CHAPTER 43

111K 2K 28
                                    

"Dra.Guia!" tawag kay Guia ng isang pamilyar na boses.

Si Dr.Zachary Quiblan. Magkasama sila nito sa Operating Room kanina habang inooperahan ang pasyente nitong may bukol sa tiyan.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan itong tumatakbo papunta sa kaniya. Nasa harapan siya ng elevator habang hinihintay iyong bumukas.

"How's your patient?" tanong niya nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.

"Vitally stable," nakangiting tugon nito. "Where are you heading?"

"Mandarin Tea Garden,"sagot niya.

Gutom na gutom na siya dahil tumagal ng walong oras ang operasyon nila nito. Gusto na niyang lumamon.

"Mind if I join you?"nakangiting tanong nito.

"No problem," payag niya.

Nang bumukas ang elevator ay agad na silang lumulan doon. Nagkukwento ito samantalang siya ay tinitingnan ang cellphone. Namilog ang mga mata niya nang makitang may 50 missed calls si Diego roon. Iniwan kasi niya ang cellphone sa bag kanina habang may operasyon sila.

Kagabi pa niya hindi nakakausap ang nobyo dahil kay Kelly. Pinanindigan niya talaga ang pag-OFF ng kanyang cellphone dahil sa inis dito.

Nang makalapag sa Ground Floor ang elevator ay agad silang umibis ni Dr. Zachary at nagtungo sa lobby. Nagtaka siya nang makitang maraming tao doon.

Tila may artistang dumating dahil nagtitilian ang mga empleyada. Sumiksik sila ni Zachary sa mga tao at naiintrigang tiningnan ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

Nalaglag ang panga niya nang makitang nandoon si Diego habang nagpapa-picture sa mga empleyadang naroon.

Sa gilid nito ay ang mga matataas na opisyal ng ospital nila. Naka-shades ito, naka round neck white shirt habang pinapatungan ng itim na coat, pantalong maong at sneakers. Mukhang bagets na celebrity ito sa ayos. Malayong-malayo sa usual get-up nito sa trial court.

Anong ginagawa ng kumag na'to rito?At may fans club pa,ha!

Bigla siyang nawalan ng balanse nang may tumulak sa kaniyang isang empleyado sa likuran niya. Napahawak tuloy siya sa mga braso ni Dr. Zachary.

"Guia!" tawag ni Diego nang mapadako ang tingin nito sa kaniya.

Agad itong lumapit sa kaniya at kinuha ang kamay niyang nakahawak kay Dr.Zachary. Naaaninag niya sa shades nito na tumitig muna ito sandali sa doktor bago siya inakbayan at iginiya papunta sa kinatatayuan nito kanina. Gusto niya itong pagalitan sa kabastusan nito kay Dr.Zachary ngunit nagtimpi siya.

"Gentlemen, this is my fiancé, Dra.Guia Malinao," pakilala nito sa kaniya sa mga opisyal ng ospital nila.

Nanginginig ang mga kamay niya habang nakikipagkamay sa mga ito. Hindi siya makapaniwalang makakadapuang palad niya ang mga matataas na opisyal ng ospital nila! Ni sa hinagap ay hindi niya lubos maisip iyon.

"Oh,she's working here?" tila nagulat na tanong ng Presidente nila.

"Yes! She's the best surgeon here," proud na sabi ni Diego saka tumingin sa kaniya.

Pilit siyang gumanti ng ngiti sa lalaki pero sa totoo lang ay gusto na niyang sikmuraan ito. Inilagay siya nito sa isang alanganing sitwasyon!

Balak sana niyang pumuwesto sa likuran ng Medical Director niyang nasa dulo matapos makipagkamay sa mga opisyal pero hindi siya pinapakawalan ni Diego.

Mahigpit ang pagkakaakbay nito sa kaniya. Gusto na niyang pumuslit paalis dahil gutom na gutom na siya!

Hindi inaasahang tumunog ng malakas ang tiyan niya. Napadako tuloy ang tingin ng lahat ng mga opisyal sa kaniya, samantalang ang Medical Director nila ay nakangiwing nakatingin sa kaniya.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon