CHAPTER 9

136K 3.1K 118
                                    

"Excuse me," ani Guia.





Winawalisan ni Guia ang ilalim ng sofa. Nakaupo ang lalaki roon at hindi gumagalaw habang may tinitipa sa laptop. Inangat lang nito ang paa pero hindi umaalis. Nakagat na lang niya ang ibabang labi upang pigilan ang inis.

Naglilinis siya ng bahay. Kawawalis at mop lang niya sa kusina kaya nagpasiya siyang magtungo sa sala.

Iisa lang ang kwarto sa bahay na iyon at nakakapagtakang hindi iyon kinuha ng lalaki sa kaniya. Sa sala lang ito natutulog at practically kwarto na nito iyon.

Ang nag-iisang TV niya sa sala ay hindi niya mabuksan dahil laging tulog ito. Kapag gising naman ito ay wala siyang maisip na magandang palabas. Napapabuga na lang siya ng marahas na hangin habang naiisip ang buhay niya. Pinagkaitan na siya nito ng laptop, pati pa TV ay hindi niya mabuksan.






"Did you take your medicines?" kapagkuway tanong niya.




Inaalala niya ang kalusugan nito lalo pa't nagkalagnat ito noong isang araw. Kinuhanan niya ito ng dugo upang ipa-laboratory. Medyo mataas ang bilang ng White Blood Cells nito kaya pinainom niya ito ng antibiotic at gamot sa lagnat. Bumaba naman agad ang temperatura nito kaya nakahinga siya nang maluwag.

Kaya ngayon ay naisipan niyang linisan ang buong bahay at baka masyado na iyong madumi. Kapag kasi madumi ang kapaligiran ay maaaring pamugaran iyon ng iba't ibang klase ng mikrobyo.

Mabilis na sulyap lang ang ibinigay ng lalaki sa kaniya saka tumango, kapagkuway ibinalik nito ang atensyon sa ginagawa.





"Gusto mo bang ipagbalat kita ng prutas? Makakatulong iyon sa mabilisan mong paggaling," sinserong alok niya rito.




Matagal bago ito sumagot. At sana'y di na lang ito sumagot dahil di niya nagustuhan ang sumunod na lumabas sa bibig nito.




"Don't make it obvious that you're impatient to get rid of me," patuyang sabi nito.




Napamaang siya.
Napahawak siya ng mahigpit sa dalang walis at baka mawalan siya ng kontrol sa sarili at ipukpok iyon sa ulo nito. Siya na nga ang nagmamalasakit, pinag-iisipan pa siya ng masama! Kahit magpasalamat ay hindi nito magawa!





"If I want to get rid of you, I should have given you poisons instead of medications, you know," sarkastikong balik niya.




Hindi na niya hinintay na sumagot ito at binahiran na ito ng alis. Gigil na gigil siya sa lalaki. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya makakatagal sa sama ng ugali nito. Hindi na niya tuloy natapos ang pagwawalis sa sala. Tuluyan na siyang nawalan ng gana.

Minabuti niyang kunin na lang sa sampayan sa labas ang mga damit nila. Ilang araw na siyang parang katulong doon. Inisip na lang niya na baka may magandang dahilan ang Diyos at nangyayari sa kaniya ang lahat ng iyon.

Dinala niya ang mga damit sa kusina at doon sinimulang tupiin. Nang matapos sa pagtutupi ay pasimpleng sinilip niya ang lalaki sa sala. Nakahiga ito sa sofa habang nakapikit. Hindi niya sigurado kung natutulog ito o ano.

Minabuti niyang ipagpatuloy ang pagwawalis. Dahan-dahan siyang pumasok sa sala at nagwalis. Napaigtad siya nang magsalita ito.





"Gimme' an orange."



Tiningnan niya ang lalaki. Nakapikit pa rin ito. Nananaginip ba ito? Hindi niya pinansin ito at nagpatuloy sa pagwawalis.




"Gimme' an orange!"




Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon