siya sa pamilyang nagdadahilan ng sakit niya sa kalooban.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon