CHAPTER 27

128K 2.9K 61
                                    

"I'm sorry. Don't cry, please," seryosong saad ni Diego kay Guia. Paulit-ulit bumuntong hininga ang lalaki habang siya'y hindi na magkamayaw ang mga luha sa pag-agos.

Hindi niya alam kung galit ito o ano. Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Napahagulhol na siya.

Sira-ulo  ka! Alam mong may gusto ako sa' yo pero dinala mo ako rito para  masaksihan lang ang paghahalikan ninyo! Sige, saktan mo pa akong herodes  ka! Budburan mo pa ng alcohol ang sugatang puso ko!

Gustong-gusto na niyang kalmutin ang pagmumukha nito sa galit at paninibugho.
Ilang  minuto rin silang nakatayo roon habang yakap siya nito mula sa likuran. 

Hindi sila nagsasalitang dalawa hanggang sa tumigil ang mga luha niya  sa pagtulo. Napasinghot siya. Nilunok na niya lahat ang mga nakabara  sa lalamunan niya. Pinunasan niya uli ang kanyang mga luha at sipon.

"Y-you don't have to say sorry. She is right, I'm not your girlfriend," sa wakas ay naisagot niya.

Natagpuan na rin niya ang kanyang mailap na boses. Hindi ito kumibo at patuloy pa rin siyang niyayakap.

"Bitiwan  mo na ako. Bumalik ka na kay Kelly at baka magselos iyon," kunway  mungkahi niya rito pero sa loob ay nagnanaknak na ang puso niya.

Tinangka niyang kalasin ang mga braso nitong nakapulupot sa kaniya pero hindi ito tumitinag.

Lalong humigpit ang yakap nito.

Napagtanto niyang kapag itinataboy niya ito ay lalo itong nagpupumilit hawakan o yakapin siya.

"Don't push me away," bulong nito malapit sa kanyang tenga.

Biglang  nagtayuan ang mga balahibo niya. Nakapatong ang baba nito sa balikat  niya at nakadikit sa kanyang leeg ang mga labi nito. Nararamdaman niya  ang init ng hininga nito sa kanyang balat.

Utos ang sinabi nito  pero hindi niya alam kung bakit hindi siya nainis. Mataas na yata ang tolerance ng puso niya sa sakit.

Naramdaman  siguro nitong kumalma siya kaya iniharap siya nito. Inilapat nito ang  mga kamay sa mukha niya at pinunasan ang kanyang mga luha.

He was so near but she couldn't reach him. Hindi niya kayang abutin ito, iyon ang mapait na katotohanan.

"She's not my girlfriend. I don't have any girlfriend or even a wife," seryosong paliwanag nito.

Hindi man lang siya napakalma nang sinabi nito.

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa lahat nang sinasabi mo sa akin kasi ni isa doon, wala namang totoo," mariing tugon niya.

Nang hindi ito kumibo ay nagpatuloy siya.

"At wala akong pakialam kung makikipaghalikan ka sa ibang babae. Hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin."

Kumunot ang noo nito, animo'y hindi makapaniwala sa sinasabi niya.

"There is a big discrepancy between your words and action, Lady," kapagkuway sabi nito.

"Anong sinabi m---"

"You're jealous," he firmly said, as if stating a fact.

Bahaw siyang tumawa. "Bakit ako magseselos?" iritableng tanong niya.

"You are guilty of loving me. Don't deny it, I've got evidences. You even surrendered your virginity to m---"

Tinampal niya ang bibig nito.
"Ang kapal ng mukha!" napamulagat na bulalas niya.

Inignora nito ang sinabi niya.

"Kelly and I were not kissing earlier, you have to believe me. She got mad  from what I've told her and started kissing me, that's all," pag-iiba  nito sa usapan.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon