CHAPTER 16

134K 2.7K 92
                                    

▪▪▪▪▪▪▫▫▫▫▫▫▫▫▪▪▪▪▪▪▫▫▫▫▫▫▫▫▪▪▪▪▪▪▪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▪▪▪▪▪▪▫▫▫▫▫▫▫▫▪▪▪▪▪▪▫▫▫▫▫▫▫▫▪▪▪▪▪▪▪

Gustong sitahin ni Guia si Pablo habang napapansing ang sama ng tingin nito sa mamang sorbeterong binibilhan nila ng ice cream.

Tinanggal nito ang shades at pinagmasdang maiigi ang sorbetero. Naka denim jacket itong bukas ang mga butones habang naka-sando sa loob. Naka denim pants rin ito at rubber shoes. May suot din itong bonnet sa ulo. He looked ruggedly handsome lalo pa at may mahaba-haba ng stubles ito.

Pinili niyang maglakad sa gilidng kalsada kasama ito. Mangilan-ngilan lang ang dumadaang sasakyan dahil masyado pang maaga at walang pasok sa eskuwela.

Alas-sais y media pa kaya hindi masyadong mainit ang araw. Nagulat pa siya at sanay itong kumilos habang naka "disguise". Hindi mapapansin ng kahit sino na nagpapanggap lang ito dahil sa natural na kilos nito. Dalang-dala nito ang suot nito. Kunsabagay ay pulis nga raw ito.

Habang naglalakad ay may nakita silang sorbetero. Bigla siyang natakam saice cream kaya tinawag niya ang mama. Nagtataka naman ito at umagang-umaga, ice cream agad ang gusto niyang kainin. Ang sabi niya ay paborito niya ang ice cream.

Gusto tuloy niyang magsisi at tinawag niya pa ang kawawang sorbetero dahil sa tinging ipinupukol ni Pablo rito. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa sorbetero at medyo naasiwa rin ito sa tingin ni Pablo.

"Mama, iyon pong ube at mango sa akin," aniya sa sorbetero. Pinilit niyang ngumiti ng casual dito. Binalingan niya si Pablo.

"Anong flavor ang gusto mo?"

"I don't like ice cream," masungit na sabi nito habang nakatingin pa rin sasorbetero, nakahalukipkip.

Muli, gusto niyang humingi ng paumanhin sa sorbetero. Hindi naman niya masita ang lalaki at baka ano pa ang masabi nito. Dala-dala pa naman nito ang baril sa likod nito.

Nang matapos ay hinila na niya ang lalaki palayo sa sorbetero. Hindi na niya kinuha ang sukli, suhol na niya iyon dahil baka na "trauma" ito sa sama ng tingin ng lalaki.

"What's wrong with you? He's just an ice cream vendor, for God's sake!" sita niya sa lalaki nang makalayo na sila. Isinuot uli nito ang shades.

"This is your idea of "disguise"!" sarkastikong sabi nito. Nakahalukipkip pa rin ito habang naglalakad, walang kangiti-ngiti.

"Yes, but don't stare people like that otherwise your disguise is useless," aniya habang dinidilaan ang ice cream.

"This is how I stare. .." natigilan ito nang tumingin sa kaniya, "...and please don't lick the goddamn ice cream, Lady!"

Nilunok na muna niya ang ice cream bago nagsalita. "This is how I eat my ice cream."

"Jesus..." bulong nito na narinig naman niya.

Nagpatuloy siya. "As I was saying, don't stare people like that---"

"I know how to look at people and I know what I'm doing. He resembled the criminal I encountered before that's why I studied his face," iritableng paliwanag nito.

"Oh, eh ano namang resulta nang pag-aaral mo sa mukha niya?" aniya habang dinidilaan pa rin ang ice cream.

Matagal bago ito sumagot. "He's not that criminal."

Pumalatak siya kasabay nang pag-iling.

"Kawawang sorbetero, napagbintangan nang wala sa oras."

Hindi na ito kumibo sa pasaring niya. Inubos na niya ang ice cream. Iginiya niya ito sa plaza na malapit sa subdivision nila. Umupo sila sa isang bench. Mangilan-ngilan lang din ang mga tao doon. Mabibilang mo lang sa mga kamay.

Mayamaya ay may naalala siyang itanong. "Bakit nga pala hindi kakumakain ng ice cream? Paborito iyon ng halos lahat ng mga babae."

"I'm not a girl," pilosopong sagot nito at tinanggal ang shades nito.

She rolled her eyes. Pilosopo talaga ang loko. "Kahit lalaki kumakain ng ice cream!"

"I used to but not anymore," matipid na sagot nito.

"Why?" curious na tanong niya.

"It troubles my teeth," itinuro nito ang kanang pisngi nito.

"Patingin nga!"

Aktong sisilipin niya ang bibig nito ngunit iniwas nito ang mukha. Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"You're not a dentist," pamimilosopo na naman nito. Para itong bata na ayaw ipakita ang grades sa nanay nito. Gusto na niyang kurutin ito sa singit. Mayamaya ay tumawa ito ng mahina.

Napatingin siya rito. Lalo itong natawa. Lalaking lalaki ang tunog ng tawa nito.

Ang sarap pakinggan sa tenga.

"What's wrong with you?" sita niya rito.

"Nothing's wrong with me."

"Then why are you laughing?"

"Because there's something's wrong with you," nakangising sabi nito.

Mabilis nitong inilapit ang mukha sa kaniya at bago pa siya nakahuma ay nailapat na nito ang bibig sa gilid ng mga labi niya.

Nanlaki ang mga mata niya. His lips lingered for a while. Hindi niya magawang makakilos.

Hinahalakin siya nito! Malapit sa lips! Biglang nataranta sa pagtibok ang puso niya.

Anong ginagawa ng lalaking ito? Nababaliw na yata at hinahawaan ako!

But she must admit, his lips felt so soft on her skin. It felt so warm and electrifying.

May milyon-milyong kuryente ang biglang nagragasaan sa sistema niya.

Tumitibok pa rin ang puso niya ng mabilis. Mayamaya ay lumayo na ito ngunitisang pulgada lang mula sa mukha niya.

"The ice cream taste so delicious on your skin, Honey," bulong nito at muling idinampi ang mga labi sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon ay sa mismong mga labi na niya. His lips felt so warm and soft. Lalong nayanig ang sistema niya. Nagkukumawala na ang puso niya sa dibdib! How dare him!

Diyos ko po, mamamatay na yata ako! Tumawag kayo ng doktor! Teka, wait! Doktor ka, Guia! Gamutin mo sarili mo!

Mayamaya ay lumayo uli ito sa kaniya. Tumingin ito sa kaniyang mga mata habang nakangisi. Siya naman ay parang tanga, hindi makakilos at nakaawang ang bibig.

Hindi niya alam ang gagawin at nakatitig lang dito. Natatawang hinawakan nito ang baba niya at iginalaw iyon pataas upang maisara ang bibig niya.

Unti-unting tumiim sa huwisyo niya ang ginawa nito. Bigla niyang naigalaw ang kanang kamay at malakas na pinadapo sa pisngi nito. Nagulat ito sa ginawa niya. Naisapo nito ang kamay sa pisngi nitong namumula.

Salubong ang kilay na tumitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa iyon. Ang alam lang niya ay iyon ang tamang gawin sa inakto nito kanina.

Napalunok siya. Mag so-sorry ba siya? Bakit naman? Ito ang may kasalanan ng lahat!

Umuwi silang hindi nagkikibuan. Pumara na siya ng TAXI at sabay silang umuwi. Hindi niya ito pinagkakausap, ni hindi nga niya tinitingnan ito.

Hindi rin naman niya alam ang sasabihin dito. Hindi rin ito kumikibo sa kaniya.

Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa nagawa nito!

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon