CHAPTER 33

114K 2.1K 120
                                    

Parang tinadyakan sa dibdib si Diego habang nakikitang unti-unting bumabagsak ang katawan ni Guia sa carpeted na sahig ng VIP suite. Nagtalsikan pa ang mga  dugo nito sa sapatos niya.

Binaril ni Enrique si Guia!

Parang tumigil ang inog ng mundo niya habang pinapanood ang walang malay na katawan ni Guia. Namanhid ang kanyang buong katawan, daig pa niya ang binaril sa sakit nang makitang kinakapos ng hininga ang babae.

Agad na nagragasa ang galit sa sa dibdib niya at sinugod si Enrique. Mukhang hindi nito inaasahan ang pagsugod niya dahil hindi man lang ito nakahuma. Sinamantala niya iyon at sinunggaban ito. Sa bilis ng kilos niya ay naagaw agad niya ang baril dito at pinutok mismo sa ulo nito. Duguang bumulagta ito sa sahig.

Hindi pa siya nakontento, kahit sa tingin niya ay patay na ang lalaki, pinagsusuntok niya pa rin ito hanggang sa maglabasan na ang dugo nito sa bibig at ilong. Nagdidilim na ang paningin niya.

Narinig niya ang malakas na hiyaw ni Mr. Cheng sa gilid ng kwarto. Kanina pa siya naiirita rito at kahit ilang ulit na niyang sinigawan itong tumakas na, nakayukyuk pa rin ito sa sulok at parang batang nanginginig sa takot.

Tila tinurukan siya ng sandamukal na anesthesia dahil biglang nawala ang kaniyang pakiramdam. Nilamon na siya ng galit. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid at ang tanging nasa isipan niya ay ang ipaghiganti si Guia!

Nakarinig siya ng nagmamadaling yabag ng mga sapatos sa labas. Mabilis niyang nahablot ang baril na hawak kanina at itinutok iyon sa paparating. Agad naman niyang ibinaba nang makitang ang kaibigan iyon ni Guia. Si Sidney.

Natutop nito ang bibig nang makita ang walang malay na katawan ni Guia sa sahig. Agad na nilapitan nito ang kaibigan habang umiiyak. Natigil siya sa pagsuntok kay Enrique, na sa mga oras na iyon ay sabog na sabog na ang mukha sa pasa.

Hindi siya makagalaw at nakatulala lang habang pinagmamasdan si Sidney na inaakay sa mga bisig ang walang malay na si Guia. Naninikip ang dibdib niya. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit, tila hindi siya makahinga.


"What the hell are you waiting for? Let's bring her to the hospital!" sigaw nito sa kaniya.


Tila doon lang siya nagising at binalikan ng huwisyo nang marinig ang sinabi nito. Mabilis pa sa alas kwatrong kinarga niya si Guia at tumakbo palabas.

Wala na siyang pakialam kay Mr

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wala na siyang pakialam kay Mr. Cheng.

Tapos na ang operasyon nila dahil wala na ang p*tang inang si Enrique! Sa totoo lang ay wala na siyang pakialam sa operasyon nila. Ang mahalaga sa kaniya sa mga oras na iyon ay ang buhay ni Guia.

Hindi niya matingnan ang mga mata nitong nakapikit. Bigla siyang natakot at baka hindi na nito maibuka pa iyon kailanman. Natatakot siyang baka hindi na niya makita pa ang mga ngiti nito at ang walang pakundangang pagtataray nito. Nahihirapan siyang tanggapin na baka hindi na niya ito makita pa habang buhay.

"Kasalanan mong lahat ito,Diego! Pinahamak mo ang kaibigan ko!" sikmat ni Sidney sa kaniya. Hindi niya pinansin ito.

"God, save her..." nausal niya bigla.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakausal ng panalangin habang tinatahak ang hagdanan pababa ng hotel.

God must have hated him for not believing Him for so long. He had slaughtered and killed people more than anyone can imagine. Parang gusto niyang makipag-bargain sa Diyos. Buhayin lang nito si Guia, magbabagong buhay na siya ng tuluyan.

Huwag naman sanang si Guia ang kapalit sa lahat ng mga kasalanan niya. He had learn to love her already. He just realized and accepted it in his arrogant mind.

Mayabang siya. Ang akala niya ay hinding-hindi siya magkakagusto sa isang katulad lang nito. Nagkamali siya. Isa siyang malaking gago. Sino ba siya para sabihing hindi ito ang babaeng nararapat sa kaniya? Ang totoo ay siya ang lalaking hindi nararapat dito. Estupido siya at malakas ang bilib sa sarili. Hindi siya bagay sa isang mabait at inosenteng katulad ni Guia.

Ganoon pa man, mahal na mahal niya ang babae. Gagawin niya ang lahat para dito. He hoped it's not yet too late.

Nang makarating sa parking lot ay namataan niya si Caloy at sinenyasang lumapit. Pumasok agad siya sa kanyang sasakyan kasunod ang kaibigan ni Guia.

Gulat na gulat si Caloy sa ayos niya pero mukhang nakakaintinding pumasok na rin ito sa sasakyan at pinaandar iyon. Umupo siya sa passenger's seat habang karga si Guia. Pinaharurot agad ni Caloy ang sasakyan.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa hospital. Pamilyar sa kaniya ang mga nagaganap. Deja vu ika nga.  Sinasalubong din siya ng mga doctor at nurses noon, iyon nga lang ay si Guia ang sinasakay ng mga ito sa stetcher ngayon at hindi siya.

Nanlalambot siya habang tinitingnan si Guia na tinutusukan ng kung ano-ano sa katawan at sinusuri ng mga mangagamot. He felt numb. Nakita niya ang isang nurse na may ina-anunsyo sa tapat ng paging system.


"CODE BLUE TEAM in ER now. Trauma case. Nurse Tricia speaking," rinig niyang sabi ng nurse.


Code blue? Wala siya masyadong alam sa mga technicalities ng hospital pero alam niyang sa mga 50-50 cases o iyong mga nag-aagaw buhay ang code blue. Lalo siyang kinabahan.

May isang nurse na lumapit sa kanila ni Sidney at pinakiusapan silang umalis ng silid. They went out without saying a word. The medical teams were doing CPR the last time he saw Guia on the bed before the nurse closed the door.

He had no idea what is going on inside anymore. Napaupo siya sa isang bench na nakita sa gilid ng silid. Naitukod niya ang mga siko sa tuhod at nasapo ang ulo. This is the biggest headache and heartache he had ever experienced in his entire existence. He uttered a silent prayer.

 He uttered a silent prayer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

----

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon