part5: Brother

16.5K 474 22
                                    

Dedicated to GelliTayao :)

------------

"Wear these.." malamig na sabi niya pagka abot sa akin nang isang malaking paper bag. Napatingin ako sa sa kanya na ngaun ay naglalaro nang Clash of Clan sa cellphone niya. Nakakainis!

"Fuck!" narinig ko pa na napamura siya bigla. Binalik niya ang cellphone niya sa bulsa niya habang iritable ang mukha. Napangiti ako bigla. Buti nga sa kanya! Talagang tinotoo niya ang pang-aalila sa akin. Nakakainis sinunod k; naman siya. Pero pati si Trixie binablackmail din niya kaya naman yung isa abo't ang supporta sa mga pinagagawa sa akin nang pisteng lalake na to.

"Ano tinutunganga mo jan?" iritableng sabi niya. Napasinghap ako bigla dahil sa iritasyon na.

"I told you to change and wear that now." turo niya sa paper bag na hawak ko. Napakasama talaga nang ugali, kaya siguro kahit gwapo walang girlfriend. Eh sino ba naman ang tatagal sa ugali niyang wagas.

Dahan dahan kong binuksan ang paper bag. Nakahinga ako nang maluwag nang nakita ko ang laman. Kanina pa kase ako kinakabahan, akala ko kase gagawin niya na naman akong mascot. Wag kayo mga pips! last time sinama niya ako sa birthday nang pamangkin niya, natuwa na sana ako at makakpunta ako sa mamahaling hotel na pagmamay-ari nang dating sikat na model na si Alexa Castro-Castillo. Pero ang wagas na lalaki na ito pinasuot sa aking ang mascot ni Barney. San kapa? halos maiyak ako sa hirap at bigat nang costume na yun. Lalo na nung pinagkaguluhan ako nang mga bata. Umabot pa nga sa punto na gumulong gulong ako. Mabuti nalang at nakatakip ang mukha ko. Pag tingin ko sa kanya eh abo't hanggang langit ang tawa. Ang sama talaga.

Mabilis akong nagbihis nang pang cheerleader costume at sneaky. Kahit hindi ko alam kung ano nanaman ang gagawin ko wala naman akong choice.

"Nice.. buti hindi ka tumangi? do you really want to wear that?."sabi niya pagkalabas ko sa locker room nang mga girls. Agad akong napa irap sa kanya. Talagang bang nang aasar siya?

"Do I have a choice? baket nag tatanong kapa?" masungit na sabi ko.

"Para mainis ka.." Ngumisi siya at nagkibit balikat.

"Gago ka talaga, Glen!"nakakainis talaga ang kasamaan niya.

--------

"Julia, make it fast. Ang bagal mo!" singhal sa akin ni Trixie. Hindi ako makapaniwala sa mga pinag gagagawa ko. Pakiramdam ko isa akong batang uto-uto. Nasaan na ang justice? isa lang akong mahirap. Nakakapag aral ako dito dahil dun sa scholarship ko. Ang nakakaasar!  I have to deal with this fucking guy na napaka isip bata.

"Done.. "sabi ko kay Trixie pagkatapos kong gumawa nang banner. That crazy guy wants me to cheer him sa try out niya sa varsity? seriously? diba varsity na siya? ano yun? saling pusa lang siya?,baket di nalang niya gamitin ang powers niya para makapasok? at kailangan i-cheer ko pa talaga? My goodness!

"What the heck, Julia! anong klaseng banner yan?" maarteng sigaw ni Trixie kaya hindi ko maiwasan irapan siya. Eh siya kaya gumawa?

"Pwede na yan, okay?" pa irap na sabi ko. Haha! Paano naman gumawa ako nang banner tas drinowingan ko nag mukha ni Glen tapos may sungay siya. Ano naman masama dun? Buti nga di ko nilagyan ng buntot!

Nagmamadali kaming pumunta sa gym dahil magsisimula na ang try-out. I've heard nandoon din ang mga dating varsity nang LSU (La Soledad University). Medyo naiinis nga ako kasi nandun kase ang ex-crush ko na si Enzo. Tapos makikita naman ako na ganito. Bwiset talaga!

At pag talagang sinuswerte ka naman nabunggo pa ako. Agad akong tumayo at nagpagpag nang damet. Napatingin ako sa babae na parang may hinahanap.

"Sorry.."s abi niya sabay lakad palabas nang gym.

"Julia, ang lampa mo naman! bilisan mo nga, nakasalalay ang buhay naten dito!"

Nagmamadali akong hinila ni Trixie papunta sa harap. Grabe! ang daming tao sa loob, mostly mga girls.

"That's Glen Silverio, right? Geez! ang gwapo niya, girl!" naririnig kong sabi nang mga babae sa likuran ko. Hindi ko alam pero may nabuong inis akong naramdaman. Hindi ko ang alam kung dahil ba ito sa pinagagawa sa sa akin nang badboy na Silverio na iyon o dahil sa mga babae na kanina pa nagtitili sa likod ko.

Narinig ko ang pito nang raferee hudyat na magsisimula na ang laro. Magkakasama ang mga bago at ang mga dating varsity. Lalong umingay ang loob nang gymnasium dahil sa pagsisimula nang laro. Si Trixie naman ay napansin kong nakatitig ang doon sa isang player na hindi ko naman kilala. Feeling ko nga eh alien ako dahil ang daming sikat dito na hindi ko kilala. Eh sa wala akong panahon eh.

"Tatanga ka nalang ba jan?" nabalik ako sa realidad nang napansin kong nasa harap ko na si Glen. Ang sungit sungit niya talaga! Akala mo lalaking malapit ng mag menopause. Agad akong napatingin sa kanya at napalunok. Ang buhok niya ay basang basa nang pawis pababa sa katawan niya. What was that?

"Sorry naman, nahihiya kase ako." pabulong na sabi ko. Ramdam ko ang pag iinet nang pisngi ko dahil sa sinabi ko. Napailing siya at kumunot ang noo na tumingin sa akin.

"Okay, see you--"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang takpan ko ang bibig niya. Dama ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko pero wala na akong pakealam. Masyado na ang pang aalipin niya sakin ah.

"Oo na, tumahimik kana!"

Hindi na siya nagsalita dahil pumito na ulet ang referee. Papunta na siya sa gitna nang nagsimula akong mag cheer.

"We're the S-I-L-V-E-R-I-O Silverio your the best! Silverio your the best!"

Ramdam ko na bahagya siyang natigilan pati ang mga babaeng nagtitilian at ilang player sa court. Apura ang tili ng mga player para sa akin. Nilamon na ako ng pag chicheer kaya wala na akong pake sa kanila. Ganito pala gusto niya? edi ibigay ang hilig.

"Move!give way!Silverio is on your way!"

"Move give way!Silverio is on your way!"

"go!go!go!Silverio!"


Hiningal na cheer ko habang wina-wagayway ko ang banner na ginawa ko. Nagtilian ang player habang ang mga kababaihan ay nag bubulungan.

"Ohhhh-ooo.." sabi ni Trixie sabay siko sa akin. Napatingin naman ako sa court at nagtitilian pa din ang mga players. Si Glen naman ay mapulang mapula ang mukhang papalapit sa direksyon ko.

"What. the. fuck. was that?"mahinang angil niya sabay hablot sa akin. I heard Trixie called me pero hindi ko na pinansin.

"Nasasaktan ako, ano ba?" Nakangiwing sabi ko. Binitiwan niya ako pag labas namen nang gym. Mapula pa din ang mukha niya at hindi makatingin.

"Why the hell did you do that? I told you to cheer me. Hindi yung mag perform ka dun. Ang ikli nang soot mo, tas nagsasayaw ka don!?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko ay nang liit ako sa tinging binigay niya.

"Edi ba eto gusto mo? ano problema mo ngaun?" inis na sabi ko. Lumalaki na talaga ang iritasyon na nadadama ko. Bakit ba nagagalit siya? Ang hirap niyang iexplain eh, para siyang abstract!

Tumaas ang kilay niya at muling hinawakan ang palapulsuhan ko para kaladkarin na naman ako. Sa higpit ng hawak niya ay hindi ako makawala. Bago pa man kami makalayo ay may isang kamay din na humila sa isang kamay ko.

"Are you okay, miss?" sabi nung lalake. Namumukhaan ko siya e,  hindi ko lang matandaan san ko siya nakita. Ang masama eh napanganga ako dahil ng gwapo niya. ^_^

"Fuck. the. hell. off. Simon!"nagulat ako nang biglang sumigaw si Glen. Kung galit siya sa akin kanina ay mas matindi na ngaun ang galit niya. Nakita ko ang pag ngisi nang lalake na may pag kakahawig  kay Glen. Pero mas mabait tignan si Simon. Palagi kasing nakangiti. Hindi katulad ni Silverio na palaging mataas ang bp.

"You okay?" balik tanong niya sa akin. Hindi niya pinansin si Glen. Napatango nalang ako dahil nagugluhan ako sa kanila. Bigla nalang nag walk out si Glen na kinahalakhak ni Simon. Hala? baliw?

"Sorry for his behavior. Julia, right?"tango lang naibigay ko sa kanya. Hindi ako makapagsalita. "By the way, I'm Simon Aries Silverio. Glen's brother."

The Perfect Badboy (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz