CHAPTER 62

111K 1.8K 34
                                    

▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪ ▪

Humalakhak uli ang Boss ng mga kidnappers. Kanina pa ito tawa ng tawa kahit hindi naman nakakatawa ang sinabi ni Diego. May sira yata ito sa ulo.

"Good question, Attorney. You see, my real name is Arnulfo Perez Sevilla, the half brother of Cong. Alfredo Sevilla III," pag-amin ng Boss ng mga kidnappers. Kung ganoon ay ipinaghihiganti nito ang kuya nito. Tama nga ang hula ni Kelly.

Tumango-tango lang si Diego sa pag-amin ng Boss ng mga kidnappers. Mukhang hindi pa rin nito sineseryoso ang kausap.

Humakbang ito ng dahan-dahan palapit sa kanila habang nakapamulsa pa rin. Gusto niyang sigawan ito sa kapangahasan nito. Baka mabaril ito sa ginagawa nito!

"Diego, huwag kang lumapit sa amin! May mga baril sila!" sigaw niya.

Ewan ba niya kung tama ba ang pinagsasasabi niya. Hindi naman siguro ito bobo para hindi malamang may mga baril ang mga kidnappers.

Hindi nito pinansin ang pagsigaw niya at patuloy pa rin sa paglapit.

"I'm the one whom you really want,right? Release the ladies and take me instead."

Humalakhak na naman ang Boss ng mga kidnappers. Hindi ba ito namamaos sa kakatawa?

"Hanggang d'yan ka na lang, Atty.de Villa. Akala mo mauuto mo ako sa pa-cool cool mong asta? May utak 'to, Attorney! Kilala kita. Alam kong tuso ka pa sa matsing. Nalaman mo nga ang lugar na ito kahit niligaw ka na namin."

Tumigil naman sa paghakbang si Diego.

"Teka, paano mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" kapagkuway tanong ng Boss ng mga kidnappers.

"It doesn't matter, I'm already here," pabalang na sagot ni Diego.

"Sagutin mo ang tanong ko. Paano mo natunton ang lugar na ito, Attorney?!" pagpupumilit ng Boss ng mga kidnappers. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sagot ni Diego.

Nakita niyang nagpipigil pa rin si Diego. Naggalawan na ang muscles nito sa panga.

"Your call is pre-recorded. Noong unang tumawag ka sa akin, recorded na 'yong tawag mo. Sa San Vicente ka or may inutusan kang tumatawag pero ang mga bihag ay nasa ibang lugar. Kelly's microchip is in Batanggas Coastline pero I doubt kung nandoon rin ang mga bihag. Since alam mong may tracker kami, alam mo rin na may microchip si Kelly. Malamang ay natanggal mo na ang microchip niya bago ka pa man tumawag..."

Napanganga siya habang tiningnan si Kelly. Kagaya ni Diego, kalmante lang din ito. Doon lang niya naalala ang bombang nakakabit sa katawan nito.

"Diego, may bomba si Kelly sa katawan!" sigaw niya uli.

Inignora uli siya ni Diego at nagpatuloy sa pagsasalita. "The last call you made was in the coastline near Olongapo. I followed my instinct and went directly to Olongapo. And here I am..."

Undercover Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon