CHAPTER 26

116K 2.2K 46
                                    

Nagtaka si Guia nang maramdamang may manipis na kutson sa papag na hinihigaan niya. Nakatakip rin ang katawan niya sa isang makapal na kumot. Baka inilagay iyon ni Diego kanina habang natutulog siya. Nagpasiya siyang hanapin ang lalaki.

Nakaamoy siya ng masarap na niluluto kaya nagmadali siyang lumabas ng kubo. Gutom na gutom na siya sa totoo lang. Madilim na sa labas pero maliwanag ang buwan kaya naaninag niya ang nilalakaran niya. May mumunti ring mga bumbilya sa bawat sulok ng kubo.

Nakita niya si Caloy na nag-aabang sa iniihaw nitong manok. Nakatitig ito sa apoy kaya hindi nito namalayang paparating siya. Mukhang may malalim na iniisip ito.

"Good evening," bati niya rito. Wari nagising ito sa malalim na iniisip nang makita siya.

Matipid itong ngumiti."Good evening din, Doctora."

Parang matamlay ito. Hindi iyon ang Caloy na naalala niyang mukha kanina.

"Gutom ka na ba? Sandali na lang at maluluto na itong mga manok," anito habang pinapaypayan ng mabilis ang mga inihaw na manok.

Hinanap agad ng mga mata niya si Diego. Iginala niya ang paningin sa paligid ngunit hindi niya makita ang lalaki at iyong babaeng nagngangalang Kelly.

"They're at the back of the hut," imporma nito. Napansin siguro nitong hinahanap niya si Diego.

Ngumiti siya at tinanguan ito. Nagpasiya siyang puntahan si Diego sa likod ng kubo. Nag-umpisa na siyang maglakad nang magsalita uli si Caloy.

"A-are you sure you're going there?" tila nag-aalangang tanong nito.

Bakit naman hindi siya pupunta roon? Tumango siya. Parang may gusto itong sabihin pero nakikita niyang nag-aalangan ito. Lalo tuloy siyang nagtaka sa ikinikilos nito.

"Go ahead," tila napipilitang sabi nito.

Parang may nahihimigan siyang lungkot sa mga boses nito.
Mukhang may problema ito. Nag-away ba ito at si Diego o di kaya'y si Kelly?

Normal lang naman iyon sa mga magkakaibigan. Sila nga ng mga kaibigan niya ay nag-aaway din paminsan-minsan pero nagkakabati rin.

Nagsimula uli siyang maglakad papunta sa likod ng kubo. Ilang sandali pa'y may naririnig siyang nagtatalo. Boses iyon nina Diego at babaeng nagngangalang Kelly. Hindi  masyadong klaro sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Tumigil siya sa paglalakad. Hindi magandang makinig sa pinaguusapan ng iba. Mayamaya ay hindi na niya marinig ang mga boses ng dalawa kaya nagpatuloy siya sa paglapit sa mga ito.

Nang makalapit na siya ng tuluyan ay nagulat siya sa nabungarang eksena.

Naghahalikan sina Kelly at Diego!

Wow! Eksena! Ang sakit-sakit sa mata...mapait na sigaw ng kanyang kalooban.

Parang may malaking kamay ang pumiga sa puso niya. Hindi siya makagalaw at tila natulos ang mga paa sa lupa. Tulalang nakatitig lang siya sa mga ito. Nakapulupot ang mga braso ng babae sa leeg ni Diego habang magkalapat ang mga labi ng dalawa. Umungol si Diego.

Napasighap siya. Mukhang narinig ng mga ito ang singhap niya kaya mabilis kumalas ang mga ito sa isa't-isa.

Napalingon ang mga ito sa kaniya. Gulat na gulat si Diego nang makita siya. Umawang ang bibig nito pagkatapos ay naisuklay ang kamay sa buhok.

Si Kelly naman ay tila hindi nagustuhan ang biglang pagsulpot niya doon.

Sinubukan niyang tanggalin ang nakabara sa kanyang lalamunan.

"I-I'm s-sorry," sa wakas ay nasabi niya.

Mabilis na inihakbang niya ang mga paa paalis doon. Ang bilis ng pintig ng kanyang puso at nanginginig ang kanyang buong katawan sa galit. Nagbabantang bumuhos ang kanyang mga luha.

Akala ba niya'y ibinurol na niya ang puso niya? Bakit nakakaramdam pa rin iyon ng matinding sakit?

Ano bang ginagawa mo rito, Guia?! Sinasaktan ka lang nila!

Nagulat siya nang biglang may pumigil sa braso niya.
Si Diego. Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung paano   pakikiharapan ito sa nasaksihan  kanina. Ang bigat-bigat ng kanyang   pakiramdam. Parang sasabog ang puso niya sa tindi ng nararamdamang   sakit.

"Guia, what you saw was just nothing. I m-mean, we were not kissing!" agad na paliwanag nito.

Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Oo, bagito pa siya sa larangan ng   pag-ibig pero hindi siya boba. Alam niya ang ibig sabihin ng ginawa ng   mga ito kanina. Ginawa na rin naman nila iyon, hindi ba? Ang kaibahan lang ay napakaganda ng Kelly na 'yon kumpara sa kanya!

Anong ginagawa ninyo kanina, nagsisipsipan ng laway? Bwesit ka, ikaw lang ang nagpapasakit sa loob ko ng ganito! gusto sana  niyang ibulyaw 'yon dito ngunit pinili niyang manahimik.

Wala  siyang karapatang magalit dahil wala silang relasyon ng lalaki. May nangyari sa kanila ngunit wala namang label ang kanilang relasyon. Ginawa lang siya nitong parausan. Binawi   niya ang kanyang braso para bitiwan siya nito ngunit mahigpit pa ring   nakahawak ito.

"Stop explaining. She's not even your girlfriend, Diegs!" narinig niyang sabi ni Kelly sa likuran nila.

"Shut up, Kelly!" singhal ni Diego sa babae.

Mukhang hindi nito inasahan ang pagsinghal ni Diego kaya nag walk-out ito.
Ang  talim ng tingin ng babae sa kaniya nang lampasan siya nito.  Inignora niya ito at sinubukang kumawala pa rin kay Diego ngunit lalong   humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.

Unti-unting bumagsak ang mga luha niya. Hindi na niya napigil. Gusto na niyang   pagalitan ang sarili sa sobrang kadramahan. Ipinapahamak siya ng kanyang   sariling emosyon!

Pahiyang-pahiya na siya kaya tumalikod siya at itinaas ang manggas ng kanyang damit upang pahirin ang mga luha.

Nagulat   siya nang biglang yakapin siya ng lalaki mula sa likuran. Nagpumilit siyang kumawala rito ngunit lalong humigpit naman ang pagkakayakap nito.

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon