CHAPTER 53

102K 1.9K 61
                                    

"Count it down,5..4..3..2..1...♪

Swaying room as the music starts...♪"


"Ano 'yon?" nagtatakang tanong ni Resha habang inilalapag sa maliit na mesa niya ang mga basong may laman ng juice na tinempla nito.


Nagkibit balikat siya."Ewan,baka nangangaroling lang," sagot naman ni Guia habang sumisinghot.

Isang lingo na magmula nang masaksihan niya ang nakahubad na katawan nina Diego at Kelly sa unit ng huli.

Mag-iisang linggo na rin siyang umiiyak. Mugtong-mugto na ang mga mata niya at sing pula na ng kamatis ang ilong niya sa kakasinghot.

Nag file na rin siya ng one week leave sa trabaho at tumambay sa bahay ni Sophia ng ilang araw.
Doon siya dumeretso pagkatapos niyang manggaling sa condo ni Kelly.

Alam niya kasing pupuntahan siya ni Diego sa bahay niya at magkukunwari itong walang ginagawang kalokohan sa likod niya.

Hindi niya kayang harapin ito sa kasalukuyang estado niya. Baka mapatay niya pa ito.

Halos hindi na siya makahinga sa sama ng loob. Masakit pala talaga ang heartbreak. Nagdesisyun siyang tuldokan na ang relasyon nila ng lalaki.

Inutusan niya ang bodyguard nito na sabihin iyon sa amo nito at huwag na itong magbantay sa kaniya.
Noong una ay ayaw maniwala nito sa kaniya ngunit napilit niya.

Makailang tawag si Diego sa mga kaibigan niya dahil tuluyan na niyang pinatay ang cellphone.
Hindi naman pinapansin ng mga kaibigan niya ang mga tawag nito. Avid supporters talaga niya ang mga kaibigan.

Matapos ang isang linggong pagtatago sa bahay ni Sophia ay nagbalik na siya sa bahay niya.

Mabuti na lamang at walang Diego na sumulpot doon nang uumuwi siya kanina. Nasaktan siya dahil ang bilis sumuko nito sa panunuyo sa kaniya.

Sadya talagang nabalewala na siya rito magmula nang dumating ang haliparot na si Kelly.



"♪...crazy for you...touch me once and you know it's true...♪" patuloy ng kung sinomang kumakanta sa labas.



Parang pamilyar sa kaniya ang boses na iyon pero inignora lang niya. Wala siyang time para pakinggan ang kumakanta sa labas dahil lunod siya sa sarili niyang problema.


Napatigil naman si Lorraine sa paghagod ng likod niya. "Teka, September pa, may nangangaroling na?"


"Baka 'yan 'yong mga nagsulputang bagong religious group, nanghihingi ng donation," sagot naman ni Sophia.


Nasa kaharap na sofa chair niya ito. Isa ito sa mga nanghinayang at hindi na matutuloy ang kasal nila ni Diego.



"Religious group tapos Crazy for you ang kinakanta? Ano 'yon, nabuwang sa kakahingi ng donasyon?" si Sidney.



Tila hindi nakatiis si Ian atsumilip na sa bintana.
"Oh My Goooooooooooooooddddd!!!!"



Napatingin silang lahat dito nang bigla na lamang itong tumili.


"Girls, sumilip kayo sa labas, dali!"


Mabilis naman silang nagtungo sa may bintana at sumilip. Halos malaglag ang panga niya nang mapagsino ang ngumangawa sa labas.

Oo, ngawa, hindi kanta. Napakasintunado nito kaya tunog ngawa ang kanta nito. Si Diego!

Sa likuran nito ay ang dalawang bodyguards niya. Si Paredes ang tumutugtog ng gitara samantalang si Rodante naman ay may hawak na marakas.

Sinong mag-aakalang ang isa sa pinakamagaling na agent at lawyer ng bansa ay nanghaharana sa harap ng bahay niya ngayon?

Kung hindi lang sila nag-away nito ay kikiligin siya. Kaso mukha itong tanga sa paningin niya ngayon.


"Yuck, ang baduy ni Diego!" komento ni Sidney.


"Anong baduy? Ang sweet nga, eh!" kontra ni Ian dito.



Pinukulan ng matalim na tingin ni Sidney si Ian. "Kanino ka ba kampi, kay Guia o sa luko-lukong 'yan?"


"Siyempre kay Guia! Masama bang kiligin sa kalaban, ha?" nakalabing sabi naman ni Ian.


"Guia, my love, please forgive me!" sigaw ni Diego sa labas ng bahay niya matapos kumanta.



Kinilabutan siya sa ginawa nito.
Nakikita niya sa peripheral vision niya sina Lorraine at Sophia na nasapo ang mga bibig, pinipigilang humagikhik.

Ang ibang mga kaibigan naman niya ay nakaabang lang sa magiging reaksyon niya. Sa inis ay isinara niya lahat ang mga bintana at bumalik sa pagkakasalampak sa sofa.

Hindi kayang pawiin ng sintunadong panghaharana nito ang duguang puso niya.


"Ano,Guia, pauulanan na ba natin ng bala para mag-alisan?" untag sa kaniya ni Sidney.

Hindi siya kumibo.


"As if naman mapupurohan mo 'yang si Diego, eh, bulletproof yata ang balat niyan!" ani Lorraine.


Hindi pa rin siya kumibo.


"Let them rot outside. He deserve that for hurting Guia," sabi uli ni Sidney.



"It's hot outside," tila concern na sabi ni Resha. Tanghaling tapat na kasi.


"Let them burn. They will end up in hell anyway," giit ni Sidney.


Nagtinginan lang ang mga kaibigan niya.


"♪Only you, can make the darkness bright...♪" narinig niyang ngawa na naman ni Diego sa labas.


"Gosh, he's so persistent!  Unbelievable!" napapantastikuhang sabi ni Sophia sabay hagikhik.


Itinakip niya ang dalawang kamay sa magkabilang tenga.

Akala mo madadala mo ako sa pakanta-kanta mo,ha! Manigas ka dyan!

Hindi talaga siya nagpatinag dito.

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon