Chapter 10 - Pekeng Sulat

206 9 4
                                    

Si Tommy ay hindi makatulog kinagabihan pagkatapos niyang matanggap ang sulat. Hindi mawala sa isip niya kung sinong tao— mapalalaki man o babae ang maglalakas loob sulatan siya. Bakit di  nalang sabihin sa kanya ng harapan? Bakit kailangan pang ilagay sa locker niya at hindi pa lagyan ng pangalan kung kanino ito galing? Di kaya, naduduwag lang ang sender na ito? 

Sinamantala ni Tommy ang gabing ito na mag-isip ng mag-isip. Siya nalang naman kasi ang naiwan sa kanilang kuwarto dahil nga may movie marathon ang apat niya pang mga kaibigan sa kuwarto nila Orli. Puwede rin naman siyang mag-puyat dahil Sabado naman bukas. Puwede niyang isipin buong gabi ang misteryong bumabalot sa sulat na ito...

Kinaumagahan, nagising ulit si Tommy at nadatnan niyang tulog parin hanggang sa ngayon si Armand. Mukhang puyat na puyat ito sa movie marathon nila kagabi. Katulad ng mga naunang weekend na ni Tommy, wala na ulit si Macario sa kanyang higaan. Maayos nang nakatabi ang unan at nakatupi ang kumot niya. Tumayo na si Tommy at inayos narin ang higaan. Bumaba narin siya sa canteen para mag-almusal.

Ang kapaligiran sa canteen ay tahimik na tahimik lalo na kapag araw na walang pasok at nagsisiuwian ang mga estudyante sa kanilang pamilya. Wala kasing paepal, bossy at mayabang na estudyanteng naghaharia-harian dito katulad ni Joey at wala ring taong sobrang kulit katulad ni Macario. Di mo nga aakalain na canteen ito kapag wala ang dalawa. Parang sa konklusyon, si Macario at Joey ang puno’t dulo ng ingay sa lugar na ito.

Hanggang ngayon, nasa isip parin ni Tommy ang sulat na nakuha niya kahapon. Napaginipan niya nga ito kagabi na isang pangit na stalker daw nagmula ang sulat. Iniisip niya rin na baka si Amalia na nakilala niya kahapon ang nagbigay  nito. Pero, paano naman nito malalaman kung saan ang locker ni Tommy? Nang maisip niya ito, agad niya itong tinaggal sa kanyang isipan...

“5:00 P.M. ng hapon ang oras at ‘RESTAWRANT’ ang lugar na binanggit niya... dapat di ko makalimutan yun,” paulit-ulit na sabi ni Tommy sa sarili habang naglalakad na pabalik sa kanyang kuwarto. 

Kinuha narin ng binata ang damit niya sa pagligo. Kailangan niya munang magpalamig na kaunti at itigil muna ang pag-iisip tungkol sa sulat. Dumaretso siya agad ng banyo, naghanap ng shower room at naghubad narin ng damit.

“Ano kaya ang masarap iorder pag punta ko doon mamaya? Pero kailangan ko ba talagang mag-order? Paano kung di umorder yung kasama ko? Edi nakakahiya... sige, wag nalang,” sabi pa ni Tommy habang binabanlawan na ang buhok at ang kanyang katawan dahil tapos na siyang maligo.

Nagsuot na ng damit si Tommy. Nakapantalon siya at polo shirt. Balak niya kasi ngayong pumunta ng mall para mag-chill out. Sa sobrang daming nangyayari, kailangan niya munang magrelax.

Alas diyes na ng umaga ng magpaalam si Tommy sa guard para lumabas ng eskuwelahan. Naglakad siyang mag-isa sa napakalawak na kalsada papunta sa sakayan ng jeep di naman kalayuan dito. 

“Lalaki kaya o babae yun? Kung babae, stalker ko nga siguro... pero kung lalaki.... di kaya, bading?”

Nang makarating na siya sa sakayan, agad siyang naghintay ng jeep kasama ang ibang mga pasaherong naghihintay rin. Doon, natatanaw niya ang buhay sa kalsada; mga sasakyang humaharurot sa takbo papunta sa magkabilang direksyon, mga pasaherong kung saan-saan pumapara para makasakay ng taxi, at mga batang palaboy-laboy kung saan-saan. Maya-maya lang, dumating ng jeep. Pasakay pa lang si Tommy nang biglang may nangalabit sa kanya. Napalingon siya bigla rito.

“Kuya, palimos po,” sabi ng isang batang gusgusin, marumi at magulo ang buhok at nakasuot ng sira-sirang damit.

Napahinto si Tommy sa kinatatayuan. Naawa siya ng husto sa bata. Di niya malaman kung anong mga ginawa nito para pabayaan nalang siya ng magulang niyang malimos at mangalabit sa mga taong di niya kilala para manghingi ng kaunting barya. Sa awa, kinuha ni Tommy ang bag niya at kinuha ang kanyang wallet.

TropaWhere stories live. Discover now