PROLOGUE (Cont...)

208K 2.8K 201
                                    

"Alam mo ba kung saan ang office ng directress natin?" tanong ni Guia kay Ian.


Recess na. Balak sana niyang ihatid na ang mga kakanin at tocino na dala niya sa directress nilang madre.


"Oo, sa likuran ng library. Samahan na kita kung gusto mo," presenta nito.


Natuwa siya sa sinabi nito. Mas maagi nang may kasama siya para hindi siya maligaw. Nagsimula na silang gumayak para umalis, isinama na rin nila si Resha.

Tinatahak nila ang corridor papuntang Office of the Directress nang bigla silang may narinig na nag-aaway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tinatahak nila ang corridor papuntang Office of the Directress nang bigla silang may narinig na nag-aaway.

Hinila agad sila ni Ian papunta sa lugar kung nasaan ang nag-aaway. Napunta sila sa likod ng isang Band House. Medyo maraming punong naroon at mukhang walang mga estudyanteng nagtutungo.

Nagulat siya nang makita kung sino ang gumagawa ng kaguluhan, ang dalawang Queencats na sina Sophia at Lorraine at ang estudyanteng babaeng nakabunggo sa kanya kanina!

Hindi niya makakalimutan ang hitsura nito pati na rin ang mahahabang kulot nitong buhok! Ang dungis nito at may hawak pa itong maliit na kuting. Nagtago silang tatlo sa isang sulok.



"Allowed ba ang pets sa campus?" bulong niya kay Ian. Nagulat siya at kinukunan nito ng litrato ang paghaharap ng tatlo. Daig pa nito ang paparazzi!



Umiling ito. "Nope, it's in our handbook that pets are not allowed in the school. But that girl..." turo nito sa babaeng kulot. "...is the most antisocial girl here. Numero unong trouble maker at rule breaker 'yan. Her name is Sidney---uh, I forgot her surname. I'm not interested sa kanya kasi."




"Hindi ba dapat hindi tayo nakikinig sa away ng may away? Baka magalit sa atin ang Queencats. Hindi ba sabi mo huwag natin silang kantihin?" singit ni Resha.



Napatingin tuloy siya rito, pagkatapos ay kay Ian.

Napangiwi naman si Ian.
"Just this time lang kasi I'm gonna make a blind item about this in our School Mag," kamot ulong sabi nito.



May blind item pala ang school magazine? Ano 'yon, tabloid?
Sabay silang tatlo napalundag sa gulat nang may sumigaw sa mga nag-aaway.



"Sinong nagsabi sa inyong galawin ninyo si Cherapi?" galit na sigaw ng babaeng nagngangalang Sidney sa mga Queencats.



"Yuck, you are so totally cheap! Giving an ugly name like Cherapi to your cat is absolutely disgusting! Like it's so so baduy kaya! Like eww! Good thing that your cat didn't scratch your noodle head!" pang-aasar dito ni Lorraine. Nakapamaywang pa ito.



Nagtawanan ito at si Sophia samantalang si Sidney ay patuloy na nagngingitngit sa dalawa.
Napangiwi siya sa babaw ng pinag-aawayan ng mga ito.

Ganyan ba talaga ang mga mayayaman? Palibhasa wala silang problema sa pera kaya pusa na lang ang pinagdidiskitahan nila.


"Ikaw ang mukhang cheap! Lahat kayo, cheap! Nananahimik ang pusa ko sa likuran, ginugulo ninyo! Kayo kaya guluhin ko? Palibhasa mga unggoy ang pagmumukha kaya mga balahura! Masahol pa kayo sa mga hayop!" galit na singhal ni Sidney sa dalawa.



Kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha ni Lorraine sa tinuran ni Sidney.



"Okay, that's it! I'm gonna tell Sister Fe that you brought your dirty cat here. You're gonna be sorry and they'll gonna call your dad to come to the office and they're going to beat your poor ass!" patuloy na pang-aasar ni Lorraine.



Ibinaba ni Sidney and pusa nito at biglang sinugod si Lorraine. Sinuntok nito ang babae sa panga at sinikmuraan. Napanganga siya sa nasaksihan.

Mukhang nagulat din ang isa pang Queencat na si Sophia at ginantihan si Sidney. Hinila nito ang buhok ng huli.
"You bitch!"


Blind item...sapakan...bitch----Diyos ko po, ganito ba talaga ang high school?

Hindi na niya natiis ang mga nagaganap kaya walang pasabing tinakbo niya ang mga ito para awatin.

Si Ian naman ay hindi siya nagawang pigilan, walang nagawa ito kundi ay sumunod sa kanya kasama si Resha.

Nagsasabunutan na sina Sophia at Sidney nang maabutan niya. Hinawakan niya ang baywang ni Sophia upang ilayo kay Sidney samantalang si Ian at Resha ay pinagtulungang pigilan ang mga braso ng huli.

Si Lorraine ay namilipit na sa sakit sa damuhan.

"What's the meaning of this?"

Sabay silang lahat na napalingon sa nagmamay-ari ng boses na iyon.

Sister Fe! Ang directress nila! Nakapamaywang ito habang hindi mai-drawing ang mukhang nakatingin sa kanila. Nakikinita na niya ang mangyayari sa kanilang anim.

------------------

AUTHOR'S NOTE

:) Sa bawat story ng CRAZY FRIENDS SERIES, magkaka-konek ang PROLOGUE. Doon n'yo lang malalaman kung paano sila naging magkaibigan. So hindi ninyo mababasa rito ang karugtong nito dahil sa ibang stories ko na naman iyon.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon