Chapter 4 - Ang Babaeng Nakapula

431 11 0
  • Dedicated kay Reylanjay Rubin
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Bilang pangatlong linggo na nito after ng unang release, gusto ko sanang magpasalamat sa mga readers na sumubaybay nito. Sa mga future readers, salamat rin. Naging parte na siguro sa katawan ko ang novel na to kasi minsan, tumatakbo na sa utak ko automatically yung story kahit na di ko pa naman tinatype. Inspired din kasi akong magsulat ngayon dahil wala namang pasok. 

Kung mapapansin niyo, mahaba talaga yung story kasi mas naeexplain ko sa paraan na ito ang tunay na pamumuhay nila Armand, Orli, Pierre, Tommy, Raisa at Macario. Mas lalo kasing makikilala yung mga characters sa ganitong paraan kesa yung ibang novel na maikli nga, pero halatang nagmamadali yung story. Parang may lakad ata kaya minadali na sa ending para daw maentertain ang mambabasa. Di ko na inisip yun kasi may pagka "REBELLIOUS" theme kasi tong novel na to kaya maganda kung naibabahagi yung characteristics ng bawat isa ng maayos at mas naeexplain.

Kung makikita niyo rin sa gilid nito (works for P.C Users only), may picture. Pangit ang pagkakadrawing alam ko, kasi ako ang nagdrawing niyan :)). Tinulad ko kasi itong novel na to sa mga novel na nababasa ko na may isang picture per chapters kaya marami pa kayong makikitang ganyan sa mga future. Ipiprint ko rin kasi tong kuwento na to balang araw. Yun lang! Enjoy reading!

*********************************************************************

Medyo matumal ang gabi. May ibang pasyenteng bagot na bagot maghintay sa tapat ng counter ng hospital. Ang ibang mga nurse ay tulog na sa kanilang mga mesa dahil narin siguro sa walang masyadong ginagawa.  May iba rin namang mga nurse na masyadong nagmamadaling umakyat sa taas dahil baka kinakailangan sila ng kanilang mga pasyente. Ganito ang buhay sa hospital. Lahat ng tao, kailangan ng tulong. Kailangan nila ng tulong upang madugtungan pa ang kanilang buhay.

Para maiwasang mabagot kakabantay sa nakaratay na si Macario, napagdesisyunan nila Pierre, Orli at Armand na maglaro ng baraha pampalipas lang ng oras. Nagtatawanan sila, nagbibiruan, at lalo na…. nagmumurahan.

Sa kasiyahan nilang ito, biglang may nagbukas ng pinto. Ito ay ang nanay ni Macario na may dalang pagkain habang gulat na gulat ng madatnan niya ang mga magkakaibigang naglalaro ng baraha. Agad niya naman sinita ang mga ito dahil mukhang di kaaya-aya ito sa kanyang mata.

“Hoy! Ano bang ginagawa niyo diyan! Ginagawa niyo nang lamay to eh! Kulang nalang maghanda kayo ng juice at biscuit!”

“Ayaw niyo po nun Nanay Merly, prepared?” biro ni Orli.

Binatukan siya bigla ni Aling Merly. “Ay lintian tong bata na to! Gusto mo ikaw ang isunod ko?” 

“Relax Nay. Baka imbes na ako, kayo masunod niyan,” biro pa ni Orli.

“Nay Merly, pakibatukan pa nga po ng malakas si Orli,” sabat naman ni Tommy.

“Bakit naman?” gulat naman ni Orli.

“Naalala mo sinabi ko sa’yo kanina? Kapag di nga nakarating si Macario, babatukan kita?” ngiti ni Tommy.

Nagtawanan sila ng malakas.

“Ang bilis talaga ng panahon no?” sabi ni Raisa kay Tommy habang pinapanood ang mga kaibigan at si Aling Merly na nagbibiruan… na may halong tadyakan. 

“Oo nga eh. Di ko inaasahan na maging ganito ang lahat. Bakit kung saan magkikita na ulit kami ni Macario, nakaratay na siya diyan,” sabi ni Tommy.

Hinaplos ni Raisa ang likod ng asawa. Damang-dama niya ang lungkot nito sa nangyari sa matalik niyang kaibigan.

“Magiging maayos rin ang lahat. Diba, marami na tayong pinagdaanan? Isipin mo nalang na pagsubok ulit to… pagsubok na masosolusyunan rin natin,” sabi ni Raisa.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon