CHAPTER 20

128K 2.5K 63
                                    

Kanina pa wala sa mood si Guia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kanina pa wala sa mood si Guia. Nasa hapag sila at kinakain ang dalang pagkain ni Lorraine. Galing pa umano ang recipe na iyon sa France.

Niçoise Salad Quiche daw ang tawag doon. Masarap sana ang pagkain pero ewan ba niya at nawawalan siya ng gana. Kanina pa kasi niya napapansin ang pagfi-flirt ni Pablo kay Lorraine.

Alam niyang maganda ang kaibigan niya, halos lahat ng lalaki ay nahuhumaling dito pero hindi niya inaakalang pati si Pablo ay kasama rin!

Akala niya ay iba ito. Well, akala niya ay hindi agad ito nadadala sa ganda kundi ay sa personalidad.

Hindi sa masama ang ugali ng kaibigan niya, pero dapat kilalanin muna nito ang babae bago makipag-"flirt". Pinaghila pa nito ang kaibigan niya ng silya kanina, akala mo kung sinong gentleman ang kumag.

Nakakasama lang ng loob dahil hindi pa siya pinaghihila nito ng upuan at halos isubo na niya ang pagkain dito noong hindi pa ito nakakagalaw ng maayos.

Ang bilis pa nitong magpakilala sa kaibigan niya samantalang siya ay inabot ng ilang linggo at katakot takot na bulyaw at pang-iinsulto bago pa nito nasabi ang pangalan nito.

At kay bilis rin nitong ngumiti sa kaibigan niya samantalang siya ay kailangan pang magtrabaho ng mabuti at pagsilbihan ito bago masilayan ang ngiti nito.

Naalala tuloy niya ang naganap na halikan nila kanina. Parang nalimutan na nito ang nangyari kung pagbabasehan ang kilos nito ngayon. Kanina pa niya tinitingnan ito pero bahagyang sulyap lang ang ibinibigay nito sa kanya at binubuhos ang lahat ng atensyon kay Lorraine.

Nanlumo siya. Naninikip ang dibdib niya, hindi naman masikip ang bra niya. Hindi niya gustong nakikita itong nakikipag-biruan sa kaibigan niya. Hindi niya nagugustuhan ang pakikipaglapit nito kay Lorraine. Nakakapagtaka ang reaksyon niya.

Then she realized, she's nothing to him. Ano bang ine-expect niya? Na magkakagusto agad ito sa kanya matapos niyang magpahalik dito? She felt so cheap. Feeling niya ay naagrabyado ang damdamin niya. Naisahan siya nito.

Nagulat siya nang may sumiko sa kanya. Si Sophia, katabi niya ito sa hapag.

"What's with the sad face? You don't like the food?" nakataas ang kilay na tanong nito.

Dahil sa sinabi ni Sophia ay nabalin sa kanya ang atensyon nina Pablo at Lorraine.

"No...I mean, it's delicious," kaila niya.

Pinilit niyang ngumiti sa mga ito saka sumubo ng pagkain kahit may laman pa ang bibig niya. Muntik pa siyang mabilaukan. Nalasahan niya ang olive at kamatis sa bibig.

Nasalubong niya ang nagtatakang tingin ni Pablo. Inirapan niya lang ito saka ngumuya.

 Inirapan niya lang ito saka ngumuya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I'm glad you like it, G. I'm gonna bring this here very often," nakangiting sabi ni Lorraine saka binalingan na naman si Pablo. "Do you like it though?" tanong nito sa lalaki.

"Yeah. It's great," mabilis na sagot ng haliparot na lalaki.

Mukha mo! Plastik!

Pinagtaasan niya ng kilay ang lalaki nang magbaling ito ng tingin sa kanya. Ang plastik talaga nito! Dati-rati ay binubulyawan siya nito kapag nagluluto siya ng gulay. Lagi na lang daw niya itong pinapakain ng damo, mukha na daw ito kambing.

Nagdala lang ng salad ang kaibigan niya, may pa "it's great" pa itong nalalaman. Ni hindi nga ito nagpapasalamat sa kanya kapag pinagluluto niya ito.

Lalo siyang nainis ngunit hindi niya ipinahalata. Baka ano pa ang masabi ng lalaki at ng mga kaibigan niya. Bigla siyang may naalala.

"Cancer patient shouldn't be eating fresh foods, you know,"sarkastikong paalala niya sa lalaki.

Pinagdiinan niya ang salitang "cancer" para ipaalala rito ang pagpapanggap nito.

Natutop ni Lorraine ng dalawang kamay ang bibig. "Oh my God, I'm sorry. It didn't cross my mind. I didn't know this food is not allowed for cancer patient!"

Agad namang nag-react si Pablo. "I-it's okay. I'm on remission right now, right, Guia?" tumingin ito sa kanya, nagpapasaklolo.

Pinagtaasan lang niya uli ito ng kilay at nagpatuloy sa pagkain. Nang hindi siya sumasagot ay naramdaman niyang may sumipa sa paa niya sa ilalim ng mesa. Alam niya agad na ang lalaki iyon dahil magkaharap sila sa hapag. Tiningnan niya ito ng masama.

Nakangiti ito sa kanya, halatang pilit. Ang tingin nito ay nagbabanta.

She rolled her eyeballs. "He's in partial remission, but I still forbid you to bring fresh foods for him," aniya kay Lorraine.

"But you can still come here as long as you want. You are very welcome," nakangiting sabi ng lalaki sa mga kaibigan niya, particularly kay Lorraine.

Ang sarap ibato ng plato sa pagmumukha ng lalaki. Parang kani-kanina lang ay ayaw nitong makita ang mga kaibigan niya tapos ngayon ay very much welcome na raw ang mga ito sa bahay niya!

Wala kang paninindigan pagdating sa babae! Marupok ka!

Mas lalong hindi niya dapat ipagkatiwala rito ang puso niya.

-------------

Naghuhugas ng plato si Guia nang lumapit si Pablo sa kanya. Hindi niya ito kinikibo simula noong bumisita ang mga kaibigan niya noong isang araw. Kinakausap lang niya ito kapag may itinatanong ito o kung may kailangan ito.

Hindi rin siya naglalagi sa sala at kusina. Dumediretso siya sa kwarto at doon nagkukulong at nagbabasa ng mga libro niya.

"Why are you behaving like this?" sita nito. Alam niyang nakakahalata na ito.

Hindi siya kumibo. Dalawang araw na niya kasing hindi pinagkakausap ito.

"I don't like your behavior these past few days," patuloy nito sa seryosong boses.

Hindi uli siya sumagot at niligpit ang mga platong hinugasan. Akmang aalis na siya nang hawakan nito ang kanyang braso. Sa gulat niya at lakas nito ay sumubsob siya sa dibdib nito.

Nag-angat siya ng mukha at nasalubong ang mariing titig nito sa kanya. Nang maalala niya ang pakikipaglandian nito sa kaibigan niya ay agad siyang lumayo rito.

Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon siya. Hindi niya alam kung bakit ang bigat-bigat ng loob niya nang makitang gustong-gusto nito ang kaibigan niya.

Dapat ay wala siyang pakialam. Dapat ay nagpapasalamat pa siya at pinayagan na siya nitong dalawin siya ng mga kaibigan niya.

Nang makita niyang ang lapad ng ngisi nito at sumisipol nang makaalis ang mga kaibigan niya ay lalong bumigat ang pakiramdam niya at hindi na ito kinibo. Hindi na nga niya inungkat dito ang nangyaring halikan nila.

Natatakot siya sa magiging tugon nito. Baka sabihin nitong hindi nito sinasadya ang paghalik nito sa kanya at nadala lang ito. Na pinagtitiisan lang siya nito dahil wala itong choice.

Napakagat labi siya, pinipigilan niya ang pagragasa ng emosyon. Kapag naging masyado siyang emotional ay napapa-iyak siya. At iyon ang iniiwasan niya dahil baka maaburido na naman ito sa kanya.

--------------------------------------------------------

AUTHOR'SNOTE (◔◡◔)

Konting dagdag na kaalaman tungkol sa estorya...(feeling Kuya Kim !) ͜ʖ͠)

✎Ang mga cancer patients po na nag-undergone ng chemotherapy ay humihina ang immune system.Hindi po sila pwedeng ma-expose sa ibat-ibang sakit dahil madali silang mahahawa. Kaya sila laging may mask at ipinagbabawal sa kanila ang pagkaing sariwa.(≖︵≖ )

✎Ang Remission po ay ang pagbaba ng sintomas ng sakit na cancer sa isang pasyente. Pwede ring sabihin na medyo hindi na malala ang sakit.

(≖‿‿≖) (≖‿‿≖)

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon