CHAPTER 2

178K 4.7K 260
                                    

Malalim ang iniisip ni Guia habang lulan siya ng taxi pauwi ng kanyang bahay. Kagagaling lang niya ng ospital. Nagpaalam siya sa mga kaibigan niyang babalik sa ospital pagkatapos nilang mag-usap ng head nurse tungkol sa pasyenteng tumakas.

Napag-alaman niyang dumaan ang lalaking pasyente sa bintana ng kuwarto nito ayon na rin sa salaysay ng mga pulis. Mukhang sanay na sanay itong gawin iyon sapagkat nakatakas ito sa kabila ng sugat nito at taas ng gusali ng hospital na kinakailangan nitong daanan kahit malaki itong tao.

Matinik ang lalaki, ayon pa sa mga pulis. Palaisipan pa rin kung sino ang lalaki at bakit ito may tama ng baril.
Hindi raw nakakasigurado ang mga pulis kung kriminal ito dahil wala naman daw ang mukha nito sa litrato ng mga wanted sa NBI. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon.


"Hindi siya kriminal!" natutuwang bulalas niyang mag-isa.


Gulat na napalingon sa kanya ang driver ng taxi nang marinig na nagsalita siyang mag/isa. Napapahiyang nag-iwas siya ng tingin sa driver.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang munting tuwa sa sa kanyang kalooban. Hindi naman niya ka ano-ano ang lalaki ngunit alalang-aalala siya rito.

Siguro ay dahil maselan pa ang kondisyon ng lalaking 'yon. Maaaring bumuka ang tahi nito dahil hindi pa lumilipas ang bente-kwatro oras magmula nang maoperahan. Baka sa mga oras na iyon ay sumasakit na ang sugat nito dahil unti-unti nang nawawala ang bisa ng anesthesia.

Nang makarating sa kanyang bahay ay agad siyang umibis ng taxi at nagbayad. Maliit lang ang bahay niya, bungalow type.

Bahay at lupa iyon nang bilhin niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bahay at lupa iyon nang bilhin niya. Nasa ibang bansa na raw ang may-ari ng bahay at ipinagbibili na ang mga ari-arian. Sinunggaban agad niya ang offer na Two Hundred Thousand pesos sa bahay, kasama na ang rin ang lupa doon. Saan siya makakakita nang ganoon kamurang bahay at lupa sa panahon ngayon?

Mag-isa lang siyang naninirahan doon. Akmang bubuksan na niya ang gate gamit ang kanyang susi nang mapansing nawawala ang padlock. Bukas rin iyon at medyo nakaawang. Natigilan siya. Biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid kung may ibang tao ba roon.

Wala.

Nasa dulo ng kalsada ang bahay niya at malayo sa mga kapitbahay! Bigla tuloy siyang nagsisi at hindi niya pinakinggan ang payo ng mga kaibigan niyang huwag kunin ang bahay na iyon. Paano kung ninanakawan siya at nasa loob pa ng bahay ang magnanakaw? Walang makakatulong sa kaniya!

Dali-dali siyang pumasok at lumapit sa may pintuan saka inilapat ang tenga doon. Pinakiramdaman niya kung may tao sa loob. Wala siyang naririnig. Pinihit niya ang seradura, naka-lock pa rin iyon.
Nakahinga siya nang maluwag.

Eksaherada ka lang talagang mag-isip, Guia!

Baka nakalimutan lang niyang i-lock ang gate kanina. Inalis niya ang kaba sa dibdib at binuksan na ang pinto gamit ang kanyang susi. Agad siyang pumasok sa loob.
Binuksan niya ang ilaw sa sala at agad siyang sumalampak sa kaniyang sofa.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon