CHAPTER 12

141K 2.5K 87
                                    

Halos mawalan ng ulirat si Guia habang nakasandal sa dingding. Nanginginig ang tuhod niya at buong katawan! Taas baba ang dibdib niya sa lakas ng pintig ng puso niya. Muntik na siyang halikan ng lalaki!Nababaliw na yata ito!

Hindi naman niya pinapalipasan ito ng gutom. Pinapakain naman niya ito ng wasto at masustansya kaya hindi niya lubos maisip kung bakit ito nagkaganoon!

Diyos na mahabagin!

Hindi pa sana siya kikilos kung hindi pa niya nakitang umaapaw na sa kaserolaang sabaw nang niluluto niya. Hindi na tuloy niya alam ang susunod na gagawin.

"Baliw na! Nababaliw na ang lalaking iyon!" kausap niya sa sarili, nanginginig pa rin.

Bigla siyang natigilan nang maalalang hindi siya makakilos nang unti-unting bumababa ang mga labi nito sa mga labi niya.

Hinihintay ba niyang isakatuparan nito ang paghalik sa kanya? Nanghihinayang ba siya at hindi iyon natuloy? Napailing siya.

Nagulat lang siya sa ikinilos nito kaya hindi niya magawang kumilos kanina, iyon lang iyon.

Kinakabahan pa rin siya. May gusto ba sa kanya ang lalaki kaya bigla lang siya nitong gustong halikan?

Imposible! Galit nga siya sa'yo, diba?

O baka siya ang may gusto rito at binibigyan niya ng kulay ang aktwasyon nito kanina? Muli siyang napailing. Hindi siya magkakagusto sa hambog at bastos na lalaki.

Kung sigaw-sigawan at hamakin siya nito ay walang pasubali. Mabuti pa ang jeep, may preno. Ang bibig nito, wala! Mabuti pa ang bulkan, nang-aabiso kapag bubuga na ng lava. Ang bibig nito ay walang pakundangan sa pagbuga ng masasakit na salita.

Minabuti niyang mag concentrate sa pagluluto at iwaksi ang lalaki sa isipan.

-----------------------------------------------------

Parang tangang hindi mapakali si Guia habang kumakain. Ang sabi niya kanina, hindi siya magpapahalatang apektado sa ginawa ng lalaki sa kanya. Ngunit hayon siya, hindi mapakali sa upuan. Kaharap niya ang lalaki sa mesa habang kumakain.

Tahimik lang itong kumakain ngunit nahuhuli naman niyang sumusulyap sa kanya. Nagtataka siya dahil 'di naman ito ganoon dati. Hindi naman ito sumusulyap sa kanya habang kumakain sila. Para ngang wala itong kasama kung kumilos ito. Hindi tuloy siya makakain ng maayos dahil panay ang sulyap nito.

Hindi pa niya sinisita ito sa ginawang pagtangkang paghalik nito. Kung sisitahin naman niya ito, baka bulyawan siya nito at sabihang nag-iilusyon na naman siya. Napabuntong hininga siya, palalampansin na muna niya iyon at baka nabigla lang ito sa nagawa nito.

"You don't like the food?"

Muntik na siyang mahulog sa upuan nang biglang magsalita ito, nabitawan tuloy niya ang kutsara sa gulat. Hindi siya makapagsalita. Hindi naman puno bibig niya.

"Is there something wrong with the food?" ulit nito, kunot noo.

Mabilis na umiling siya. Hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito kaya napayuko siya. Kinuha niya ang manok sa plato at walang pasabing kinagat.

 Kinuha niya ang manok sa plato at walang pasabing kinagat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Then what's with the heavy sigh?" tanong na naman nito.

Nagtatanong ka pa!

Manhid ba ito o sadyang wala itong pakialam? Ang alam niya, sa spine ito tinusukan ng anesthesia dati, hindi sa puso. Kaya walang karapatan ang puso nitong maging manhid sa nararamdaman niya. Hindi ba nito napapansin na hindi siya komportable dahil sa nangyari kaya hindi siya nagsasalita? Gagawa-gawa ito ng awkward na eksena sa pagitan nila tapos magtatanong ito ng ganoon. Parang gago lang.


"Nothing," aniya habang nakayuko pa ring kumakain.

Hindi niya maintindihan kung bakit nako-conscious siya kapag ito ang kaharap. Hindi naman siya ganoon makipag-usap sa ibang tao.

She's an empowered woman. She carried confidence every time she talks to someone. Kailangan niya iyon upang magtiwala ang mga pasyente sa kanya.

"You eat like you want to trade your face with the plate," narinig niyang komento nito.

Bigla niyang naituwid ang pag-upo. Hindi na niya narinig na nag komento pa ito. Mayamaya ay nagligpit na siya para maghugas. Dumeretso na ito sa banyo para magsipilyo.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niyang kaya na nitong maglakad-lakad mag-isa at gumawa ng mga bagay-bagay na hindi na kailangan ang tulong niya.

Napapangiti siya. Medyo umaayos na ang kalagayan nito. Hindi na siguro masyadong masakit ang sugat nito. Tinanggal na rin niya ang mga sutures nito noong isang araw.

Lagpas tatlong linggo na ito mula noong ma-operahan. Natutuwa siya para rito. Mabilis ang recovery nito. Pagdating sa kalusugan nito ay hindi ito nakikipag-argumento sa kanya.

Hindi ito nagko-komento pero alam niyang sinusunod nito ang mga payo niya bilang doktor. Dahil doon ay natutuwa siyang pagsilbihan ito. Sana lang ay gumaling na ito agad, hindi dahil gusto na niyang umalis ito kundi ay dahil nag-aalala talaga siya rito.

Nabura ang ngiti niya nang magtama ang mga mata nila at mahuli siya nitong nakangiti. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya napansing nakalabas na ito ng banyo. Hindi naman ito nagkomento sa pagngiti niya at deretsong nagpunta na sa sala.

Nakahinga siya ng maluwag.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon