CHAPTER 13

132K 2.7K 130
                                    

       

🎶 "Paggising sa umaga almusal mo ay handa na. Kape mo ay mainit, itlog mo'y nalaga na. Damit mo ay plantsado, ready pang-opisina. May konti ka pang lambing bago ikaw ay lumarga..." 🎶

Feel na feel ni Guia ang pagkanta habang naliligo. Ginawa pa niyang microphone ang tabo habang nag-e-emote. Kunwari'y nasa isang music video siya at itinapat ang mukha sa shower upang magtunog autotune ang boses niya.

Nang magsawa sa kakaibang trip niya'y nagbanlaw na siya ng mabuti saka kumuha ng tuwalya upang tuyuin ang katawan.

Habang nagbibihis ay bigla niyang naalala ang pangra-ransak ni Pablo sa kuwarto niya noong isang araw. Uminit ang mukha niya sa naalala. Ang bastos talaga nito!

Feeling niya ay nabastos ang pagkababae niya sa ginawa nito. Oo, nakatakip siya ng tuwalya noon pero feeling niya talaga ay nasilipan siya nito. Nakita nito ang hindi dapat nakita. Dahil sa naisip ay napakanta uli siya.

🎶"Hindi ako si Darna! Wala akong lakas o kapangyarihan upang hindi masasaktan. Ako ay tao lamang...taong may puso rin at damdamin, marunong masaktan......oh, baby.....yeah.." 🎶

Sa banyo lang niya talaga naibubuhos ang frustration sa tinamaan ng magaling na si Pablo. Nang matapos sa pagkanta ay nagbihis na siya ng pantulog at nagpasiyang lumabas na ng banyo. Napalundag siya sa gulat nang mamataan ang lalaki sa loob ng kwarto niya, prenteng nakaupo sa gilid ng kama at naka de-kwatro pa.

Ngalingaling ibato niya rito ang hawak na pinaghubarang damit. Mabuti pala at nagbihis na siya sa banyo dahil 'pag nagkataon, mawawalan na talaga siya ng dangal!

"Ano na namang ginagawa mo rito?" asik niya sa lalaki.

Tila naiinip na tumayo ito at nag-unat bago lumapit sa kanya.

"Why do you take an hour to take a bath?" himutok nito.

Aba, pati pa oras nang pagligo ko, issue sa kanya!

"Can you please get out of my room, Pablo? Give me some privacy!" masungit na taboy niya rito saka inilgay ang mga damit sa isang basinet.

Hindi ito tumalima bagkus ay inunat-unat ang ulo. Nagtungo uli ito sa kama niya at umupo. Namilog ang mga mata niya nang hubarin nito ang t-shirt na suot saka humiga sa kanyang kama.

Anong ginagawa nito? Bakit ito naghubad at humiga sa kama niya? Baka kung ano na namang gawin nito sa kanya! Baka tuluyan na siyang gahasain nito! Mabilis siyang lumapit dito at hinila ang braso nito para tumayo.

"T-tumayo ka! Bawal kang mahiga sa kama ko!"

Marahas na binawi nito sa kanya ang braso.
"Says who?" inis na tanong nito.

"Says me!" pinanlakihan niya ito ng mga mata.

Umismid lang ito sa sinabi niya.
"Who do you think you are? You're not even Darna," tudyo nito. Halatang-halata na nagpipigil itong mapangiti sa nasabi.

Biglang nag-init ang mukha niya. Nakikinig ito sa pagkanta niya kanina? Sintunado pa naman siya! Nahiling niyang sana lamunin na siya ng lupa sa hiya. Emote na emote pa naman siya sa pagkanta kanina.

Mayamaya ay nagsalita ito. "Give me a massage. C'mon, hurry up."

"What?" natutulirong tanong niya, di pa nakakabawi sa pagkakapahiya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"What?" natutulirong tanong niya, di pa nakakabawi sa pagkakapahiya .

"What the---your voice is just like your ears, dysfunctional! What an incompetent employee! I should have screened you first before hiring!" tila dismayadong sabi nito saka pumalatak.

Gusto na niyang kunin ang tsinelas at ipupok sa ulo nito. Kung naiiba lang ang sitwasyon niya, kahit mag-offer pa ito ng isang milyon ay hinding-hindi siya mag-aaply na alalay nito! Matutuyuan siya ng dugo sa lalaki!

"What are you waiting for? Get the damn oil and massage me!" tila naiinip pang utos nito.

Nagkukutkot ang loob na tumalima siya. Kinuha niya ang sunflower oil sa aparador saka bumalik uli sa kama.

Nahuli niya ang ngisi nito bago dumapa at isinubsob ang mukha sa unan. Lalong nagkutkot ang loob niya. Binuksan na niya ang lalagyan ng oil saka nagbuhos ng ilang patak sa palad.

"Make it gentle," pahabol nito.

Gentle 'yang mukha mo! Dapat sa'yo, hard! Kasing hard ng puso mo! Bato!

Bigla siyang kinabahan nang mapagmasdan ang malapad na likod at mga naglalakihang muscles sa mga braso nito. Napalunok siya. Ang macho talaga ng loko.

Tumayo siya sa gilid ng kama at yumuko dito. Nangangatal siya habang dahan-dahang inilalapat sa balat nito ang oil. Sanay siyang humiwa ng katawan, hindi magmasahe. Sa katunayan ay first time niyang magmasahe.

"Oh, yeah. Move it deeper, honey."

Nanindig ang mga balahibo niya sa  inusal nito.

Diyos ko! Napaka-eskandaloso ng bibig niya!

Dahan-dahan niyang pinalakbay ang mga palad sa scapular area nito. Naglagay siya ng light pressure sa kamay bago paikot na itinaas at baba iyon. Efflurage massage ang tawag sa technique na iyon.

Umungol ito. "Oh, it feels good, honey..mmm..."

Diyos ko,Lord,patahimikin n'yo po siya!

Gusto na niyang pasukan ng tuwalya ang bibig nito dahil sa pinagsasasabi nito. Kung makaungol ito ay parang niroromansa niya!

Pina-arko niya ang palad at mahinang pinukpok-pukpok ang balat nito sa likod. Tapotement ang tawag sa istilong iyon ng pagmamasahe. Maganda iyon sa katawan, lalo na sa mga bagong opera.

Umungol na naman ito. "Oh, God, I freakin' love it, honey! Give me more..."

Pinagpawisan na siya ng malagkit hindi dahil sa masahe kundi sa mga ungol nito. Nagpasiya na siyang itigil ang ginagawa at humalukipkip.

"That's enough. Get out now," pagtataboy niya.

Ikiniling nito ang ulo sa dako niya.

"One more..." nakangising sabi nito.

Kinilabutan siya sa ngisi nito.
"H-hindi na! P-pagod na ako!" pagdadahilan niya.

"Please..." nakangisi pa ring sabi nito, hindi mukhang nakikiusap.

Nararamdaman niyang pulang-pula na ang mukha niya.
"N-no! Get out!" giit niya, itinuro pa ang pinto.

Nagulat siya nang bigla nitong hilahin ang kamay niya kasabay ang pagtihaya nito sa kama.

"Ay, kabayong manyak!" napasigaw siya nang matumba sa dibdib nito.

Napamulagat siya nang kamuntik nang bumagsak ang ulo niya sa ulo nito. Kung nagkataon ay nahalikan niya ito!

Nanunudyo ang ngising ibinigay nito sa kanya habang isang dangkal lang ang layo ng mukha nila. Nakatitig ito sa mga mata niya. Pinamulahan siya ng mukha.

Nahigit niya ang hininga nang hawakan nito ang mukha niya. Mabilis siyang kumuwala rito at tumayo. Kinilabutan siya. Walang pasabing hinila niya ng malakas ang paa nitong nakalaylay sa gilid ng kama para umalis ito sa pagkakahiga.

Hindi niya alam kung bakit bigla niyang naisipang gawin iyon. Nalaglag ito sa kama at tumama ang ulo sa sahig.

"Fuck!" malutong na mura nito habang sapo ang ulo.

Bigla siyang nagsisi sa nagawa ngunit mas pinili niyang balewalain ito. Mabilis na sumampa siya sa kama at nagtalukbong ng kumot.

"Crazy witch! I'll get even some other time!" narinig niyang banta nito sa kaniya. Napalunok siya sa sinabi nito.

Diyos ko, ano kayang "get even" iyon?

Mayamaya ay naramdaman niyang tumayo na ito mula sa sahig saka marahas na lumabas ng pinto.

Nakahinga siya ng maluwag.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon