PROLOGUE

472K 6.5K 495
                                    

COPYRIGHT © endorphingirl

(ɔ◔‿◔)ɔ
🌼 WARNING: This is under editing. You'll be reading extensive typos, punctuation, grammar and spelling errors. Do not read the comment, it's a big spoiler! Inedit ko 'to kaya mali ang placement ng comments.

🌼 One more thing, this is not pure action. This is mostly ROMANCE kaya don't expect na every now and then may pagsabog na magaganap. Hehhehe!

🌼 And MINORS, this is a Mild SPG story. Don't read if you dont want your mind to be polluted. Hehehe!

🌼Plagiarism is a Crime. Bitay daw ang hatol. Ibinulong ko kay Tatay Digong, ikakasa na daw bukas 'yan sa Senate Hearing. Heheheh! Kaya HUWAG kayong magnakaw ng idea ng iba! Gumawa kayo ng sa inyo tutal ay pare-pareho tayong lahat na may utak. Hehe!

🌼 Please kung may mali akong terminologies or grammars, please paki drop sa comment section. Okay lang talaga.

💊💊💊💊💊

CRAZY FRIENDS SERIES
presents

◼️◼️◾️◾️◾️▪️▪️▪️▪️▪️◾️◾️◾️◼️◼️
⚜️UNDERCOVER HEART⚜️
◼️◼️◾️◾️◾️▪️▪️▪️▪️▪️◾️◾️◾️◼️◼️

💊Guia, The Passionate Doctor.💊

✨ ✨ 👑 ✨ ✨

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



✨ ✨ 👑 ✨ ✨


Masiglang nag-ayos ng uniporme si Guia at naghanda ng pumasok.
Excited siya dahil iyon ang unang araw ng kanyang pagpasok sa high school! Natanggap kasi siya bilang iskolar sa pinaka prestihiyosong pribadong paaralan sa bayan nila.

Napakahirap ng exam na kanyang kinuha at talagang nasurpresa siya nang makapasa at nakuha pang iskolar. Ang sabi ng kanyang Lola Isay ay sadya raw talagang matalino siya at nagmana sa kanyang ina na cum laude noon.

Nalungkot siya nang maalala ang namayapang ina. Hindi na niya naabutan ito. Namatay umano ang nanay niya matapos siyang ipanganak.
Mataas daw ang blood pressure nito noong ipinagbubuntis siya at isang oras matapos siyang ipanganak ay nag-seizure umano ito at namatay.

Ang kanyang ama ay hindi rin niya nakilala dahil hindi naman daw nito pinanagutan ang kanyang ina noong ipinagbubuntis siya.
Kasalukuyan siyang inaaruga at kinakalinga ng kanyang Lola Isay at ang matanda lamang ang tanging kapamilyang kilala niya.

Ang Lola Isay na niya ang nagpalaki at tumaguyod sa kanya. Wala siyang masabi rito dahil napakabait nito at hindi nagkulang ng pangaral at gabay sa kanya. Kahit salat sila sa pinansiyal, iginagapang pa rin siya nito upang makapagtapos ng pag-aaral. Sa katunayan ay ito ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang pagsusumikap sa pag-aaral.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon