CHAPTER 51

103K 1.8K 20
                                    

Amoy nang ginisang sibuyas at bawang ang tila gumising sa mahimbing na pagkakatulog ni Diego.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid.

Naningkit ang mga mata niya sa liwanag ng araw na tumatagos sa kaniya mula sa bintana.

Kumunot ang kanyang noo nang mapansing wala siya sa sariling kwarto. Napabalikwas siya ng bangon. Mag-isa lang siya sa silid na iyon.

Where the hell am I?

Naihilamos niya ang mga kamay sa mukha, pilit inaalala ang mga nangyari kagabi.
Mga panaka-nakang kaganapan lang ang naaalala niya dahil medyo nahihilo pa siya.

Nagpasiya na siyang tumayo. Namilog ang mga mata niya nang mapagtantong wala siyang ni isang saplot sa katawan.

Nasapo niya ang noo. Agad niyang hinila ang puting kumot sa ibabaw at itinakip sa katawan.

I can sense trouble...

Bigla niyang naalala si Kelly at ang kapangahasan nito kagabi. Iginala niya uli ang tingin sa silid at naghanap ng pwedeng isuot.

May napansin siyang nakatuping mga damit sa maliit na lamesang nasa gilid ng kama.
Agad niyang hinablot ang mga damit nang mapagtantong sa kaniya ang mga iyon.

Mabilis siyang nagbihis pagkatapos ay nagmamadaling lumabas na ng kwarto.

Hinanap ng mga mata niya si Kelly. Nasa kusina ito at may kung anong niluluto. Napatiim-bagang siya.

You told me you cant cook, you witch!

"Kelly!" marahas na tawag niya rito.

Tila hindi naman ito nagulat sa marahas niyang pagtawag at nakangiti pang humarap sa kaniya.

"Oh hi, dear! You're just in time, breakfast is ready!"

Gusto niyang burahin ang ngisi sa mukha nito at pilipitin ito sa leeg. Nagawa na niya dati iyon sa training nila.
Ngayon ay parang gusto na niyang ituloy iyon at totohanin.

Bakit niya ba nakalimutang magaling umarte at mag manipula si Kelly? Sa kanilang tatlo ni Caloy, ito ang eksperto sa pagpapanggap at paghabi ng kwento.

Kelly changed into a better person was the biggest lie he ever believed. She played him and Caloy in her own hands. She was really a hopeless case.
At napakalaki niyang tanga dahil nahulog siya sa bitag nito.

Sana lang ay hindi makarating sa kaalaman ni Guia ang nagyari kundi ay baka hindi niya alam ang magagawa kay Kelly!

Ikamamatay niya kung magba-back out si Guia sa kasal nila.

"You better have a good excuse to this mess or I'll wring your neck, Kelly!" bulyaw niya sa babae.

Lalong kumulo ang dugo niya nang sa halip na matakot ay nakangisi pa rin ito sa sinabi niya.

That fuckin' nerve!

"You wouldn't do that," tila kampanteng sabi nito.

"Dare me, Kelly," nagbabantang sabi niya. Hindi kakikitaan ng ibang emosyon ang mukha niya kundi galit.

Nabura ang ngiti sa mga labi nito at sumeryoso na.

"Stop yammering and just eat the goddamn breakfast,Diegz!"tila nayayamot pang sabi nito.

Aba, sa kabila nang ginawa nito, ito pa ang may ganang magsintir?

"You brat! After what you've done, you still think I'm going to eat your food? Tell me, how many grams of poisons you've sprinkled in that food? Tell me!!!!" sigaw niya.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon