Chapter 22 - The Bully's Message

140 9 2
                                    

“You’re one of a kind, Macario,” masayang sabi sa kanila ng principal habang nasa loob ng principal’s office, lunes ng tanghali dahil sa pinatawag sila. Dahil sa wala ng pasok, at simula na ng bakasyon, nakasuot ang tropa ng pang-alis.

“Salamat po, sir,” sabi ni Macario.

“Wag mo na nga akong tawagin sir... diba matagal ko ng sinasabi sa’yo na tito ang itawag mo sa akin dahil para lang naman din kaming magkapatid ng tatay mo?” sabi ng principal. Napangiti naman sila Armad, Orli, Pierre, Tommy at Raisa habang pinakikinggan lang ang pag-uusap ng dalawa.

“Eh sir, este tito, nakakahiya kasi eh. Parang wala naman akong galang diba?” sabi ni Macario.

“Naisip mo pa ngayon ang ‘galang’ ah. Saka mo lang sasaabihin yan matapos ng mga kalokohang ginagawa mo rito sa school?” pabirong sabi ng principal. Mas lalong lumakas ang tawanan ng lahat.

“Alam mo Macario, kung buhay pa sana si Diego, nakita niya sana kung gaano naging kagaling at katalinong tao ang anak niya. Alam kong masayang-masaya siya dahil sobrang lakas ng paninindigan at tapang mo,” sabi ng principal.

“Maraming salamat po tito. Ako nga rin po, namimiss ko si papa eh. Pero lahat naman ng tao namamatay. Magkikita din naman po kami nun balang araw. Wait, wait lang po kayo, darating rin po yun,” sabi ni Macario.

“Wag naman sana ngayon diba?” biro ng principal.

“Di naman po talaga ngayon eh. Siyempre, mauuna kayo bago ako,” sabi naman ni Macario. Agad naman siyang piningot ng principal dahil sa sinabi niya. Tumawa nalang ang tropa habang pinagmamasdan sila.

“Tanong ko lang po principal, bakit niyo nga po pala kami pinatawag ngayon? May nagawa na naman po ba kami?” sabi ni Orli.

“Wala naman. Gusto ko lang talagang tawagin kayo para magpasalamat sa mga ginawa niyong kagandahan sa eskuwelahan na ito,” sabi ng principal.

“Ano po bang kagandahan ang nagawa namin?” tanong pa ni Orli. Hinampas naman siya sa likod ni Armand. Natawa naman ang principal.

“Marami. As in, sobrang rami. Maaring di niyo napapansin pero marami. Kayong mga magkakaibigan kayo, marami mang nainis sa inyo noon, marami man kayong naging kaaway pero di niyo napapansin na matagal ko na kayong pinagmamasdan noon pa. Ang pagkakaibigan niyo ay naging inspirasyon sa iba lalo na sa akin. Sa inyo ko lang kasi nakita ang perpektong pagkakaibigan; nagkakaaway man, nagkakainisan man, sa bandang huli, magkakaibigan parin kayo. Bukod niyan, nakita ko rin kung gaano kayang magsakripisyo ng isa para sa isa at nagtutulungan kayong lahat para makamit ang bagay na gusto niyong makuha,” paliwanag ng principal.

Napangiti ang tropa at mas lalong natuwa sa narinig. Di nila inaasahang manggagaling ang lahat ng mga salitang ito sa pinakamataas na tao sa eskuwelahan.

“Sobra niyo akong napahanga mga bata kayo. Nakakainggit dahil ako, ang tunay kong kaibigan ay sumakabilang buhay na. Masuwerte nga kayo dahil lahat kayo buhay pa ngayon at magkakasama. Kaya ngayon palang, habang maaga ay lubos-lubusin niyo na ang pagkakataon bago pa maging huli ang lahat,” dagdag ng principal.

“Alam niyo bang bayani na kayo sa ginagawa niyo ngayon palang? Lalo na ikaw Macario?”

“Paano niyo naman po nasabi yan?” tanong ni Tommy.

“Bakit kaya di niyo subukang lumabas sa office na ito ngayon palang?” sabi ng principal habang nakangiti.

Nagkatinginan ang tropa sa isa’t-isa. Naghihintayan pa sila kung sino ang magbubukas ng pinto. Di ni alam kung ano ang meron. At nang buksan na nga ni Tommy ang pintuan...

TropaWhere stories live. Discover now