CHAPTER 17

129K 2.8K 66
                                    

@KriStesica maraming salamat sa pagsubaybay!!! *bow 3x* ˆc)

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿ 


Nakauwi na ng bahay sina Guia at Pablo ngunit wala silang imikan.

Dumeretso siya sa kusina at nagluto ng almusal samantalang ito ay may kung ano na namang kinakalikot sa laptop niya.

Sinita niya ito minsan tungkol sa laptop niya, ang sabi nito ay binili na raw nito iyon sa kanya at ang bayad ay kasama na sa suweldo niya.

Umalma siya noong una dahil hindi naman niya ibinenta ang laptop dito.
Nauwi sila sa diskusyon at sa huli, siya pa rin ang talo. Kailan ba siya mananalo rito?

At ang laki nga ng isinuweldo nito sa kanya nang matapos ang buwan. Panglimang buwan na suweldo niya iyon sa hospital na pinagtatrabahuan niya.

Mayamaya ay dumaan siya sa sala, nagkunwaring hindi napansin ito at dere-deretsong pumasok sa kuwarto niya.

Namaywang siya habang hinarap ang sarili sa salamin.
Anong ginagawa niya sa kuwarto niya? Wala naman siyang particular na gagawin doon.

Napatingin siya sa labi niyang hinalikan ng lalaki kanina.
Ang labi nitong kay lambot at walang kasing init. Kinilabutan siya sa naalala.

Bigla niyang nahawakan ang mga labi niya. Sa kung anong kadahilanan ay napangiti siya. Kinikilig ba siya? Ang huling beses na kinilig siya ay noong nakita niya 'yong crush niyang resident doctor sa ospital kung saan siya nag-intern.

Ang tagal na pala mula noong huling kinilig siya.
Napahagikhik siya sa hitsura ng lalaki noong nasampal niya. That served him right!

Hindi siya nagsising nasampal niya ito. Paalala iyon na hindi siya dapat hinahalikan nito basta-basta.
Pero nakakahiya mang aminin ay nagustuhan niya ang halik nito.

Hindi pa siya nahahalikan kaya bago sa kanya ang damdaming iyon.
Napakagat labi siya. Iwinaksi niya ang mga walang kuwentang naiisip at nagsimula nang magbihis.

Amoy ulam at kung ano-anong usok na siya. Nagpahid din siya ng kaunting pulbo sa mukha at nagwisik ng cologne sa katawan na hindi naman niya ginagawa dati.

Nagpapaganda ba siya para sa lalaki?
Hindi ba at ay ayaw niyang mahulog ang loob dito dahil masasaktan lang siya?

Bigla siyang napahiya sa sarili. Crush lang siguro.

Oo, tama iyon,Guia. Hanggang crush ka lang. Hindi ka puwedeng magkagusto sa hambog na iyon!

Nagpasiya na siyang lumabas ng kwarto. Nagulat siya nang paglabas niya ay nakasandal na ito sa labas ng kwarto niya at nakapamulsa.

Kumunot ang noo nito nang makita siya. Pinagtaasan lang niya ito ng kilay at nilagpasan.
Narinig niya ang mahinang tawa nito kaya napalingon siya rito.

Kung umakto ito ay parang hindi niya ito nasampal kanina!

"Do you have a crush on me?" sukat ay biglang tanong nito sa kaniya.

Umalis ito sa pagkakasandal at humarap sa kanya habang nakapamulsa, nakapaskil ang nakakalokong ngisi sa mga labi.

Iyong ngising parang may nadiskubre ito na tinatago niya.
Namula ang mukha niya at baka nakahalata ito sa mga kilos niya.
Pero itatanggi niya iyon. Nuncang aaminin niya iyon!

"Ang kapal mo," napapahiyang sagot niya.

"Im sorry?" tila hindi nito narinig ang sinabi niya.

"Ang kapal mo!" naiinis na ulit niya sabay alis papuntang kusina.

Kinuha niya ang maliit na planggana sa ibabaw ng lamesa.

"Why do you smell extraordinarily nice? Did you spray yourself a perfume? You even put powder on your face that contrasted your neck," patuloy na panunudyo nito habang sinusundan siya sa kusina.

Napansin nito ang ginawa niya? Napakaliit na bagay lang ng mga iyon!
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang repleksyon sa maliit na stainless na plangganang hawak niya.

Masyado ngang maputi ang mukha niya, hindi pantay sa leeg!
Nasobrahan yata ang pagpahid niya ng pulbo kanina. Gusto na niyang lumubog sa kahihiyan!

Narinig niyang humalakhak ang lalaki sa likuran niya, napansin siguro nitong nahalata niya ang kanyang katangahan.

Sa inis ay naibato niya rito ang hawak na planggana. Bago pa man tumama rito ang planggana ay maagap na nasalo nito iyon.

Mabilis talaga ito. Hindi lang sa pagkilos, pati na rin sa pagpapahiya sa kanya. Ilang sandali pa'y tumigil na ito sa kakatawa. Nahalata na siguro nitong hindi siya natutuwa.

Tumikhim ito saka sumeryoso nang mapansing hindi na siya nagsasalita. Pahiyang-pahiya siya. Kung alam lang nito kung gaano siya nanliit sa malutong na halakhak nito.
Nararamdaman niyang nangingilid ang mga luha niya sa mga mata.

Naiintindihan niyang mechanism ng katawan ng tao ang pag-iyak kapag masyado na iyong nakakaranas ng emotional stress pero pambihira naman, bakit sa mga oras na iyon pa naglabasan ang mga lintek na mechanisms kung kailan tinutudyo siya ng lalaki!

Mas lalo siyang mapapahiya sa lalaki!
Nataranta siya nang hindi na niya napigilan ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa kanyang mukha.

Naiinis siya at hindi nakikisama ang mga mata niya. Mabilis na pinahid niya ang mga luha at tumalikod. Kumuha na siya ng mga plato at sinimulang ihanda ang mesa.

"Hey..."

Napaigtad siya nang biglang magsalita ito. Hindi man lang niya naramdamang nakalapit na ito sa likuran niya.

"Sorry," narinig niyang mahinang sabi ng lalaki.

Ang lakas ng boses nito kapag galit at nang-aasar pero kapag humingi ng dispensa ay parang bulong lang ng langgam!

Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa paglalagay ng mga kutsara sa ibabaw ng mga plato.
Ang mga traydor na luha niya ay ayaw tumigil sa kakaagos!

Nagulat siya nang bigla siyang hawakan nito sa kamay at iharap dito, ang isang kamay nito ay hinawakan ang baba niya upang mapatingala siya rito. Nagulat siya at malamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya.

"You need to listen to me when I say sorry. It's not my habit to apologize to anyone so you need to listen very carefully," seryosong sabi nito.

Ang hambog na 'to! Sino ka ba, hari ng Inglatera para pakinggan habang nag-ii-speach ng paumanhin?

Ang gaspang talaga ng ugali nito! Iniwas niya ang mukha sa kamay nito.

She was surprised when he suddenly pulled her closer to him and hug her tightly. She cannot move literally. Ang laking tao nito kaya sakop na sakop nito ang buo niyang katawan!

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon