Chapter 15 - Tsinelas

213 10 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Hello! Pagpasensiyahan niyo na kung ngayon-ngayon lang ulit ako nakakapag-update. Masyado na kasing busy dahil nagsisimula narin ang FORMAL CLASSES namin. College na eh, kailangan ko ng magsipag. 

Ngayon, iniimbitahan ko ulit kayo sa BIGGEST TWIST sa kuwentong ito. Asahan niyong simula ng chapter na ito hanggang sa mga susunod pang chapters, puro mga twists at mga secrets revelations na ang mababasa niyo. Kaya kung sinubaybayan niyo ang kuwento na ito sa simula palang, sigurado akong magugulat kayo sa plot twist.

Well, enjoy! Adios!

---------------------------------------------------------------------------------

Nakahiga ngayon si Aling Merly sa sofa at mahimbing na natutulog habang nakaupo naman si Tommy sa upuan katabi ng hinihigaan ni Macario. Napakatahimik ng paligid at tanging mga Beep! Beep! lang ang naririnig ni Tommy galing sa isang makinaryang pinagmumulan ng tubong nakasalpak sa ilong ni Macario.

Malayang pumapasok ang liwanag ng araw mula sa bintana. Malaya ring lumibot ang hangin sa paligid. Puwede ka na ngang matulog dahil sobrang sarap nito sa pakiramdam pero di ito magawa ni Tommy sapagkat walang oras na di nawawala ang paningin niya sa nakaratay na kaibigan.

Lumapit si Tommy kay Macario bitibit ang kanyang upuan. Hinaplos niya ang mga kamay ng kaibigan na nakatago sa ilalim ng kumot. Maya-maya, pinagmasdan niya ang mukha ni Macario. Ngayon niya lang ito nakita ng ganitong kalapit matapos ang ilang taon ng hindi nilang pagkikita. Tanaw na tanaw na niya ngayon sa mukha ng kaibigan ang mga uban nito sa taas ng kanyang noo, pati ang mga naahit na balbas sa ibaba ng baba ng kaibigan.

“Tumatanda ka na nga talaga, Macario,” sabi ni Tommy. “Sa sobrang dami mong iniintindi, maaga ka tuloy nagkaroon ng uban. Ganyan ba talaga kapag active kang tao?” sabi pa ni Tommy na may kasama ng tawa.

“Tamad mo talaga. Gumising ka na nga diyan. Overtime ka na sa pagtulog eh. Di ka parin talaga nagbabago,” tawa pa ni Tommy kay Macario na animo’y gising na ito. “Sige na please...”

Unti-unting nagbabago ang emosyon  ni Tommy. Nasa pagitan na siya ng kalungkutan at kasiyahan. 

At sa gitna ng pagtawa niya, di niya namalayan ang luhang pumatak sa kanyang kanang mata.

“Gumising ka na Macario, please,” ulit pa ni Tommy.

Kinuha ni Tommy ang kamay ni Macario mula sa ilalim ng kumot. Gusto niya kasing sa muling pagdilat ng kaibigan ay ang kamay niya ang una nitong mahahawakan. Pero ng mailabas na niya ang mga ito, agad siyang nagulat sa natuklasan at nakita.

Ang kamay ni Macario ay di na kasing kinis dati noong kabataan pa nito. Imbes, sobra na itong kulubot at may kung ano-ano pang klase ng sugat at hiwa. Punong-puno rin ito ng mga bukol at di maipaliwanag na pasa. Mas nauna na atang tumanda ang kamay nito kesa sa sarili niyang mukha.

Naawa si Tommy sa kaibigan. Di niya lubos maisip kung ano ba ang nangyari rito pagkatapos nilang maggraduate. Pero isang bagay lang ang naintidihan niya pagkatapos nito; na di na nga niya kilala ang kaibigan niya matapos ang pitong taong di nila pagkikita...

☺☺☺

Lunch ngayon. Biyernes. Sabay paring kumain ang tropa kasama parin si Maylin sa canteen. Pero ang kainan na ito ay di naging maganda dahil katabi lang ng mesa nila ay nakaupo sila Joey kasama rin ang mga kaibigan nito habang patuloy na inaasar si Macario.

“Sino, sino. Sinong magnanakaw?” kanta ni Joey. Nagtawanan naman ang mga nakarinig sa kanya maliban lang sa tropa.

Tumigil sa pagkain si Tommy. Nakasara na kasi ang kanyang mga kamao; handa ng manuntok ng pinong-pino sa mukha ng bully na ito.

TropaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon