CHAPTER 14

134K 4.5K 136
                                    

@nicepinkgal Ang babaeng mahal na mahal si Guia at hate na hate c Kelly! Salamat ng marami sa pagsubaybay! *bow 3x*☜(ˆ▿ˆc)

✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿✿

Nais nang matawa ni Diego kay Guia habang hindi ito magkamayaw sa paghahanda ng pagkain. Alas diyes na ng umaga. Kalimitan ay alas cinco pa lang ay gising na ito at naghahanda ng almusal.

Tinanghali ito ng gising. Magulo pa ang buhok nito at naka-pajama pa nang mabungaran siya sa kusina. Umiinom siya ng kape habang nakasandal sa gilid ng lababo at nakamasid lang dito.

Nakita niyang nagtaka ito kung bakit may nakababad ng karne ng manok sa planggana at nakasaing na kanin sa rice cooker. Tumingin ito sa kaniya kapagkuwan.

"Nagsaing ka?" nagtatakang tanong nito.

Tumango lang siya, pinagmamasdan ang mukha nitong presko pa galing sa pagtulog. He must admit she's really pretty.

"S-sorry kung tanghali na ako nagising. Gutom ka na ba?" kapagkuway tanong nito.

Umiling siya. Kinagat na naman nito ang ibabang labi nito. Hindi niya maipaliwanag ang damdaming biglang napupukaw sa kanya sa tuwing nakikita niya ang mannerism nitong iyon.

Was it lust?

Oh, for God's sake, Diego! You are completely out of your mind! piping sabi niya sa sarili.

Kasalanan niya kung bakit tinanghali ito ng gising. Pinagmasahe niya ito ng likod niya nang nagdaang gabi. Sumakit talaga ang katawan niya dahil na rin siguro sa hindi siya sanay nang walang ginagawa. Wala naman itong nagawa kundi i-masahe siya.

He liked her touches and gentle strokes on his body. Siguro dahil doctor ito kaya alam nito ang tamang parte ng katawan niyang dapat nitong masahehin. Bunos na ang kamuntik na niyang paghalik dito.

Hinimas niya ang noo, nagkabukol siya dahil sa ginawa nito kagabi. Imbes na tulungan siyang tanggalin ang pananakit ng katawan, binigyan pa siya nito ng bukol. Nagbanta tuloy siya rito kahit wala naman siyang naisip na igaganti rito.

Kumuha siya ng cup at saucer sa cupboard saka nagtimpla ng kape. Tinawag niya ito at minuwestrang umupo.

"M-magluluto pa ako," dahilan nito, tila takot na takot na dumikit sa kanya.

I must have scared the hell out of her last night.

"Put something in your stomach before doing your chores," pamimilit niya. Inabot niya rito ang isang tasang kapeng tinempla niya.

Nag-aalangang tinaggap nito iyon at nagpasalamat. Siya naman ay inubos na rin ang kape niya.

Pinagmasdan lang niya ito. He liked doing it. Nang sulyapan siya nito at mahuling nakatingin siya rito ay natigilan ito. He grinned at her.

Nakita niyang namula ang mukha nito at deretsong nilagok ang kape

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita niyang namula ang mukha nito at deretsong nilagok ang kape. Ilang sandali lang ay naibuga nito ang nainom. Mukhang napaso ang dila nito sa init.

Doon na siya tuluyang natawa. Umismid lang ito at inirapan siya.

"Go back to your room and fix yourself," natatawang utos niya rito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Go back to your room and fix yourself," natatawang utos niya rito.

"Magluluto pa ako dahil tiyak kong gutom ka na," nakaismid pa ring sabi nito.

"I will cook," presenta niya.

Namilog ang mga mata nito sa sinabi niya.

"Marunong ka?" waring hindi ito makapaniwala.

In States, he didn't have any helper. He lived alone so he cooked alone. Minsan naman ay binibisita siya nina Caloy at Kelly para dalhan ng pagkain. Most of the time ay siya talaga ang nagluluto ng pagkain niya.

Hindi siya sumagot sa tanong nito at nagsimulang lumapit sa lababo upang ihanda ang lulutuin. Nakaawang lang ang bibig nito habang nakatingin sa kanya

Iiling-iling lang siya habang nakangisi. Tiningnan niya ito saka kinindatan. Namula na naman ito.

He decided to give her a break. Masyado na niya itong "inaalila".

Kumunot ang noo niya nang manatili itong nakatayo at nakatingin sa kanya.

"Didn't I tell you to go and take a bath? Leave the cooking to me," ulit niya.

Tiningnan siya nito na animoy diskumpyado.

"Magsabi ka nga ng totoo, kinain mo ba 'yong expired na chocolate sa ref?"

Nakamaang na napatingin siya rito. "What? Why would I eat an expired chocolate?"

"Eh, 'yong tinabi kong Racumin d'yan sa tokador?"

Halos malaglag na ang panga niya sa pinagsasasabi nito. "Why on earth would I eat a rat poison?"

"Malay kong napagkamalan mong raisins ang mga 'yon at kinain!" giit nito.

Binitiwan niya ang hihiwain sanang manok at hinarap ito. "What is wrong with you?"

"Ikaw ang may 'wrong'! Hindi ka naman dating ganyan, bakit ka nagkakaganyan? Anong ipinagkakaganyan mo? Nakakain ka ba ng lason ng ipis o di kaya'y nakalunok ng watusi o naaadik ka ba sa katol na ililalagay ko sa paanan ng sopa mo? Sabihin mo, huwag kang mahiya sa akin! Tutulungan kitang hanapan 'yan ng antidote!" concern na concern na litanya nito.

Hindi na niya napigilang mapabunghalit ng tawa. Magkasalubong lang ang mga kilay nito habang nakamasid sa kanya. Napahawak na siya sa kanyang tiyan dahil sumasakit na iyon sa kakatawa niya.

Nagulat siya ng bigla siyang hampasin nito sa balikat.

"Tingnan mo, nasisiraan ka na! Hindi kita inalagaan para maging baliw! Umayos ka! Umamin ka na kasi sa akin! Anong nakain mo?"

Shit, she's so cute. Since when did I get turned on by a cute woman?

Nakakaaliw itong tingnan sa totoo lang. He couldn't believe he actually see Guia adorably cute while frowning. Sa gigil niya ay inakbayan niya ito saka hinila papalapit sa katawan niya. Awtumatikong kinintilan niya ng masuyong halik ang noo nito. Naramdaman niyang nanigas ito sa ginawa niya.
Agad na kumuwala ito sa kanya at pinandilatan siya ng mga mata.

"One more poisonous word from your mouth and I'll kiss that till it bleeds," nakangiting banta niya rito. Agad naman itong kumaripas ng takbo papasok sa kuwarto nito. Napailing-iling na lang siya at itinuloy ang paghihiwa ng karne.

🌼🌼🌼🌼🌼
Like this chapter? Please hit the VOTE and COMMENT. Thank you!

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon