CHAPTER 23

138K 2.7K 82
                                    

Mugto ang mga mata dahil sa kakaiyak, tiningnan ni Guia ang wall clock ng kanyang kwarto.

Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Buwesit kasing lalaking 'yon! himutok niya sa sarili.

Masama pa rin ang loob niya dahil sa sinabi ni Pablo kanina. Na huwag daw  niyang tawirin ang pagitan nila bilang amo at alipin. Napakaliit talaga ng pagtingin nito sa kanya. Kung bakit kasi ito pa ang minahal niya? Wala naman itong ibang dulot sa kanya kundi sama ng loob!

Sa inis ay bumangon siya at nagsuklay ng buhok. Naka manipis na pantulog lamang siya kaya kinuha niya ang kanyang jacket at itinakip sa katawan. Pupunta siyang kusina upang uminom ng gatas para makatulog. Tiyak niyang tulog na si Pablo nang mga oras na 'yon kaya hindi na siya magpapalit.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumungaw sa labas ng kwarto. Madilim ang paligid kaya hindi niya naaaninag ang lalaking natutulog sa sopa. Dahil tahimik naman kaya inisip niyang natutulog na ang lalaki.

Agad siyang lumabas ng kuwarto at isinara ang pinto. Hahakbang na sana siya papuntang kusina nang may magsalita.

"Why are you still awake?"

Muntik na siyang mapalundag nang marinig ang baritonong boses ni Pablo. Biglang bumukas ang ilaw na nanggagaling sa lamp shade sa gilid ng sopang kinahihigaan nito. Malamang ay binuksan nito iyon

Nahigit niya ang hininga nang makita ang madilim na mukha nito habang nakatitig sa kanya.

Nakasandal ito sa sopa, hubad baro, at mukhang tulad niya'y hindi rin makatulog. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Nagsisi tuloy siya at lumabas pa siya kahit naka nighties lang siya. Abot hanggang hita lang niya ang haba n'on.

"K-kuwan...iinom lang ako ng...g-gatas..." kandautal na sagot niya habang nakaiwas pa rin ang tingin dito.

Naramdaman niyang umuga ang sopang kinauupuan nito at bigla itong tumayo. Narinig niya ang mahinang kaluskos nang pagkilos nito habang dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya hanggang sa nararamdaman niya ang presensya nito sa kanyang tabi.

Nanatili siyang nakatayo habang hawak nang mahigpit ang jacket na nakatakip sa dibdib. Kasehodang makita nito ang mga legs niya, huwag lang talaga ang mga cleavage niya.

Naramdaman niya ang paghagod nito ng tingin sa kanyang kabuuan. Pinagpawisan siya sa ginagawa nito. Marahas ang ginawang paghinga nito na tila ba nagpipigil.

"I'm surprised you're wearing a sexy dress," komento nito sa kakaibang tono ng boses. Tila nang-aakit.

Bigla siyang pinanayuan ng balahibo.

"N-nagsusuot naman talaga a-ako pero sa k-kuwarto lang. Huwag mong isiping inaakit kit---"

Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang balikat niya at marahas na pinaharap siya rito. Itinulak pa siya nito sa dingding saka itinukod ang magkabilang kamay sa kanyang gilid. Inilapit nito lalo sa kanya ang katawan hanggang sa magbungo ng pagkalalaki nito ang tiyan niya.

Nasalubong niya ang nang-aakit nitong mga mata. Napalunok siya saka biglang nataranta nang maramdamang tila umuumbok ang pantalon nito. Gusto niyang kumuwala ngunit bakit tila hindi siya makagalaw?

"Don't you know that it's dangerous for you to walk seductively in front of a hungry man like me?" bulong nito sa tenga niya. Nanindig ang mga balahibo niya sa kilabot dahil sa ginawa nito.

"A-akala ko tulog ka n-na. H-hindi na mauulit. P-pakawalan mo na a-ako. A-ayokong isipin mo na n-naman na may gusto ako sa---"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla nitong hinuli ang mga labi niya! Tila uhaw at sabik ito. Hinawakan pa nito ang pisngi niya upang masalubong nito ng mabuti ang mga labi niya.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon